48

4.7K 193 2
                                    

🔥Hell University🔱🔥
Chapter 48: Delubyo
Zein's Point of View
Giving up doesn't mean you are weak. Sometimes, it is better to let go something that might hurt you for the better.
Kahit na anong gawin kong pakikinig sa sinasabi ni Sir Alvarez ay wala akong maintindihan. Ayaw magprocess ng lessons sa akin dahil nasa malayo ang aking isipan. Lumilipad sa napakaraming bagay at laging bumabagsak sa tanong na--- Asan na sya?
Magsimula nang masuspend sya ay hindi ko na sya nakita. Hindi ko alam kung asan sya at wala ring binabanggit sina Teacher Kath at Vice Ty tungkol sa kanya.
As usual ay natapos ang klase na wala akong naintindihan. Mabilis na ibinalik ko lahat ng gamit ko sa bag nang biglang masagi ng mata ko ang isang kahon.
Iginala ko muna ang mata ko sa classroom namin kung saan ako na lang ang nasa loob. Wala na rin si Sir Alvarez.
Inilabas ko ang kahon sa bag ko at pinagmasdan ito. Hindi ko alam pero sumikip ang dibdib ko habang inaaalala ang mga panahon na hindi pa ganito kakomplikado ang lahat. Nanginig ang labi ko kaya mas minabuti ko na lang na iwaksi lahat ng bumabagabag sa akin.
Marahan ko itong binuksan at kinuha ang patalim. Kitang-kita ko ang repleksyon ko sa patalim na ito pero naagaw ng isang marka ang aking atensyon.
A black dragon with red eyes. Kumunot ang noo ko nang sumagi sa isipan ko ang pangalan ng isang tao nang makita ko ang mata ng dragon. Mapula... Nakakatakot... Raze.
Raze? OH.MY.GHAD!
"Who gave you that?"
Sa gulat ko ay nalaglag ko ang kutsilyo na lumikha ng ingay. Sinamaan ko ng tingin si Jerome na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.
Pinulot nya ang kutsilyo at inusisa. Pabalik-balik ang tingin nya sa kutsilyo at sa akin at nanatiling nakakunot ang noo at kilay nito.
"Who the hell gave you this knife?"
"B-Bakit? Anong meron sa kutsilyong 'yan?"
Kinuha nya ang kahon na nasa arm chair ko at ibinalik doon ang kutsilyo. Inilagay nya itong muli sa arm chair ko kaya ibinalik ko na ito sa aking bag.
"Wala ka bang alam kung ano ang ibig sabihin ng marka na 'yon?"
"D-Devil God Warrior?" Patanong na sagot ko.
Nginisian nya ako bago isinakbit sa kanyang bulsa ang kanyang dalawang kamay. "Hindi ko alam kung bakit at kung sino ang nagbigay sa'yo nyan.... But that is the symbol of Raze Silvenia, not the Devil God Warrior." Malalim na wika nito.
Bahagyang umawang ang bibig ko sa narinig ko at sumabog ang napakaraming tanong. "H-Huh? Paano mo nalaman?" Naguguluhang tanong ko.
Bigay ito ni Supremo not Raze. Kung totoo man na si Raze ang nagmamay-ari ng patalim na ito ay paaanong napunta ito kay Ace?
"I am one of the Devil God Warriors."
Bahagyang tumigil ang pagprocess ng utak ko dahil sa sinabi nya at wala akong nagawa kundi ang tumunganga sa kanya. Myembro sya ng DGW?! Kaya ba kasama na sya sa H10? Paano? Bakit?
Kaya ba siya umaaalis tuwing gabi katulad ni Matt? Pero ano naman ang rason nya? And... Magkaaaway ang dalawang gang kaya posibleng--- UGH! Bakit ang gulo?! Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip.
"Stop torturing yourself from so many damn questions, Zein. Masasagot din lahat ng tanong mo... malapit na."
Hindi ko alam pero nawala na ang excitement sa loob ko sa tuwing papunta na ako sa SSG Office. Maybe because I am not expecting him to be there. Yeah, wala sya roon.
Kahit na alam kong wala sya ay hindi ko pa rin maiwasang ma-disappoint nang makita kong bakante ang table nya kung saan walang ni isang gamit man lang nya ang naroon.
As usual ay busy sina Teacher Kath at Vice Ty sa kanilang ginagawa. Ni hindi nga nila ata napansin ang pagpasok ko.
Hindi ko maiwasang titigan ang bakanteng lamesa sa tabi ko. Asan sya? Hindi ko pa sya nakikita, gusto kong magtanong ngunit mas pinangungunahan ako ng hiya.
Siguro, mas mabuti na rin ito. At least, mas mapaghahandaan ko pa ang muling pagkikita namin dahil hindi ko pa sya kayang harapin ngayon. Masakit pa rin na parang kanina lang nangyari lahat.
"It is better this way."
Natigilan ako sa pag-iisip nang makita si Teacher Kath sa harap ko. Napakurap ko ng ilang beses dahil nakangiti sya sa akin. Hindi ko masasabing peke 'yon dahil ramdam at alam kong totoo ang ngiti nya.
"I didn't know you are this strong," Wika pa nya. Nanatiling tikom ang aking bibig. Iniwas ko ang mata ko sa kanya dahil hindi ako sanay makarinig nang mga ganong salita sa kanya. "Thank you." Dugtong pa nya.
Sumikip ang dibdib ko kaya minabuti kong hindi na lang kumibo. Hindi ko sya maintindihan, wala akong maintindihan.
"Thank you for saving him."
Gusto kong patigilin si Teacher Kath sa pagsasalita dahil ang sikip sa dibdib ko. Hindi ko pa kayang buksan ang sugat na ikinukubli ko lang. Sariwa pa rin lahat.
"G-Ginawa ko lang kung ano talaga ang dapat."
"Even it kills. Dahil sa'yo ay hindi natuloy ang balak ni Headmistress Violet."
Kumunot ang noo ko at napatingin na ako sa kanya. She is still in her curved lips. "What do you mean?" Tanong ko.
Bumalik ito sa kanyang table at sinandal ang kanyang likod sa swivel chair. Hindi ito nakatingin sa akin pero naghihintay pa rin ako na sagutin nya ang tanong ko. Nanatili namang nakatuon ang atensyon ni Vice Ty sa kanyang ginagawa.
"Dati pa gumagawa ng paraan si Headmistress Violet para mapaalis si President Ace sa posisyon nito."
"Bakit?"
Bakit gusto nyang mapaalis si Supremo? Anong balak nya?
"Hindi nya magawa dahil minahal ng mga HU Students ang Supremo Ace. Nakuha ni Ace ang loob ng buong estudyante ng HU, nirespeto nila ito. Hindi nya maaaring tanggalan ng kapangyarihan si Supremo basta-basta dahil alam nyang hindi lang kami ang makakalaban nya... Buong HU Students ang magiging tutol."
Wala sa sariling napangiti ako. Finally, napagtanto ko na rin ang kahalagahan ng sakripisyong ginawa ko. Kahit papaano ay lumuwag ang paghinga ko. Supremo Ace is such an excellent leader. And I am proud of him, so much.
"Until you came in his life... Nagkaroon ng sandata si Headmistress para kalabanin ang taong hindi nya kaya. Pero binigo mo ang masamang balak ni Headmistress... Kung naging marupok ka nang mga panahong 'yon ay malamang na nagawa na nya ang balak nya."
"Ano ba ang plano nya?" Isang tanong na labis na bumubulabog sa aking isipan.
"Ang mailuklok ang kanyang anak."
Natigilan ako sa sinabi ni Teacher Kath. May anak si Madame Violet? Sino? Hindi ko alam.
"Liam Rivera, yep. Madame Violet Rivera's son."
Tuluyan na akong natigilan. Panandalian kong ipinikit ang mata ko para pakalmahin ang mga nagwawalang tanong sa isipan ko. Kaya pala... kaya pala kasama sya sa H10.
Nagpaaalam na muna akong magpapahangin dahil gusto kong makasinghap ng sariwang hangin. Dinala ako ng mga paa ko sa secret garden at umupo ako sa ugat ng puno at isinandal ang likod ko.
Too much information.
Napapikit ako nang maramdaman ang pagtama ng malamig na hangin sa mukha ko. Pakiramdam ko ay may nakayakap sa akin.
Nanatiling nakapikit ang aking mata at ikinulong ko ang sarili ko sa madilim na dimension.
Kumalabog ang puso ko nang makita ang isang anino ng tao sa dilim. FUCK! Nanginginig man ay pinilit kong lumapit sa kanya ngunit hindi ko magawang makalapit. Sa tuwing tatangkain kong lumapit ay mas lumalayo ito.
Pero ang hubog nito... ang presensya nya... kung paano magwala ang mga halimaw sa loob ko. Fuck! Bakit ko ba ito nakikita?!
Natigilan ako nang makita ang isa pang anino sa likod nya, babae. Kumunot ang noo ko nang mapagtanto na parang pinoprotektahan nya ito.
Damn!
Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko nang makitang nagyakap ang dalawa. Sobrang sakit na parang hinihiwa ang puso ko. Ano 'to?!
Napaatras ako nang makita ang maraming anino sa likod nila na may mga hawak na patalim. FUCK! Gusto ko silang balaan ngunit walang lumalabas sa bibig ko. Sinubukan kong tumakbo para lapitan sila ngunit mas lumalayo pa sila.
Pawis na pawis na nagising ako mula sa kadiliman. Napabalikwas ako nang maramdamang may dumila sa kamay ko. Napangiti ako nang makita si Hoy.
Ilang oras ba akong nakatulog? Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako rito. Kinuha ko si Hoy at tumayo na dahil hapon na rin.
Natigilan ako nang maramdaman ang presensya ng isang tao hindi layuan sa akin. Humigpit ang hawak ko kay Hoy.
Bigla kong naaalala ang sinabi sa akin ni Celine. Posible kayang ang taong 'to ang nagmamanman sa akin? Anong kailangan nya? I tried to act normal.
Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na sya sumunod. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad nang may humigit sa braso ko.
Magpupumiglas sana ako nang senyasan nya akong tumahimik na sya namang ginawa ko. Dinala nya ako sa walang tao. Nanginginig ito kaya hindi ko maiwasang kabahan.
"A-Anong nangyari, Nurse Cha?" Kinakabahang tanong ko.
Hinawakan nya ang dalawa kong kamay kaya binitawan ko muna si Hoy. Nanginginig ang mga kamay nito na mas nagpapapalala sa kabang nararamdaman ko.
"Z-Zein. May masama akong balita."
Nanatiling tikom ang aking bibig dahil hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong ireact sa sinabi nya basta ang alam ko lang ay hindi ko ito magugustuhan. Damn!
Nanlambot ang tuhod ko nang makita ang paglandas ng luha mula sa mata nya. Naguguluhan man ay hinawakan ko ang kamay nya para patahanin sya.
"A-Alam na nila."
"Ang alin?"
Lumunok ito bago inilapit sa tainga ko ang kanyang bibig. "Alam na nila ang sikretong formula." Bulong nya na nagdulot sa akin ng pagtindig ng balahibo.
Isa lang ang tumatakbo sa isipan ko ngayon.... Malapit na nga ang delubyo.
-
-
-
TO BE CONTINUE.....

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon