c-17

6.2K 188 0
                                    

🔥🔥🔥Hell University 🔥🔥🔥
Chapter 17: The Punishment
Zein's Point of View
Sinamaan ko ng tingin si Mia nang makita ko ang pasimpleng pagkuha nya sa aking ice cream.
Natigilan ako sa pagsubo nang makita si Fritzy na pakembot-kembot. Dumiretso ito sa amin na malawak ang ngisi.
"Pinapatawag ka ni Supremo," nakangiting sambit nito.
"Bakit daw?" Tanong ko.
"Aba malay ko! Basta hinihintay ka nya sa wide space."
Inirapan nya ako bago kumembot muling paalis at nakisalo sa mga kaibigan nya atang puro lalaki.
"Flirt." Dinig kong sambit ni Vanessa.
"Ah guys, pasensya na ah? Pinapatawag na ako eh," Napakamot ako sa aking ulo dahil sa hiya.
"Ano ka ba! Ok lang! May resposibilidad ka sa HU!" Suporta ni Jerome.
"Ihatid na kita," prisinta ni Matt.
Tumango na lang ako at sabay kaming naglakad. Malayo-layo rin ang wide space ng HU dahil mejo sa dulo ito.
"Napapalapit na ata kayo ni Supremo,"
Natigilan ako at hindi agad nakapagsalita. Gusto kong tumawa dahil alam kong kahit kailanman ay hindi kami magiging malapit ni Ace, ni wala nga syang kaibigan e.
"Pinalitan mo na ako."
Hindi ko na talaga napigilan ang pagtawa dahil sa kacornihan nya na inaamin kong nakakakilig. Kung assuming lang ako ay malamang na iisipin kong nagseselos sya but knowing this guy, alam kong nagbibiro lang sya.
Sigh!
"Magiging malapit kaming lahat sa SSG but not him, he isolated himself, kinakausap lang nya kami kapag may kailangan sya."
"Bakit parang mukha kang disappointed?" Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa sinabi nya na ikinatawa nya. Inakbayan nya pa ako. Eh!
"Biro lang, alam ko naman na ako lang ang nasa puso mo eh,"
Kyah!
"Ang corny mo!"
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Sa lahat ng biro, ang joke ni Matt ang pinaka nakakakilig. Psh.
"Haha anong corny don? Nagsasabi lang ako ng totoo, alam kong may crush ka sa akin eh!"
Natigilan na talaga ako at ang init ng mukha ko. Alam nya? Sinong nagsabi? Masyado ba akong obvious?! Kyah! Nakakahiya!
"Hahaha joke lang! Ito naman!"
Eh? Buti na lang! Akala ko talaga alam nya talaga. Naku lang! Lagot talaga sa akin kung sino ang nagsabi sa kanya! Baka mailang sya sa akin, baka iwasan nya ako. Mababasag ang puso ko 'pag ganon.
Corny!
"Bakit ka ba kasi pinapatawag ng mokong na 'yon? Ngayon na nga lang tayo nagkaroon ng time tapos sisingit pa sya!"
Ramdam ko na talaga ang pagkadismaya sa tono ng pananalita nya. Walang halong biro.
"Bakit? May lakas ka na ba ng loob para kalabanin si Supremo?" Biro ko.
"Wala. Pero kung ikaw ang dahilan, magkakaroon talaga ako ng lakas ng loob."
Seryoso sya? Kakalabanin nya si Supremo para sa akin? Eh? Nagbibiro lang sya hindi ba? Naman Matt! Masyado kang paasa! Sana nga totoo. Sana.
"Dito na lang," Huminto kami at natanaw ko na si Supremo na nakaupo sa isang bench sa kabilang bahagi ng wide space. "Salamat." Sambit ko.
Unti-unti na nyang tinanggal ang pagkakaakbay sa akin. Wala nga talagang forever. Hay.
"Wala 'yon, kahit ano para sa bestfriend ko." Aniya na ikinangiti ko.
Bestfriend. K.
"Mauna na ako," Sambit ko. Hindi ko alam pero nawalan na ako ng gana. Bakit naman? Kanina lang ang saya ko ah? Bipolar ba ako?
"Teka!" Hinigit nya ako kaya napasubsob ako sa dibdib nya. Sinamaan ko sya ng tingin pero sinuklian nya lang ako ng isang ngiti.
Shit!
Ang gwapo!
"Ano?" Tanong ko.
"May itatanong ako sa'yo." Seryoso niyang sambit.
Ano na naman ito Matt? Paasa ka naman eh! Huwag ka ng magtanong kung pwede ba ang manligaw! Pwede naman talaga.
"Sinong mas gwapo sa amin ni Supremo?"
Nalaglag ang panga ko sa tanong nya. Ni hindi agad ako nakasagot dahil sobrang hirap ng tanong nya, dinaig pa ang math.
"Eh? Ano bang klaseng tanong 'yan?"
"Sagutin mo na lang."
Napabuntong-hininga na lang ako. Alam kong hindi nya ako titigilan hanggat hindi ko sya sinasagot. Naku lang.
"Syempre ikaw Matthew! Sino pa ba?"
Lumawak ang ngiti sa kanyang labi at tumingin sa aking likod. Nanlaki ang mata ko ng makita si Supremo na poker face.
"Alis na ako! Bye!"
Nagmadali itong umalis na sumisigaw pa at nagtatatalon, habang ako ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Supremo. Narinig kaya nya?
Malamang!
"You are 30 minutes late,"
Hindi ako nakapagsalita. Monitor nya pala ang oras? Sabagay, kailangan nya ng time management dahil marami syang ginagawa.
Hindi ko naman kasi namalayan na masyado palang natagalan ang pag-uusap namin ni Matt.
"At mukhang alam ko na kung bakit. Remember our agreement Ms. Shion, once na pinatawag kita. ASAP. Baka gusto mong pagbawalan na kita sa pakikipag-usap sa kanila?" Pananakot nya.
Fuck you Supremo.
"Sorry,"
"Anyway kaya kita pinatawag ay dahil sa nabalitaan ko," Napatingin ako sa kanya. Seryoso pa rin sya. Inayos nya ang eye glass nya. "Nalaman ko ang ginawa mo kay Queen Roxane." Pagpapatuloy niya.
I almost rolled my eyes, buti na lang at napigilan ko.
"Yes, I slapped her 160 degree." Pag-amin ko.
"Roxane is the Queen of HU for pete's sake! Wala kang karapatang saktan sya, you are just nothing but a powerless secretary!"
"Hell yes and I don't fucking care!"
Fuck you 100 times Supremo!
Ang sakit mong magsalita. Sila naman ang nauna eh, kung hindi nila ako ginambala at sinaktan, hindi sana sya nasampal ng 160 degree. It's no longer my fault! Stupid.
Inayos nyang muli ang kanyang salamin bago nagsalitang muli.
"Anong napala mo? Nasaktan ka ni Raze," Ngumisi siya sa akin na animo'y tuwang-tuwa na nasaktan ako.
"Yes, and so what?"
Hindi ko napigilang magsungit. Panira ng araw! Pinatawag nya lang pala ako para sermonan.
"You should be punished." sambit niya na ikinakunot ng aking noo.
"K."
"Your punishment is to clean the cafeteria for a week."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Sa dinami-rami ng naiisip kong parusa, hindi sumagi sa isip ko na paglilinis ang parusa ko.
"For a week? For real?"
Wala na akong nagawa. Once he said it, he mean it, no more question.
Pumunta muna ako sa library para magpalamig. As usual ay tahimik at ang librarian ay busy sa binabasa nya.
Pumunta ako sa dulong table at isinubsob ang mukha ko sa braso ko.
Maglilinis ako ng cafeteria tuwing hapon, inutusan na ni Supremo na huwag linisin ang cafeteria dahil ako ang gagawa non. Heartless.
Naramdaman ko na may umupo sa harap ko. Iniangat ko ang aking paningin at tumambad sa akin si Celine na nakangisi.
Creepy Shit.
"Kamusta na Zein? Malakas nga talaga ang kapit mo kay Kamatayan."
"Anong kailangan mo?"
This girl is really creepy. Ang mga nalalaman nya ay hindi basta-basta.
"Wala naman. May nalaman lang ako na siguradong ikagugunaw ng mundo mo," aniya.
Ano na naman ang nalaman nya at bakit maaapektuhan ako? Ayoko, ayokong malaman ang nalalaman nya. Masyado na akong maraming iniisip, ayoko ng dagdagan.
"Traydor, may traydor na nakapaligid sa iyo." Aniya.
Hindi ko alam pero napatayo ako sa kinauupuan ko. Ayokong marinig kung ano man ang sasabihin nyan. Ayokong malaman ang nalaman nya. Ayoko.
"Mag-iingat ka Zein, kapag nalaman nya kung ano ang sikretong formula, manganganib ka. Parating pa lang ang delubyo, bilisan mo Zein, unahan mo na sila."
Lumabas na ako ng library ng hindi man lang nakakapagpahinga. That Celine is really hell weird. Wala na ata sya sa katinuan.
Sino sila?
Hapon na at ito talaga ang araw na kasumpa-sumpa sa akin. Bitbit ang walis-tambo at basahan ay tumambad sa akin ang disaster na cafeteria.
Hindi ko alam kung sinadya talaga nilang magkalat ngayon, hindi naman ganito ka grabe ang kalat dati ah pero ngayon parang dumaan ang isang bagyo.
"I'm gonna watch you and monitor your performance," ani Supremo na babantayan daw ako.
Mukha ba akong tatakas?!
Nag-umpisa akong magwalis sa marmol na sahig at pinulot ang mga plastic, at ibang pang baso na pinaglagyan ng juice.
"Faster, maaabutan ka ng bloody night if you won't work faster than this," inip na suhestyon nya.
Hindi ako nag-abalang sumagot. Hindi ko pa nga sya kinakausap magsimula kanina eh, nagtatampo ako. Hmp!
Napangiwi ako nang mahawakan ang malagkit na kape sa sahig. Inis na pinahid ko ito sa aking blouse.
"Dugyot." Dinig kong sambit nya.
Inis na napairap ako sa kawalan bago kumuha ng basahan at pinunasan ito. Isang linggo akong ganito?! Damn.
Pagkatapos ko sa sahig ay mga table naman ang pinunasan ko. Pawis na pawis na ako at ang bwisit na Ace na ito ay walang ginawa kundi ang magkomento na puno ng panlalait. Pakiramdam ko ay sobrang lagkit ng katawan ko na totoo naman.
"You took 2 hours and 5 minutes. Psh. Iligpit mo na ang mga ginamit mo," lumabas na sya ng cafeteria at ako naman ay napadabog na sa inis.
Iniwan nya ako! Fuck you talaga Supremo.
Hinugasan ko ang basahan saka nilagay ito sa kusina ng cafeteria at humarap sa salamin. Nanuyo na ang kape sa blouse ko at gulo-gulo na rin ang aking buhok. Nakakunot ang aking noo at nakanguso ang aking labi.
Haggard!
Napatingin ako sa wall clock. 30 minutes na lang pala at bloody night na.
Nagmadali na akong lumabas at halos mapatili ako nang tumambad sa akin si Supremo na naghihintay pala.
"You took 10 minutes again." Naiiling na sambit nya. "Ihahatid na kita sa dorm nyo." Prisinta nya.
Huh! Buti na lang at naawa pa sya sa akin. I hate you Ace! I also hate you Roxane! Magsama kayong dalawa!
"Bukas uli, Zein." Aniya.
Hindi ko alam pero natigilan ako. This is the first time na tinawag nya ako sa pangalan ko. Laging tawag nya sa akin ay Ms. Shion.
What's the big deal, Zein?
Pagkapasok ko ay si Dave na lang ang naabutan ko at natutulog na ata ang iba.
"Oh? Ba't ganyan ang itsura mo?" Natatawang tanong nya.
"Oh please Dave. Huwag kang mang-asar, bad trip ako ngayon!"
Nagmartsa ako papunta sa cr at mabilis na hinubad ang aking blouse.
Hell Day. Hell Punishment. Hell yes, 6 more days pa.
I hate this! I hate you, Supremo!

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon