54

4.9K 204 0
                                    

🔥Hell University🔱🔥
Chapter 54: Awaken
Zein's Point of View
I can't breathe...
Napapikit ako kasabay ng pagdilim ng lahat. Natatakot ako... sobra. Ayoko sa dilim. Ayokong makulong sa dilim.
Naramdaman ko ang muling pagbagsak ng luha sa mata ko kasabay ng panunumbalik ng mga alaala.
Akala ko tama. Akala ko tama na layuan ka. Akala ko tama ang naging desisyon ko.
Tama naman e. Tama na nilayuan kita. Napakalaki ng tama pero bakit ganon? Napakaliit lang ng mali pero mas nanaig ito?
Napasinghap ako sa dilim nang maramdaman ang paninikip ng dibdib ko.
Napakaraming pagkakataon ang nasayang ko. Mga pagkakataon na dapat ay kasama kita. Mga pagkakataon na dapat inilaan ko sa'yo. Mga pagkakataon na hindi na maibabalik pa.
I should have trusted you.
Sana... Hindi pa huli ang lahat dahil kung bibigyan pa ako ng pangalawang pagkakataon... Sisiguraduhin kong hindi na ako muli magkakamali.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Kahit na nakapikit ako ay tila kilala ng puso ko kung sino ito dahil ganon na lang ang pagwawala nito.
"Darling... I'm here. Open your eyes."
Hindi ko alam pero parang nanumbalik lahat ng lakas ko matapos nya akong hawakan at marinig ang kanyang tinig.
Nakakabingi ang tibok ng puso ko na parang gusto ng kumawala sa dibdib ko.
Nakahinga na ako ng maluwag dahil malamang na nakabukas na ngayon ang incubator.
I tried to open my eyes. Nanginginig ang paningin ko at masyadong malabo. Malabo ngunit nakikita ko ang isang pigura na gusto kong hawakan.
Unti-unti ay lumiwanag na ang lahat. Napangiti ako na sya ang unang bumungad sa akin.
"I'm sorry... Darling, forgive me."
Kahit na nanghihina ay inangat ko ang braso ko para haplusin ang kanyang mukha. Akala ko hindi ko na sya makakaharap nang ganito kalapit.
"S-Supremo..."
Inalalayan nya akong makatayo. Napayakap ako sa kanya nang maramdaman ang panginginig ng tuhod ko. Nanghihina pa rin ako dahil sa dami ng dugo na nawala sa akin.
"Can you walk?"
Hindi ako nakapagsalita nang mapagtanto ang nangyayari sa paligid. Kumunot ang noo ko habang nakatingin kay Supremo na nakangisi sa akin.
"W-What the hell is happening?"
Nakapalibot sa aming dalawang ang mga taong naka pula at itim na maskara na animo'y pinoprotektahan kami.
Lumayo ako nang konti sa kanya at kahit papaano ay nakayanan ko ng tumayo.
"You came back to me." Sambit nito habang nakangiti. "Sinabi mo 'yan." Dugtong pa nito.
Kumunot ang noo ko bago napagtanto kung ano ang tinutukoy nya. "Yes. I'm back and will never turn back, again." Lumapit ako sa kanya.
"Promise me... You'll never leave me again. I don't wanna be alone again."
Hinawakan ko ang kamay nya at tumitig sa kanyang mata. Napangiti ako dahil hindi nya suot ang salamin nya. Hindi naman kasi talaga malabo ang mata nya e.
"I can't promise but I will stay no matter what. I will never do the same mistake again. Never. Ever."
Humigpit ang hawak nya sa kamay ko nang may pagsabog na naganap. Kumunot ang noo ko ngunit nanatili ang kanyang ngiti sa labi.
"W-What's that?"
"They will pay for what they did to you. They hurt you. I will kill them. Darling... I am willing to kill anyone dared to hurt you."
Kahit na naguguluhan ako dahil sa nangyayari ay hindi ko maiwasang mapangiti.
Damn!
I miss him so damn much that I want kiss him right here, right now.
Paano ko nasikmurang saktan ang ganitong klaseng lalaki? Paano ko sya nagawang iwan? He deserve to be happy.
Mas humigpit ang hawak nya nang may mga sunod-sunod na putukan na nangyari.
"Anong nan-"
"Shut up and hold my hand..."
Sya na ang muling humawak sa kamay ko nang maramdaman nyang wala akong balak humawak sa kanya.
"Darling, hold my hand."
Nagsimula kaming tumakbo habang hawak nya ang kamay ko. Pagkalabas namin ng Hidden Laboratory ay mga lalaking armado ng baril ang tumambad sa amin.
"S-Supremo..."
"Sshh. Close your eyes."
Kahit na naguguluhan ay ipinikit ko ang mata ko. Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang mga putok ng baril, ang pagbagsak ng mga bagay sa sahig hanggang sa nawala na lahat ng ingay.
Iminulat ko ang mata ko. Kitang-kita ng mata ko kung gaano kabilis kumilos si Supremo na sa isang iglap ay napatumba nya ang dalawang natitirang armadong lalaki gamit lang ang isang kutsilyo.
Nangilabot ako hindi dahil sa katotohanang napakagaling nyang makipaglaban kundi dahil nakangiti ito habang ginagawa nya 'yon.
Damn! He is really a demon!
Kinindatan nya ako nang mahuling nakatingin ako sa kanya.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang lalaking lupasay sa likod ni Supremo at nakatutok sa kanya ang baril. Hindi ito napansin ni Supremo dahil nalatalikod sya rito.
Shit!
Bumagal ang tibok ng puso ko nang makita ang pagkalabit nya sa baril pero nalaglag ang panga ko nang makita ang mabilis na pag-iwas ni Supremo sa bala na tumama sa bintana dahilan ng pagkabasag nito.
Sa isang iglap ay nabalutan ang lalaki ng dugo habang may dalawang pako na nakatusok sa kanyang ulo.
"Are we late?"
Agad na naagaw ng tatlong tao ang atensyon ko. Nakatayo ang mga ito sa pinto.
Nazzer, Nicky and Matt. The Black Blood Gangs.
"Zein..."
Napangiti ako nang bigla akong yakapin ni Matt.
"Matt..."
"3..." Bigla akong hinila ni Supremo palayo kay Matt na nakanguso. "3 seconds is enough." Mapait na wika pa nito.
"Can I have an additional 2 sec-"
"No. Kayo na ang bahala rito."
Hinila na ako paalis don ni Supremo. Napangiwi ako nang maramdamang kumirot ang braso ko.
"What's wr- Shit! You are bleeding!"
Ngayon ko lang din napansin na dumudugo ang kaliwang braso ko kung saan kinuhanan ako ng dugo. Pinaupo ako ni Supremo at pumunit ng kapirasong tela sa kanyang damit.
"Does it hurts?" Tanong nya habang tinatali ang braso ko para pigilan ang pagdugo. "I am sorry." Malungkot nitong wika.
Hindi na lang ako kumibo.
"A-Anong nangyari?" Tanong ko.
Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari. Wala akong maintindihan. Sa pagkakaalam ko ay nasa loob ako ng incubator at nag-aagaw buhay. Shit! Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip.
Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Supremo. "They will never hurt you again. Hindi ka nila makukuha sa akin. Mamamatay muna ako bago ka nila makuha pero... Wala sa plano ko ang mamatay." Bulong nito.
----
Matthew's Point of View
I love her... Dati pa.
Nagsisisi ako na dapat ay noon ko pa ito inamin sa kanya. Masyado akong naging kampante na hindi sya mahuhulog sa iba.
"Nice..." Puri ni Nazzer nang nagawa kong patumbahin ang dalawang kalaban sa isang pako lang.
I joined them to protect her. Hindi ako nagsisi sa ginawa ko at walang pagsisisi na mangyari.
Mukha na nga akong Superhero nya e. Lagi kong nililigtas ang buhay nya at sya naman itong ang lakas ng kapit sa gulo. Natawa na lang ako habang inaaalala lahat ng ginawa nyang muntik na nyang ikapahamak.
Hindi sya marunong masindak. Gaya na lang nong baguhan pa lang kami rito. 'Yong mga panahong nanganib ang buhay namin dahil sinamahan ko syang mag-cr at naabutan kami ng bloody night.
Nasa labas lang ako no'n nang mapansin ang mga umaaligid sa amin. I have to protect her... Yan ang motto ko sa buhay kaya kinalaban ko ang BBG at hindi nagtagal ay sumapi ako rito.
Well, ganon naman talaga si Zein. Padalos-dalos talaga sya sa mga desisyon nya. Hindi sya nag-iisip ng mabuti pero isang katangian nya ang labis kong hinahangaan.
She will protects you even it cost her life. She cares for you over herself. She might be that badass girl but she can also be your sweetest friend.
Hindi nya ako iniwan nung mga panahon na maabutan na kami ng BBG at hindi ko magawang makalakad. Alam nyang kapag hindi pa sya umalis at iniwan ako ay may mangyayaring hindi maganda pero nanatili sya sa tabi ko. Hindi nya ako iniwan.
Napangiwi ako nang maramdaman ang pagdaplis ng bala sa braso ko. Mabilis na pinabulusok ko sa kalaban ang natitirang pako ko na mabilis naman nyang ikinatumba.
Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo mula sa braso ko pero wala akong panahon para indahin ito.
Kinuha ko ang baril ng isa sa napatay namin at ito ang ginamit ko.
"Where the hell is that bitch?!" Dinig kong sigaw ni Nicky.
Ang tinutukoy nya ay si Madame Violet. Oo nga, asan na ang demonyong 'yon? Halos mawasak na ang hidden laboratory dahil sa pasabog na ibinato ko kanina pero wala sila.
Shit!
"Where the hell are you going?!"
Hindi ko pinakinggan si Nazzer at bumalik ako. Kung wala sila rito... malamang na baka balikan nila si Zein lalo na't sya ang puntirya ng mga ito.
Napatigil ako sa pagtakbo nang palibutan ako ng mga armadong lalaki. Napamura na lang ako dahil hinaharang nila ang daan ko.
"Back off kid."
Napatingin ako sa lalaking naka lab gown. Naningkit ang mata ko habang iniisip na isa sya sa mga nagpahirap sa kaibigan ko.
He deserves to die.
Umayos ako ng tayo at pinagpagan ang sarili ko. Bakit nga ba ako nagmamadali? Bakit ako nag-aalala kay Zein e kasama naman nya si Supremo?
Supremo...
Bigla kong naaalala ng mga mata nya kanina habang palusob kami sa hidden laboratory. Wala kang mababakas na emosyon sa kanyang mga mata.
He really is a demon... lalo na kung si Zein ang dahilan.
Nilusob nya ang Hidden Laboratory nang mag-isa. Nakamamangha na nagawa nyang pabagsakin ang lahat nang sya lang mag-isa. Sumunod na lang kami nang marinig ang pagsabog na sya malamang ang may gawa.
Napangiti na lang ako at nakahinga nang maluwag. Hindi nya papabayaan si Zein. Hindi nya hahayaang makuha ito ng mga masasamang tao.
Hindi rin naman magtatagal... Darating na sila... Matatapos na ang madugong labanan na ito.
----
Vanessa's Point of View
Nagngingitngit ang ngipin ko habang si Jerome naman ay tawa lang ng tawa sa tabi ko.
"Ano ba kasing hinihintay natin?!" Inis na tanong ko. "Baka may nangyari ng masama sa kanila!" Sigaw ko.
Narito kami sa gubat na bahagi ng Hell University. Kasama namin sina Mia, Dave at ang mga nakaligtas na estudyante ng HU.
Nakalaya kaming lahat. Tinulungan kami ng BBG at DGW. Nakakapagtaka nga na nagtulungan ang dalawa e at heto kami ngayon... Hindi ko alam kung ano ang hinihintay namin.
"Easy, Vanko. Parating na sila."
"Sino ba kasi?!" Kinulwelyuhan ko na sya sa inis na ikinangisi nya lang. "Sinong hinihintay natin?!" Ulit na tanong ko.
Napaupo na lang akong muli sa inis. Nag-aalala na ako baka may nangyari ng masama kay Zein at Matt.
Bwisit! Kapag talaga may nangyaring masama sa kanila ay baka mapatay ko ang lalaking tinatawanan ako.
"B-Bakit ba hindi na lang tayo tumakas ngayon?"
Kumunot ang noo ko sa tanong ng isang babae. Halata ang takot sa mga mata nito.
"Tumakas?" Tanong ko.
Nag-iinit ang ulo ko. Anong ibig nyang sabihin?
"Oo! Habang may pagkakataon! Hindi naman tayo ang pakay nila hindi ba? Si Secretary Shion ang kinukuha nila! Bakit pa natin sya ililigtas? Mapapaham-"
Natigilan sya sa pagsasalita nang dumapo sa pisngi nya ang palad ni Mia. Agad namang lumapit sa kanya si Dave para pakalmahin ito.
Nanginginig din ang palad ko pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka hindi lang limang sampal ang abutin nya sa akin.
"H-Hindi mo ba naisip kung ano ang ginawa ni Zein? Sya ang nagligtas sa atin! Kung hindi dahil sa kanya ay baka patay ka na ngayon, tapos ganito ang sasabihin mo?"
Tiklop ang bibig ng babae. Napapadyak si Mia sa inis at tinalikuran ang babae na hindi na nakapagsalita pa.
"Duwag... Duwag kayong lahat!" Si Angel naman ngayon ang nakatayo sa harap. "Walang wala kayo kay Zein! Kahit baguhan lang sya ay may napatunayan na sya. Eh kayo?! Mga duwag! Ang tagal nyo na sa impyernong ito pero ni isa sa inyo walang naglakas loob lumaban! Takot kayo kaya nanahimik na lang kayo! Hindi ba kayo nagsasawa?! Hindi ba kayo naaawa sa sarili nyo?!"
Natahimik ang lahat. Napangiti na lang ako. Zein Shion... Isa ka lang babae pero napakalaking impluwensya mo sa lahat. Sabagay, Zein Shion 'yan e. Kaibigan namin.
Zein Shion. Your not so typical girl.
May tumayong lalaki sa karamihan na ngayon ay nakangisi na. "I'll fight... Sawa na akong maging alipin." Wika nito.
"Ako rin. Kung mamamatay ako... sisiguraduhin kong lumaban ako."
"Ayoko na rin... Sawa na akong matakot!"
Pinanuod lang namin kung paano ang lahat ng estudyante ngayon ay nakatayo na. Kitang-kita ngayon sa kanilang mga mata ang determinasyong lumaban.
Damn! This is getting bloodier.
Natawa na lang ako...
Sa wakas, nagising na sila. Nakakatakot ang mga estudyanyeng ito. Nakakilabot ang kanilang mga ngiti.
Sa haba ng panahon na nakulong sila sa lugar na ito at itinuring na mga hayop...Finally, they are awaken.
Isa lang ang sigurado sa malabong nangyayari ngayon... Mawawala na ng tuluyan ang Hell University...
Blood will cover this entire place. It will be a long night--- The bloodiest night. Killing is legal, I can kill as long as I can.
-
-
-
TO BE CONTINUE....

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon