chaptet 6

8.4K 214 10
                                    

🔥🔥🔥Hell University 🔥🔥🔥
Chapter 6: Secretary
Zein's Point of View
Muli kaming nagtagpo-tagpong magkakaibigan sa dormitoryo namin. Halata na pagod na pagod sila.
"May nakalap kayo?" Tanong ni Jerome na umiinom ng tubig.
"W-Wala. Natakot kami..." sambit ni Mia na halatang takot na takot. Kumunot ang noo namin sa kanilang dalawa ni Vanessa.
"Anong nangyari? Ayos lang ba kayo?" Tanong ko.
"Si Miss Leonora, iyong librarian. Sinindak nya kami.." ani Vanessa.
"Paano?" Tanong ni Matt . Nakapalibot na kami ngayon sa dalawa dahil halata sa kanila ang takot.
"Tinanong nya kami. Ang impormasyon na makukuha namin kabayaran ng permanente naming pagkakulong sa HU." Sagot ni Mia.
Nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. Ako, permanente na ako sa HU. Nalaman ko na ang nag-iisang lihim na iniingat-ingatan nila. Shit!
"Ganoon din ang sinasabi sa amin ng mga estudyanteng nilapitan namin." Sambit ni Dave.
"Wala kayong nakuhang sagot?" Tanong ko.
Umiling silang lahat na ikinamutla ko. Ako lang. Ako lang ang nag-iisang nakakaalam ng sikreto sa aming magkakaibigan, kung sakali man, ako lang ang maiiwan.
"Ikaw Zein? May nakuha ka bang sagot?" Tanong ni Matt.
Lumunok ako at ramdam ko ang init ng mukha ko. Ayoko, ayoko silang pag-aalahanin. Kaya mabilis na umiling ako.
Mas mabuti ng hindi na lang nila alam.
Biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Nicky. Totoo kaya? Ako na ang target nila? Pero sino ang tinutukoy niya? Nakaramdam ako ng takot. Ayoko pang mamatay. Anong kasalanan ko sa kanila?
"May nalaman ako. May nag-iisang paraan para makalabas tayo ng HU. Sinabi sa amin ng librarian." Desididong sambit ni Mia.
Nagseryoso ang lahat pero lang sa akin. Kahit na anong gawin ko, hindi na nila ako hahayaang makalabas. Maaaring... sila na lang ang makalabas kung sakali.
"Ano 'yon? Sinabi ba nya ang daan?" Tanong ni Dave.
Umiling silang dalawa ni Vanessa bago sumilay sa labi nila ang isang ngiti.
"Kailangan nating makapasok sa rank ng HU." Sambit ni Vanessa.
"Rank? You mean, sa classroom natin? Top achievers ganon?" Dire-diretsong tanong ni Jerome.
"Hindi lang sa claroom ito kundi sa Top 10 rank ng HU. Buong school na kasalukuyang nangunguna ay si Raze Silvenia." Sambit ni Mia.
Raze Silvenia. Ang leader ng DGW, siya ang pinakamatalino sa buong HU? Hindi ko pa sya nakikita pero humahanga na ako sa kanya. Ang alam ko kasi sa mga basag ulo ay tinatakwil ang pag-aaral.
"Ito ang list." Ipinakita sa amin ni Vanessa ang isang papel na naglalaman ng kumpletong listahan ng top 10 rank o mas kilala bilang Highest 10.
Pumapangalawa si Ace Craige, ang President. Pangatlo ang nagngangalang Nazzer Lumia At sa huli ang pangalan ni Nicky. Kasama pala sya.
"Nazzer Lumia. Siya ata ang leader ng Black Blood Gang." Sambit ni Dave.
Nazzer and Raze, the leaders of the both gang. How dangerous they are? Napapansin ko na tumahimik ngayon ang magkabilang kampo. Tahimik ngunit mapanganib.
"Guys, ligtas tayo hanggang wala tayong nalalaman. Kaya ang pagsikapan nalang natin ay ang masali sa Highest 10." Suhestyon ni Vanessa na sinang-ayunan ng lahat.
Nanatiling tikom ang bibig ko. Nakakalungkot lang isipin na kahit mapasali pa ako rito ay hindi rin ako makakalabas.
Napagdesisyonan kong solohin ang nalalaman ko, ayokong magpakamakasarili at isali sila sa akin. Ayokong magdusa rin sila. Ako na lang.
Lumipas ang mga araw at naging abala na ang lahat sa paghahanda para sa Acquaintance Party na kung saan masquerade ang theme.
Bakit kailangan pa naming magmaskara? Paano namin makikilala ang isa't-isa? O baka naman, may itatago sila sa likod ng mga ito.
Andito kami ngayon sa gymnasium kung saan magkakaroon ng general meeting para sa gaganapin na party this coming friday na two days na lang.
"Good afternoon ladies and gentlemen." Umpisa ni Madame Violet na as usual ay naka itim.
Mukhang laging nagluluksa.
Agad na nahagip ng aking paningin si Ace na kinakausap ang isang lalaki na halatang nangangatog ang tuhod.
"Shit. Pangatlong warning na nya 'yan." Bulong ng sa harap namin habang nakatingin kina Ace at sa lalaking sinasabi nila.
"That's the last warning. Maaring, dalhin na sya sa Dark Hell Jail." Dugtong ng isa.
Kumunot ang noo ko. Ano namang klaseng parusa ang naghihintay sa lalaking ito sa sinasabi nilang Dark Hell Jail? Maaring kamatayan pero anong klaseng kamatayan?
"Alam kong alam nyo na, sa byernes na ang Acquaintance Party niyo. And it's a masquerade and all of you are required to wear one. Except red and black color." Sambit ni Madame Violet.
Kumunot ang noo ko. Bakit naman hindi maaring gamitin ang kulay na iyon? Anong meron?
"It's because that color is exclusively for the gangs. Black Blood Gang members is for black and Devil God Warrior for red."
Nakarinig ako ng mga violent reactions sa mga estudyante pero walang nag-abalang sumalungat. Alam kong kahit na anong gawin nila ay wala silang laban, lahat kami rito ay mga puppet lamang nila.
"Ipapadala namin sa inyong mga dorm ang susuotin nyo."
"At ang byernes na iyon ay matatawag ding Free Bloody Night na kung saan, pinagbabawalan ang pagpatay. Ang sino mang lumabag ay mapaparusahan ng kamatayan." Naging mas ma-awtoridad na ngayon ang kanyang tono na nagbabanta.
I guess, wala ng lalabag. It's the headmistress who is talking in front. Ang kasalukuyang pinakamataas sa buong HU.
"I would like to call Mister President Ace Craige here in the stage."
Mabilis na umakyat si Ace sa stage at kinuha ang mic kay Madame.
"Hindi nyo ako makikita sa byernes but I am all watching you."
Kumalabog ang puso ko nang tumigil ang titig niya sa akin bago ngumisi. Kinilabutan ako.
"I.am.all.watching.you." ulit nito na may halong diin. Sinambit niya iyon sa aking mga mata.
Napairap na lang ako dahil mukha ba akong papatay? Duh...
--**--
Mag-isa akong naglalakad sa hallway dahil ang mga nagmamatalino kong kaibigan ay nasa library para mag-advance lesson. Hindi ba sila naaawa sa akin na maaring maiwan ako? Sa bagay, hindi pala nila alam.
"They are hiring new secretary? Anong nangyari kay Fritzy?"
Mga nakapulong na estudyante ang bumungad sa akin sa bulletin board at binabasa ang new updates tungkol sa HU. Nakipagsiksikan ako sa kanila hanggang makarating ako sa harapan.
"Wanted: Supreme Students New Secretary." Basa ko.
Bumaba ang tingin ko hanggang sa makita ko ang mga requirements. Isa lang naman ito pero ang nakalagay ay,
"Must be brave enough to conquer death." Ang only requirement.
Halos matawa ako sa pagkabasa ko. Seryoso ba sila? Sa tingin nila ay may gustong maging secretary nila?
"Tara na! Andoon na sila sa gym! Try natin!"
"Matapang naman ako kaya pwede ako!"
Nagtakbuhan ang kalahati ng mga babaeng estudyante papunta sa gymnsium kung saan maya-maya lang ay gagawin ang paghahanap ng bagong secretary. Napailing na lang ako, gusto talaga nilang maging secretary? Duh.
"Go away! In the count of one.."
Nahati sa dalawa ang mga nagkukumpulang estudyante na lumikha ng daan sa gitna kung saan nasa dulo ang isang babaeng blonde ang buhok, maputi, at masasabi kong sobrang ganda nya.
"Si Fritzy." Bulong ng isa.
Ngayon ko lang napansin na nasa gitna pa rin pala ako ng daan kaya napaangat ng kilay si Fritzy.
"Aren't you going to step out of my way?" Sa isang iglap ay nasa harap ko na sya.
Hindi siya nakauniform. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa akin.
"Should I?" Parang tangang tanong ko.
Pinitik nito ang buhok niya bago ngumiwi sa akin. Halata ang inis sa mukha nito.
"You must be one of the noob. I am the secretary here, Ms. IDontCareWhoYouAre." Anito na ikinangisi ko.
Nakakainis na ang pagkamaldita nya at ang tinawag niya sa akin. Malapit na raw akong mamatay, siguro susulitin ko na ang bawat sandali ng oras ko, sa paglaban sa mga demonyo gaya ng nasa harapan ko ngayon.
"Well, can't you read? O baka gusto mong basahin ko sa harapan mo kung ano ang nakasulat dito?" Turo ko sa bulletin board.
Hindi na sya ang secretary. Wala na syang karapatang tawagin ang sarili nya bilang ito. Wala na.
"That's just a paper. Hindi ko pa binibitawan ang pwesto." Matigas na sambit nito sa akin.
Ngumisi ako bago kinuha ang papel at nilukot sa harapan nya. Nakarinig ako ng mga bulungan sa paligid. Ayoko sa lahat yong nagrereyna-reynahan.
"What are you doing?!" Tanong nito sa akin nang pinilit kong ipahawak sa kamay niya ang papel na nilukot ko.
"Huwag ka sa akin magreklamo. Tinanggal ka na nila Ms.Fritzy IDontCareAboutYourSurname . Maaring, hindi ka qualified."
Nanlisik ang mga mata niya at hinila ang buhok ko. Hindi ako nakapagpigil at hinila ko rin ang buhok niya. Nagsabunutan kami.
"Pigilan nyo sila!" Dinig kong may sumigaw mula sa mga estudyanteng nakapalibot sa amin pero walang nagtangkang umawat sa amin.
May malakas na pwersang tumulak sa akin palayo kay Fritzy, tumama ang noo ko sa matulis na bagay kaya dumugo. Naramdaman ko ang hapdi nito at ang agos ng dugo mula rito.
"Wala kang karapatan na saktan ang Supreme Student Secretary!" Sigaw sa akin ng lalaking galit na galit.
Pinagpagan ni Fritzy ang kamay niya bago ngumisi sa akin. Sinubukan kong tumayo pero nahihilo ako dahil sa pagkatulak sa akin ng lalaking ito.
Gagu ba sya? Eh iyang demonyitang Fritzy ang nag-umpisa ng away eh! UGH!
"I am the Supreme Student Vice President here!" Sigaw nito pero wala akong pakialam. Gusto ko syang sapakin sa mukha.
"Well as if I care." Sagot ko.
Ikinuyom nya ang kamao nya. Namutla ako ng inambahan nya ako ng suntok.
"Punch her Mr. Onel Ty and you, together with the former secretary will have the warning number 3 from me."
Nanigas ang lahat matapos marinig ang tinig na iyon. Kahit nanlalabo ang paningin ko ay nakita ko si Ace sa likod nila Fritzy at Onel daw. Nakahalukipkip ito habang nakangisi.
"M-Mr. President." Halatang natakot si Vice kay Ace.
Duwag naman pala ang gago.
"All of you take my command. I want this place to be clear in the count of three... One..."
Nagtakbuhan ang mga estudyante at sa isang iglap ay kami nalang apat ang natira. Hindi natinag sina Onel at Fritzy.
"A-Ace. This bitch must be the one to punis---"
"Two..." Pagpapatuloy ni Ace sa pagbibilang na ikinangiwi ni Fritzy.
Bago tumalikod si Fritzy ay tinaliman nya ako ng tingin na para bang sinasabing hindi pa kami tapos.
I am not scared bitch.
Tumitig sa akin si Ace na madilim ang mata. Namutla ako sa klase ng tingin na ipinupukol niya sa akin. Mukhang galit na galit sya.
"Kill me now." Suhestyon ko.
"Well, not now Ms.Shion. Kailangan mo munang gumaling bago harapin ang parusa mo."
Wala ako nagawa ng buhatin nya ako. Ang sarap sa pakiramdam.
"Kailangan mong magpagaling, you are qualified to be my secretary bitch."
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng dugo at itong mokong na ito hindi man lang magawang bilisan ang paglalakad at animo'y nagmomodel lang.
Binalewala ko ang bulungan sa paligid. Ano bang big deal kung binubuhat ako ng President? Responsable naman nya talaga at ang gagong Vice na iyon. I swear, magkasalubong lang ang landas namin, sisirain ko ang mukha nya. UGH!
"Heal her, Nurse Cha." Utos ni Ace sa school nurse na dalaga pa at sa tingin ko ay mas matanda lang sa amin ng limang taon.
Hiniga ako ni Ace sa hostipal bed at agad na umalis. Well, ano bang inaasahan ko? Babantayan nya ako? Duh.
Pinunasan ni Nurse Cha ng malambot towel ang sugat ko bago nilapatan ng first aid.
"What happened? Si Supremo ba ang may gawa nito?" Tanong nya.
"Kung siya ang may gawa nito, malamang patay na ako ngayon. Pero buhay pa ako hindi ba? So, ibig sabihin gawa ito ng isang mahinang aso." Pagtataray ko.
Mahina siyang natawa sa sinabi ko. "Baka magkapeklat ka sa noo nito." Aniya.
"Don't let that to happen. Heal it, together with the scar." Halos napatalon ako sa gulat nang marinig ang tinig ni Ace.
Sinulyapan ko sya at tama nga. Nakatayo sya at nakasandal sa pinto ng clinic habang madilim na nakatingin sa amin.
Narinig kaya nya ang sinabi ko kanina? Well, totoo naman.
"Masusunod Supremo." Sagot ni Nurse Cha.
Napapikit ako sa hapdi at the same time ay sa antok. Hindi ako gaanong nakatulog kagabi. Maraming bumabagabag sa akin.
"Can I sleep?" Inaantok na tanong ko. I yawn.
Mahinang natawa si Nurse Cha bago tumango. In that cue, I just found myself sleeping in tiredness.
--**--
Vanessa's Point Of View
Nabalitaan namin ang nangyari kay Zein na ngayon ay kalat na kalat sa buong campus.
"Bakit ginawa ng President iyon?! Gosh!" Halos mahimatay si Mia sa alala at inis at the same time.
Andito kami ngayon sa clinic at hinihintay na magising si Zein na humihilik pa. Parang wala lang sa kanya ang nangyari.
"May galit ba sya kay Zein?" Tanong ni Jerome. Habang si Matt ay wala man lang reaksyon na nakaupo sa sofa ng clinic, katabi ni Jerome.
Kalat kasi sa campus na sinaktan ni President si Zein. Narinig ko ang usap-usapan na pagkatapos niya itong saktan ay dinala nya sa clinic. Baliw ba sya?
Maya-maya ay naalimpungatan na si Zein na gutom na gutom daw. Sakto naman na kakarating lang ni Dave na may dala ng mga pagkain at pawis na pawis. Nyek?
Nakangiwing pinanuod ko si Zein na may benda sa ulo at patay-gutom na kumakain na animo'y isang buwan na hindi kumain. Seryoso? Ibang klaseng babae.
"Nagutom ako doon ah!" Aniya matapos maubos lahat ng binili ni Dave.
"How are you?" Tanong ni Matt na ngayon ay mababakas na ang alala.
"I am fine thank you." Sagot ni Zein na ngayon ay nakangiti na.
"GHAD! Zein! Ano na namang kabulastugan ang ginawa mo?!" Sabat ko.
Sa aming magkakaibigan, sya lagi ang nasasabak sa panganib. Matapang kasi 'yan. Palaban, kahit na sinong umaway sa kanya ay papatulan nya. Kahit pusa.
"Not me. It was that fucking Vice President who did it!" Halata ang inis sa tono ni Zein.
Kumunot ang noo ko. "Vice President? Akala namin si President Ace ang may gawa nito?" Tanong ko.
Siya naman ngayon ang kumunot ang noo.
"Kalat ngayon iyon sa buong campus." Dugtong ni Mia.
"Of course not! Siya pa nga ang tumulong sa akin at dinala ako rito. That Fritzy and Onel, sila ang gumawa nito. UGH!"
Nakapasok si Zein sa ibang klase namin. Parang wala lang talaga sa kanya ang benda sa noo nya.
Kasalukuyan kaming nagkaklase nang pumasok ang isang lalaki na ikinatigil ng lahat.
"Si Vice Presisent Onel." Bulong ng isa naming kaklase.
Naningkit ang aking mata. Tatayo na sana si Zein nang pigilan ko sya.
"Where is Zein Shion?" Tanong nito. Tumigil ang tingin niya kay Zein na nasa tabi ko lang.
Naglakad ito papunta kay Zein kaya agad na tumayo sina Matt at Jerome pero lang kay Dave na nakaupo pa rin.
"What?! Gusto mo pa ng away?!" Sigaw ni Zein.
Nagulat kami nang lumuhod ito sa harap namin.
"I am sorry for what I did. Please, patawarin mo ako. Nabigla lang ako."
Nalaglag rin ang panga ni Zein sa ginawa nito. Nagsinghapan din ang mga kaklase namin.
"Miss Shion, please patawarin mo na ako. Ayoko pang mamatay." Sambit nito.
Napatingin ako kay Zein na seryosong nakatingin lang sa Vice President na nakaluhod.
Hindi ko maiwasang mahiwagaan kay Zein. Anong meron sa kanya? Bakit napaluhod nya ang Supreme Student Vice President?
"Alright then, get lost."
Nagmadali itong umalis na animo'y takot na takot.
"Who is she?" Tanong ng isa naming kaklase.
"Bakit lumuhod sa kanya si Vice?" Tanong ng isa.
Bakit nga ba?
-
-
-
TO BE CONTINUE...

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon