bloody continue the chapter 4

8.9K 232 7
                                    

***❌ Hell University ❌***
●(Continue the chapter 4...)●
Narinig ko ang mga yabag ng paa palapit ng palapit sa amin kasabay nang paglaki ng pangamba sa akin.
"Namamanhid ang paa ko. Hindi ko na kakayaning maglakad. Tumakbo ka na Zein! Iligtas mo ang sarili mo!" sigaw niya habang nakahawak sa kanyang binti.
"Hindi Matt! Hindi kita iiwan! Kasalanan ko ang lahat ng ito!"
"Zein! Please! Umalis ka na! Mapapahamak ka lang din!"
Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi habang umiiling. Nanginginig ang aking katawan sa alala at takot. Pero ang ipinagtataka ko ay pako lang naman iyon, bakit ganito ang epekto?
Napahawak ako nang mahigpit sa kamay ni Matt nang makita ko na ang mga lalaking nakamaskara na itim na palapit sa amin.
"Zein tumakas ka na!"
Parang nabingi na ako at wala ng maramdaman. Hindi ako makapag-isip ng maayos basta ang alam ko lang ay hinding-hindi ko iiwan si Matt dito.
Napahinto ang mga nakamaskarang lalaki nang may humarang sa kanila. Isang lalaking nakamaskara ang buong mukha, kulay pula ito.
Naramdaman ko ang takot sa mga lalaki nang makita ito na animo'y ang lalaking nakamaskara na pula si kamatayan na dapat nilang takasan.
"One...two..." Nagbilang ito at hindi pa man umaabot ng tatlo ay wala na sa harap niya ang mga lalaking mga nakamaskarang itim.
Naiwan kaming tatlo sa madilim na bahagi ng HU. Napakabigat ng presensya niya. Shit! Sino sya? Bakit natakot sa kanya ang mga lalaking iyon? Anong meron sa kanya?
Lumingon siya sa amin at halos mapaatras ako nang makita ang isang mata niya na pula. Hindi ko alam kung nakangisi siya o seryoso dahil tanging ang isa niya lang mata ang nakalabas.
Dumiretso siya sa amin at binuhat si Matt na wala ng malay ngayon. Sumunod ako sa kanya, ni hindi ko magawang makapagsalita at parang umurong ang aking dila sa takot.
Napakabanayad ng kanyang paglakad na animo'y napakasafe ng buong HU kahit na bloody night. Nasa likod nya lamang ako.
Lutang na lutang ang aking isip at hindi ko namalayan na nasa harap na kami ng dormitoryo. Nilapag nya sa sahig si Matt na walang malay bago tumalikod.
"Paduguin nyo ang sugat niya, banlawan niyo ng maligamgam na tubig nang mawala ang lason."
Kumurap ako ng tatlong beses at wala na siya sa aking paningin.
Tinulungan ako nila Jerome at Dave sa pagbuhat kay Matt papasok. Pinaulanan naman ako nila Vanessa at Mia ng mga tanong na hindi ko magawang sagutin.
Ginawa namin lahat ng sinabi ng misteryosong lalaking nagligtas sa amin.
Sino sya?
--**--
Limitado lang ang nasagot ko sa kanilang mga tanong dahil patuloy pa rin nagsisink-in sa akin lahat ng nangyari kagabi. Magdamag kong inisip kung sino ang misteryosong lalaki sa likod ng pulang maskara.
"Hindi lang basta-basta pako ang ginamit kay Matt. Taglay nito ang pinagsamang lason at tetano. Pasalamat na lang tayo at may tumulong sa inyo." sambit ni Jerome na pinupunasan ang parte kung saan natamaan si Matt ng pako.
Napakalaki ng utang na loob namin sa lalaking tumulong sa amin. Hindi siya myembro ng Black Blood Gang dahil hindi itim ang maskara niya kundi pula.
"Lesson learned Zein. Mas mabuti ng pigilan ang ihi kesa buhay mo ang kapalit." pangaral ni Vanessa.
"Sorry." Ang muling lumabas sa aking bibig.
"Oh sya! Sige na at mauna na kami at baka malate pa kami. Sigurado ka bang hindi ka talaga papasok?" Tanong ni Mia.
"Babantayan ko na lang si Matt, tutal kasalanan ko naman kung bakit sya nagkaganito." Malungkot kong sambit.
"Mauna na kami. May pagkain ng nakaluto sa lamesa." Pahabol ni Dave.
Isinarado ko ang pinto bago lumapit muli kay Matt na mejo mainit pa rin pero hindi na kasing init ng kagabi.
"Sorry Matt. Sana hindi ka nasa ganitong kalagayan kung hindi mo ako sinamahan." Sambit ko.
Kung sana hindi na rin ako nagpumilit pang sundan ang mga lalaking nakaitim na maskara ay hindi ito mangyayari kay Matt.
Kuryosidad ang muntik ng magpahamak sa amin. Pero gusto ko lang naman makumpirma ang hinala ko eh.
Base sa direksyon na tinatahak nila ay parang tinawag silang lahat. Parang magpupulong sila. Iyon sana ang gusto kong makumpirma kagabi na naudlot.
"Z-Zein?"
"Matt! Ayos na ba ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba?" Sunod-sunod na tanong ko.
Tinulungan ko siyang makaupo. Halata parin ang panghihina ng katawan niya.
"Nagugutom ka ba?" Ulit na tanong ko. Tumango siya kaya pinaghain ko siya.
Sabay kaming kumain sa lapag ng walang nagsasalita. Nanlaki ang mata ko nang makitang kinuha nya ang tatlong pulang sila at sinubo ito ng buo.
"Matt!" Alalang sigaw ko.
Pumula ang mukha nya at halatang nasusuka na pero pinilit niyang lunukin ito. Nakatingin lang ako sa kanya. Weird.
"Bakit mo kinain 'yong sili?! Nasisiraan ka na ba ng bait?" Tanong ko na ikinatawa niya.
Pinanuod ko lang ang paglagok niya sa lahat ng tubig sa baso naming dalawa bago bumuga ng malakas sa harap ko. Pinalo ko sya sa braso dahil feeling nya dragon sya.
"Sili ang pumapatay sa natirang lason sa katawan ko. Ang anghang ah!" Biro niya na ikinatawa ko.
Nagbalik na rin ang sigla niya at pumunta kami sa park at umupo sa swing. Bigla kong naalala ang unang lalaking naencounter ko at ang unang lalaking nagbanta sa akin.
Nakaitim siyang maskra. Hindi kaya isa siya sa myembro ng BBG? UGH!
"Zein, salamat." Panimula niya. Nakatingin lamang siya sa lupa. "Salamat at hindi mo ako iniwan. Sorry kung muntik ka ng mapahamak ng dahil sa akin. Sorry." paghingi nito ng paumanhin.
"Wala 'yon. Ginawa ko lang ang dapat at isa pa, kasalanan ko rin naman kung bakit ka nalagay sa ganong sitwasyon eh."
Ngumiti siya sa akin bago ibinalik sa malayo ang tingin.
"Bago ako mawalan ng malay. Nakita ko ang nakamaskarang lalaki." aniya na seryoso ng nakatingin sa akin ngayon.
Hininto ko ang pagtulak sa swing at sinabayan ang titig niya sa akin.
"Pulang maskara. Isa siya sa Devil God Warrior." dugtong niya.
Ngayon ay napagtanto ko na. Ang itim na maskara ay para sa Black Blood Gang at pulang maskara ang sa Devil God Warrior.
Pero ang ipinagtataka ko. Bakit niya kami iniligtas?
"Hindi lang siya basta-basta myembro. Base sa nakitang kong takot sa mata ng malaking nagtangka sa buhay natin, kung paano mangatog ang tuhod nila, kung paano mabilis na nagsialisan sila. Maaring siya si Raze Silvenia."
Nanatili akong tahimik. Raze Silvenia? Ang leader ng Devil God Warrior? Pero bakit ganon? May kakaiba akong naramdaman sa kanya? Hindi ko mapaliwanag.
"Ang ipinagtataka ko ay bakit niya tayo iniligtas?" Tanong ni Matt na katulad na katulad ng tanong ko sa aking sarili.
May pinaplano ba siya? Sila?
"Kagabi rin Matt, nong tumatakbo tayo, may mga nagmamasid sa atin." Halos pabulong kong sambit.
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Pero hindi ako maaring magkamali, may nagmamatyag sa amin na para bang pinapanuod nila kami.
"Maaring isa sila sa mga Black Blood Gang." aniya.
Umiling ako bago ibinalin sa malayo ang aking tingin. Imposibleng BBG iyon, dahil kung sila man iyon ay dapat na pinatay na nila kami gaya ng muntik nilang gawin pero hindi, nanatili silang nanunuod.
"Posible kayang Devil God Warrior sila?" Tanong ko.
"Posible. Naroon si Raze, kaya maaring anduon din ang pangkat niya." Pagsang-ayon niya.
Napatingin kami sa mga estudyante na naglalabasan na sa mga classroom dahil break time. Parang ordinaryong estudyante lang sila pero sa loob-loob nila ay ang matinding takot.
"Tara na. Balik na tayo sa kwarto at nang makapagbihis na tayo para makapasok." Inilahad niya ang kamay niya na kinuha ko naman nang nakangiti.
Naglalakad kami papunta sa dormitoryo nang mabunggo kami ng isang babaeng nagmamadali. Nalaglag ang mga libro niya kaya tinulungan namin siya.
"Salama-" Napahinto siya sa paghingi ng pasalamat nang makita niya kami.
Napaatras siya na animo'y takot na takot. "H-Huwag please." Tumakbo ito palayo sa amin.
Nagkatinginan kami ni Matt sabay nagkibit balikat. Weird.
-
-
-
TO BE CONTINUE

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon