c28

5.4K 187 4
                                    

🔥Hell University🔱🔥
Chapter 28: Co-Leader
Zein's Point of View
I need to calm myself. Saglit kong pinakiramdaman ang paligid, nang marinig ko na ang hudyat. Mabilis akong tumayo at sinuot ang blazer ko na may hood. Sinulyapan ko sina Mia at Vanessa na mahimbing na natutulog.
Nakabenda pa rin ang kanang braso ni Mia.
Maingat na pinihit ko ang pinto ng kwarto namin. Hindi sila dapat magising, sigurado akong tututulan na naman nila ako at baka hindi na naman ako makakilos.
'Pagkalabas ko ng kwarto namin ay pinuntahan ko ang kwarto ng mga boys. Kahit na inasahan ko ng walang tao akong makikita roon ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan.
Ilang araw na rin akong binabagabag na alamin ang nangyayari sa aming mga lalaking kaibigan ngunit ngayon lang ako muli nagkaroon ng lakas ng loob para sundin ang nais ko.
I know this time, it is no longer just my curiosity. I am not aiming for a danger that usually caused by my curiosity but the eagerness to help my friends. I know there's something about them that's why they are doing this dangerous move.
Mahigpit ang kapit ko sa aking blazer habang pinipihit ang seradula ng front door. Mas lalong humigpit ang hawak ko rito nang tuluyan ko nang mabuksan ang pinto. Sinalubong ako ng malamig na hangin, tahimik na paligid, at kadiliman.
Maingat na isinara kong muli ang pinto bago lumingon-lingon sa paligid.
Nagpakawala ko ng buntong-hininga bago naglakad palayo sa dorm na hindi lumilikha nang anumang ingay galing sa aking mga sapin sa paa. Hindi rin maalis ang kabog sa aking dibdib.
Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Nicky. I have to break this rule to seek the information I need and definitely, I already did. I broke the rule.
Napahinto ako sa paglalakad kasabay nang panlalambot ng aking tuhod nang makarinig ako ng kaluskos galing sa kung saan.
Mas humigpit ang hawak ko sa laylayan ng aking blazer. Kinakain ako ngayon ng pangamba at takot.
Mabilis na lumingon ako sa aking likod kasabay nang pagtakbo ng isang-- "Pusa." Wala sa sariling sambit ko.
Damn that cat! Halos mamatay na ako sa takot dahil sa kanya! UGH! I will surely punish you once I see you again.
Nagpalingon-lingon ako sa paligid at sinuri kung may kakaiba pa bang bagay maliban sa pusa na 'yon. Tahimik ang paligid kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Dammit! Ang lawak ng Hell University! Paano ko sila hahagilapin sa impyernong ito?! Baka abutan na lang ako nang pagputok ng araw hindi pa ako nakakalahati sa HU.
Mabilis na nagtago ako sa likod ng isang malaking trash can nang makarinig ako ng tawanan hindi kalayuan sa akin. Pigil ang paghinga na ginagawa ko habang palapit nang palapit ang tunog ng mga lalaking sa tingin ko ay nasa dalawa lang.
Biglang sumagi sa isipan ko ang patalim na ibinigay sa akin ni Supremo. I should have brought it! Nakalimutan ko dahil sa pagmamadali! UGH! Wala akong anumang armas. Kailangan kong mas maging maingat.
"Ano ba kasing nakita sa kanya ni Boss? I am better than him."
Hindi ko alam kung nanandya talaga sila at malapit sa akin pa sila nagkwentuhan. Halos hindi na rin ako huminga, hindi lang makagawa ng anumang ingay na siguradong ikapapahamak ko.
"Better than him? Whoa! He is better--- I mean wala ka sa kalinkingan ni'ya."
"Gago."
"Bro, malaking tulong sya sa atin. We can defeat the Devil God Warriors because of him."
Seriously? Wala ba silang balak umalis? Nangangawit na ako sa aking posisyon at pakiramdam ko ay bibigay na ang aking tuhod kahit na anong segundo.
Shit!
"Tss. Tara na, baka nandoon na silang la-"
Mariin akong napapikit nang masiko ko ang isang maliit na trash can malapit sa akin na lumikha ng malakas na ingay, dahil na rin sa katahimikan ng paligid.
"Who the hell is there?!"
Mas tumindi ang kaba sa aking dibdib at tumataas na ang aking balahibo. No, hindi pa ako pwedeng mahuli. Not now! Kakaumpisa ko pa lang!
"Meow."
Nanlisik ang aking mata nang makita ang pusa sa paa ko na nakatingin sa akin. I glared at him or her! Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa nyang pananakot sa akin kanina.
"Pusa lang pala! Putik!"
"Hoy kayong dalawa! Gusto nyong malagot kay Boss?"
"Papunta na!"
Narinig ko na lang ang mga yapak palayo sa akin. Nakahinga ako nang maluwag at nang wala na akong marinig ay mabilis na hinawakan ko ang pusa. Akala ko magpupumiglas ito ngunit nanatili itong kalmado.
Like as if he is not afraid of death. Bigla ko tuloy naalala sa kanya si Supremo. Mariin akong napapipilig bago sinamaan ang pusang itim na hawak ko.
"Any last wish?"
"Meow."
"Nang dahil sa'yo muntik na akong mamatay sa nerbyos. Alam mo ba 'yon?! Huh?!"
What the hell?! Why am I talking to a cat?! What the fuck?! Nababaliw na ba ako?!
"Talking to a cat, huh?"
Mabilis na tumalikod ako nang marinig na may nagsalita roon. Pinaningkitan ko ng mata si Nicky na as usual ay maitim ang aura.
"What do you want?" Malamig na tanong ko sa kanya.
Tumingin ito sa langit at pinagmasdan ang mga bituwin. "I want you to know everything." Sambit nya na hindi man lang ako sinusulyapan.
"What do you mean?"
Lumingon na sya sa akin habang nakangisi. "Bilang na rin ang araw mo, kailangan mo nang malaman ang lahat." Dugtong nya.
Kumunot ang aking noo. "A-Alam mo?" Tanong ko.
"I want you to witness everything through your own two eyes."
Ngayon ko lang napansin ang hawak nyang maskara na itim. Inalis ko ang aking hood at pinaningkitan sya ng mata.
"Just a friendly-reminder. Don't let your curiosity drive you to hell."
Hinagis nya sa aking ang maskarang itim. Kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko nang mahawakan ito. The black mask of Black Blood Gang.
"Follow me,"
Binitawan ko ang pusa na kanina ko pa pala hinahawakan at isinuot ang maskarang ibinigay nya sa akin. Sinuot ko ang hood ko para hindi makita ang buhok ko. Si Nicky lang ang babaeng myembro ng BBG, maghihinala sila kung makikita nila ang mahaba kong buhok.
Sumunod ako kay Nicky at nanatili sa kanyang likod. Wala nang atrasan ito. I need to find out all this by myself.
Nakaramdaman ako nang uneasiness nang dumami na kaming nakaitim na maskara. Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng suot ko.
Calm down, Zein Shion. Kung gusto mo pang tumagal nang hanggang sabado, umayos ka. Pangaral ko sa aking sarili.
"M-Mistress Nicky. Pinapatawag kayo ni Boss."
Hinarap kami nang isang lalaking nakayuko lang at mukhang takot na sabayan ang malalim na titig sa kanya ni Nicky.
Lumingon sa akin si Nicky at tumango bago binilisan ang paglalakad. Hindi na ako sumunod sa kanya at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
Naramdaman ko ang titig ng ilan sa akin na animo'y kinikilatis nila ako. Kahit ka hirap na hirap na akong kumilos ay nanatiling kalmado ang kilos ko. I should not act suspiciously.
Napahinto ako sa paglalakad nang makaramdam ng mainit na hangin sa leeg ko.
"Whoa. Bango natin bro a." Sambit ng lalaking nakangisi.
Pinigilan ko ang sarili kong hambalusin sya at paulanan ng 160 degree-ng sampal. What the hell he did?! Dammit.
"Pabango ba ng babae gamit mo? O baka nakadali ka ng chicks."
"Don't talk to me." Nilakihan ko ang aking boses.
"Whoa! Easy! Pft."
Ngayon ko lang napansin ang pula nyang buhok. Dammit! Kilala ko ang lalaking ito.
Pumihit na ako patalikod at nagsimulang lumayo sa kanya. Baka kung hindi pa ako lumayo sa kanya ay makilala nya ako lalo na at nakita nya na ako dati.
Natahimik ang lahat nang dumating ang isang grupo ng mga BBG. Naagaw ng pansin ko ang leader nila na hindi nakamaskara. Nakakapit sa kanyang braso si Nicky na pasimple akong sinusulyapan.
"Tonight, we will welcome the newest member of Black Blood Gang."
Tahimik pa rin ang lahat at naghihintay sa susunod na sasambitin ng pinuno. Isa-isa nyang tinitigan ang bawat nandito.
Kumalabog ang puso ko sa kaba nang dumapo sa akin ang kanyang titig. Kinalaban ko ang kanyang titig na ikinangisi nya. Nakilala nya ba ako? No! Imposible. Inalis nya rin agad ang tingin sa akin bago binalingan ng tingin si Nicky.
They kissed each other infront of us. What the fudge?! Nazzer Lumia looks like a fragile nerd and I must say that looks can be decieved. He is a total jerk inside a devil of a nerdy guy.
Mabuti na lang at natapos na sila. Akala ko kasi magkakakapanood na ako ng live bed scene. Psh.
"Parang gusto ko rin tuloy ng kahalikan." Bulong ng katabi ko na kulay pula ang buhok.
Fuck! Sya na naman! At ano raw? Gusto nya rin ng kahalikan?!
Bigla syang tumingin sa akin with a smirk. "Your lips seem so soft and uh, nice lips." Mabilis na inalis ko sa kanya ang aking tingin.
"B-Bading ka ba, Bro?" Tanong ko na mahinang ikinatawa nya.
Mabuti na lang at hindi na sya nang-asar pa, baka hindi ko na talaga mapigilan ang aking sariling paputukin ang labi nya. Jerk!
"A moment of silence as I introduce the co-leader of Black Blood Gang."
Mukhang baliktad ang naging reaksyon ng mga kasamahan namin dahil nagkaroon ng bulungan sa paligid.
"Co-leader? Wala pang naging co-leader si Boss."
"He must be strong enough."
"Shit. I wish I could be."
Marami pa akong narinig na reaksyon mula sa mga myembro sa paligid.
"Who is not in favor of my decision." Walang emosyong sambit nya. Take note na hindi patanong 'yon. It seems like a threat.
Walang sino man ang tumutol. Who would be? Siguradong kapag sumalungat sila ay ikamamatay nila. Knowing how evil these people are.
Hindi sinasadyang mapatingin ako kay Nicky na walang maskara rin. Parang binabalaan ako.
"Ok, please introduce your name infront of us."
Napatingin kaming lahat sa iisang lalaking naglakad patungo sa gitna. Ang tindig nito, ang kanyang aura, ang kanyang pigura. Isang malaking sampal sa akin ang nakikita ko ngayon.
Hindi ako makapaniwala.
"Matthew. Black Blood Gang, co-leader."
-
-
-
TO BE CONTINUE.....

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon