51

4.6K 197 5
                                    

🔥Hell University🔱🔥
Chapter 51: I will
Zein's Point of View
I can't blame you because I know what I have done. It sucks knowing you are with someone else now but what can I do? It was my fault. I pushed you away, it was me. I will just be thankful you are not in a misery... unlike me. Still... I was wrecked with that scene that I can't do anything but to smile and take all the blame.
I was silently hurt so much that I can no longer feel how painful it was supposed to be.
You will never be forgotten by my heart but my mind can. Supremo, minahal at minamahal pa rin kita pero tama na... Tapos na tayo.
Hindi na ako nagulat nang pagkarating ko sa SSG Office ay walang Supremo ang bumungad sa akin. Only Vice Ty and Teacher Kath na seryosong nag-uusap.
Dumiretso na lang ako sa table ko at inayos ang mga papeles na hindi ko naayos kahapon. Kahapon na wala ako sa sarili para hintayin ang isang taong hindi na pala babalik.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos nang bumukas ang pinto. Nagtama ang mata namin pero mabilis na umiwas din 'to ng tingin at dumiretso sa kanyang table.
Ibinalik ko na lang sa ginagawa ko ang mata ko nang marinig ang mahinang buntong hininga niya. Hindi naging madali para sa akin ang pigilan ang sarili kong lingunin sya.
Nakarinig ako ng kaluskos sa gilid ko kaya hindi ko na talaga napigilang lingunin 'to. Kumunot ang noo ko nang makitang pinupunit nya ang logbook.
Naguguluhan man ay minabuti ko na lang na ibalik sa ginagawa ko ang aking atensyon.
Natapos na akong mag-ayos kaya binalingan ko ng tingin ang katabi kong nakayuko sa kanyang desk at nakatagilid papunta sa akin ang ulo.
Tulog 'to at nakatabingi na ang eye glass. Mukhang pagod na pagod sya at walang tulog. Hindi ko magawang iiwas ang mata ko... kahit man lang ngayon matitigan kita nang hindi mag-aalalang mahuli mo ako.
Gusto kitang lapitan... Gusto kong ayusin ang gusot mong polo at magulo mong buhok... Gusto kong alisin ang salamin mo at ayusing ang position mo para hindi ka mangawit pero alam kong hanggang gusto lang ako... Masaya ka na. Ayoko ng guluhin ka pa. Masakit man pero hanggang dito lang ako.
Napagitla ako nang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Angel na tinapunan lang ako ng saglit na tingin bago dumiretso sa table ni Supremo.
Gusto ko syang pigilan sa paggising kay Supremo dahil halatang pagod ito at kulang sa tulog pero sino ba naman ako para pigilan sya? Pero sana... hinayaan nya na munang magpahinga ang tao.
Ano ba kasing ginawa nya at mukhang hindi sya natutulog? Psh.
Tinapik nya nang mahina ang balikat ni Supremo na agad namang nagising. Pumungay ang mga mata nito na naniningkit.
Mabilis na kumilos naman 'to nang makita si Angel sa harap nya.
Tumayo si Supremo at sabay silang lumabas ni Angel na hindi man lang naglalabas ng mga salita na animo'y alam na niya kung ano ang dahilan kung bakit naparito si Angel.
Baka naman may plano na talaga sila... baka.
Nagstay muna ako ng ilang minuto bago napagpasyahang tumayo na at pumunta sa cafeteria. Lunch break...
"Cancelled ang pasok..." Bungad ko sa mga kaibigan ko.
"Oh? Bakit daw?" Tanong naman ni Mia.
"General meeting." Maikli kong sagot.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang bumukas ang mga speaker sa paligid. "All classes are suspended due to the general meeting that will happen later... 1 oclock at the gymnasium. Thank you." Namatay uli ang mga speaker.
"I told yah..." Walang buhay kong wika sa kanila.
"Para saan naman ang general meeting na 'yan?" Tanong ni Vanessa.
Nagkibit-balikat na lang ako dahil maging ako ay hindi alam ang rason.
Ilang buwan na rin matapos magkaroon ng general meeting at 'di naging maganda ang nangyari no'n. Ano na naman 'to ngayon?
Ano na naman ang pinaplano nila?
"Pwede naman sigurong 'di tayo mag-attend, 'di ba?" Bored na wika ni Vanessa na nakakapit sa braso ko.
Nagpasama pa kasi sya sa cr at nauna na sina Mia, Jerome, Matt at Dave. Maging ako ay hindi interesado sa kung ano man ang dahilan ng general meeting na 'to pero may part sa akin na kailangan kong marinig 'yon.
Kung ano man 'yon ay kailangang makita at marinig ko mismo. It might be bad or worst still... I am curious.
"Pwede naman... Huwag ka lang papahuli kay Supremo."
"Paano kung mahuli ako-- Oh! I'm safe naman kahit mahuli ako... kasama naman kita e."
Napailing na lang ako sa katwiran nya. Kung gusto nyang maparusahan... sya na lang. Sawa na ako sa parusa. Psh.
Pagkarating namin sa gymnasium ay katahimikan ang bumungad sa amin. Sinenyasan naman ako ni Vanessa na pupunta na sya sa mga kaibigan namin habang ako naman ay sa front seat... katabi ng lalaking nakapikit habang nakasandal sa upuan.
He looks really tired. What the hell! Naiinis ako sa sarili ko! Damn it.
Nginitian naman ako ni Vice Ty nang magtama ang mata namin. Hindi naging madali para sa akin ang umupo sa harap... katabi ng lalaking nakapikit pa rin na mukhang inaantok pa.
Bakit kaya?
Maybe because they were together the whole night. Sana aware ka pa rin na hindi ka maaaring mainvolve sa kahit na sino or kung mainvolve ka man... labas na ako. I won't take the blame anymore. I did what's right and the rest is your choice.
Maya-maya lang ay dumating na si Madame Violet, Francisco, Principal at isang lalaking familiar sa akin. Saan ko nga ba sya nakita?
Napamulagat ako nang maalala na sya ang lalaking bumungad sa akin sa lugar na sa tingin ko ay ang hidden laboratory. Fuck!
Ano 'to?
Bakit sya narito? Bakit kasama nya ang admins?
Napakaraming tanong ang sumabog sa isipan ko at laging nagtatapos sa tanong na... Heto na ba?
Nagtama ang paningin namin at ngumisi ito sa akin. Nakaramdam ako ng pagtaas ng balahibo sa mga sandaling 'to. Alam kong hindi 'to maganda.
Tumingin ako sa mga kaibigan ko na mukhang malalim din ang iniisip. Hindi ko alam pero parang naiiyak ako. Shit! Bakit?
"Good afternoon ladies and gentlemen..." Panimula ni Madame Violet na nakangisi.
Hindi ka makakarinig ng kahit na maliit man lang na ingay sa paligid na animo'y maging ang kanilang paghinga ay pigil. Nakakasakal ang hangin sa loob ng gym na parang kinakapos ang lahat ng masisinghap na hangin.
I have a bad feeling about this... Really bad.
"The end is near..."
Humigpit ang hawak ko sa upuan na inuupuan ko. Napatingin ako kay Supremo na nahuli kong nakatingin sa akin. Umiwas din ito agad ng tingin at muli na lang pumikit.
Psh.
"Sawa na ba kayo sa impyernong 'to?" Tanong niya pa. "Good news. Konting panahon na lang... maaari na kayong makalaya." Mga katagang bumuhay sa ingay ng paligid.
Nagkaroon ng kasiyahan sa paligid ngunit mas lumala ang paninikip ng dibdib ko. Normal na matuwa kami pero hindi ko magawa. The worst is soon to come. The end is arriving quickly.
Paano matatapos 'to? Madugo? Sigurado.
"Konti na lang at magtatapos na ang paghihirap nyo..." Nakangising wika pa nito. "The Philippine High University turned into Hell University is soon to become just a story... A story that only us can tell."
Iginala nya ang mata nya sa kabuuan ng gymnasium. Sa bawat estudyanteng tatamaan ng tingin nya ay parang isang saksak na kayang pasikipin ang paghinga mo. The strong authority of the headmistress of this hell. Madame Violet Rivera.
"The only reason why we are stucked in this place was already been found out... Yes. The Formula that can bring back death's life is soon to be completed."
I knew it! It has something to do with that damn formula. Huli na ba talaga kami? Wala na ba talaga kaming magagawa?
"Kapag nakumpleto na 'to... maaari ng buksan ang unibersidad na 'to... You can now go out. Run as long as you can. We won't be a hindrance anymore..." Sumeryoso ang mukha nito. "but I need your cooperation."
Kumunot ang noo ko.
Bumukas ang double door ng gymnasium at napakaraming naka laboratory suit ang pumasok. Kinain ako ng pangamba at takot. Nagkaroon ng tension sa paligid.
Hindi lang ako ang napatayo dahil halos kalahati ng mga estudyante ngayon sa loob ay napatayo sa gulat... nangangatog sa takot.
Napatayo ako sa kinauupuan ko ng magsuot ng gas mask ang lahat ng naka laboratory suits at maging sina Madame Violet.
Napatingin ako sa mga kaibigan ko na nagtataka rin.
"Sa ngayon... magpahinga na muna kayo."
Sa isang iglap ay napakakapal na usok ang kumalat sa paligid. Nakarinig ako ng mga sigawan at mga naubo na animo'y nahihirapang huminga.
Damn!
Napahawak ako sa leeg ko nang kapusin ako ng hininga. Matutumba na sana ako nang may naramdaman akong yumakap sa akin.
Kahit na nahihirapan akong huminga ay mabilis na nakilala ko pa rin kung sino 'to.
Napangiti ako bago ko naramdaman na sabay kaming bumagsak sa sahig... still he is hugging me and for the first time... I feel safe in his arms.
I was scared last night... I was beyond scared of myself... I was scared that I can no longer stop myself... Natatakot akong ituloy ang maling nagawa ko... Natatakot akong hindi ko na macontrol ang sarili ko at magpakamakasarili na lang na ipaglaban ka...
Alam kong katangahan at kabaliwan na nagawa na kitang saktan... nasaktan na tayo pero sa huli ay handa pa akong masaktan.
Alam kong huli na pero patawad.... Hindi ko na kayang lokohin ang sarili ko.
Humigpit ang yakap nya sa akin...
"S-Supremo?" Halos mawalan na ako ng hininga pero pinilit ko pa rin na magsalita.
Alam kong nasa huwisyo pa rin sya dahil sa pahigpit nang pahigpit ang yakap nya sa akin.
"Darling... please come back." Isang bulong mula sa kanya na muling nagpatulo ng luha ko.
"I will."
-
-
-
TO BE CONTINUE.....

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon