57

4.9K 207 1
                                    

🔥Hell University🔱🔥
Chapter 57: Revelations
Zein's Point of View
Napatingin ako sa mga kaibigan ko na nakangiti sa akin. Nakikita ko ang galak sa kanilang mga mata na nakita nila akong ligtas ngunit nakita ko ang galit sa mata ni Matt habang nakatingin sa balikat ko.
Sa mga kaibigan ko. Masasabi kong si Matt ang napaka overprotective kaya alam ko kung bakit sya sa galit. Nakatali rin ang balikat nya na may bakas ng dugo. Ganon rin si Nazzer na nakatingin kay Nicky na halatang pagod na rin.
Napatingin ako kay Sir Alvarez na mukhang nag-aalala habang nakatingin sa balikat ko. Ngumiti ako sa kanya na sinuklian naman nya.
Sa mga nakikita ko ay isang lalaki ang nagpakunot sa aking noo.
Ferry. What the hell! Bakit andito sya? Buhay pa sya?
Si Ferry ang lalaking natapunan ng juice si Supremo. Ang lalaking itinapon namin sa Dark Hell Jail.
"A-Anong ibig sabihin nito?" Hindi makanapiwalang tanong ni Madame Violet. "P-Paano?" Halata pa rin ang gulat sa mata nito.
Maging ako ay nagulat at naguguluhan pero kahit papaano ay nalilinawagan na ako ngunit hindi sapat para matigil ang mga katangunangang bumabagabag sa isipan ko.
Napatingin ako kay Francisco na nakangiti habang nakatingin kay Raze. Hindi ko alam pero may nakikita akong lungkot sa mga ngiti nya. Malungkot ba sya? Dahil ba malapit ng matapos ang kasamaan nila o may iba pa itong kahulugan?
"Surprised?" Tanong ni Supremo.
"Why don't you take off your mask?" Hamon ni Francisco kay Raze Silvenia.
Hindi pa rin naalis ang ngiti na napalitan na ng ngisi sa kanyang labi.
Natawa si Madame Violet. "No need. Isa lang namang clone ang nasa likod ng maskarang 'yan dahil ang totoong Raze ay si Supremo." Wika nito.
Narinig ko ang mga bulungan sa likod namin na nagulat sa sinabi ni Madame Violet.
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Supremo sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Kitang-kita ko ang nagbabaga nyang mata, ngayon ko lang sya nakitang ganito.
"Paano mo naman 'yan nasabi?" Mainahong tanong ni Raze ngunit kung susuriin mong mabuti ang boses nya ay may halo itong nakakaloko.
Para kaming nanonood ng isang palabas nila Raze, Ace, Francisco at Madame Violet. Nanonood lang kami sa kanila at naghihintay ng susunod na mangyayari. Wala kaming ideya sa mga susunod pangmangyayari at mabubunyag.
Nakabantay naman sa amin ang mga pulis gayon din ang mga armadong lalaki na nakatutok sa amin ang mga baril.
"Madali lang malaman... When Ace is in, Raze is out... Raze in? Ace out. They don't appear at the same time at alam namin na clone lang ang nagpakilalang Raze."
Humalakhak si Supremo sa sinabi ni Madame Violet. Alam rin pala nila na clone lang ang nagpakilalang Raze, hindi lang ako ang nakaalam.
Narinig ko rin ang mahinang tawa ni Raze. Shit! Ang lamig ng boses nya.
"Nice conclusion...but" Puri ni Ace. "I am no Raze." Dugtong pa nito.
"I am." Wika ni Raze na nagsalita na.
Napatingin naman kami sa lalaking tumabi sa tabi ni Raze.
"I am the clone one." Wika nito.
Ang fake Raze, ang totoong Raze, at ang napagkamalang Raze. UGH! Napakakomplikado ng pagkakakilanlan ng lalaking naka pulang maskarang ito.
"Sinadya naming isipin nyong ako si Raze and I guess... Tagumpay kami." Sabi ni Supremo na sinenyasan akong pumunta sa likod kung nasan ang mga kaibigan ko.
Ayoko ko sana'ng umalis sa tabi nya ngunit nginitian nya na ako kaya wala na akong nagawa.
Sinalubong naman ako nina Matt at Dave na inalalayan ako. Napatingin ako kay Matt na halata pa arin ang galit habang nakatingin sa balikat ko.
"Shit..." Dinig kong mahinang mura nya.
Hinawakan ko naman ang balikat nya para pakalmahin sya. Sinalubong kami nina Vanessa, Mia at Jerome.
Napangiti ako nang biglang yumakap sa akin si Mia na umiiyak. "Z-Zein, I am sorry." Paulit-ulit na wika nito.
Niyakap ko na lang din sya dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nanghihina pa rin ako at gusto kong mag-ipon ng lakas.
"Kumpleto na ulit tayo..." Naiiyak ni wika ni Vanessa.
"What are you talking about?"
Naagaw muli nila Supremo ang aming atensyon. Nanginginig ang kamay ni Madame Violet na may hawak na baril.
Bigla akong nag-alala para kina Supremo dahil kilala ko si Madame Violet. Hindi sya magdadalawang isip na paputukin 'yon dahil sa anak nya nga nagawa nya... paano pa kaya kina Supremo?
"You!" Duro ni Madame Violet kay Nazzer. "Bakit kasama mo ang Devil God Warrior! Magkalaban kayo! Sumanib kayo sa amin, tulungan nyo akong gapiin ang mga pesteng 'yan!" Alok nito.
Ang buong atensyon namin ngayon ay napunta kay Nazzer na mahinang natawa. "There was never a war between us... Palabas lang ang lahat... Palabas para sa mga sandaling ito." Sagot nito.
Napalunok ako nang unti-unting nabubuo ang mga idea sa isipan ko. Una, pinlano nilang palabasin na si Ace ay si Raze. Pangalawa, hindi naman talaga magkaaway ang mga gang at palabas lang ang lahat. Pangatlo, kapag pinagsama-sama ang lahat... Malamang na sina Supremo at Raze ang may pakana ng lahat ng ito. Ang alas ni Supremo.
Ngunit ang pinakalamaking palaisipan pa rin sa akin ay kung sino ang tao sa likod ng maskarang 'yon.
Who are you Raze Silvenia?
"Kalokohan..." Wika ni Madame Violet. "Pinatay nyo nga si Rouge Silvenia! Ang kapatid ni Raze Silvenia." Wika pa nito.
Natawang muli si Nazzer. "We didn't killed him... Oh, yes! Kami nga ang pumatay sa kanya pero sya ang nagsabi no'n... Sinakripisyo nya ang buhay nya para sa mga sandaling ito at wala kaming balak na sayangin 'yon." Wika nito.
"At sa tingin nyo kaya nyo akong pabagsakin?" Hamon nito.
"Kayang-kaya... alam mo ba kung bakit? Dahil naging pabaya kayo, binuhos nyo ang buong atensyon nyo sa paghahanap sa nawawalang formula. Hindi nyo naisip na may mangyayaring ganito and for your more information... Hindi si Rouge Silvenia ang kapatid ko." Wika ni Raze na napatingin kay Supremo.
Ngumiti si Supremo sa kanya. "It's time. Reveal yourself... Kuya." Wika ni Supremo.
Napatingin ako kay Matt na natawa. Kahit na hindi nya aminin ay alam kong alam na nya ang lahat, maging sina Dave at Jerome. Ibinalin ko na lang sa harap ang aking paningin.
"Take off your mask..." Hamon ni Francisco na ngayon lang nagsalita.
Napatingin ako kay Hoy na tumalon papunta sa balikat ni Raze. Napamura ako nang mapagtanto na baka si Raze ang may-ari kay Hoy... ang taong sumipol sa loob ng gubat.
Hindi pa man naaalis ni Raze ang kanyang maskara ay napaatras na sa gulat si Madame Violet habang nakatingin kay Hoy na nasa balikat ni Raze.
"Meow."
Ngumisi naman si Francisco na parang kilala na rin kung sino ang taong nasa likod ng maskara.
"No... Imposible." Wika ni Madame Violet na nanginig ang labi.
"It's been a long time... Madame... Sir..." Yumuko pa ito ng bahagya bago tuluyang inalis ang kanyang maskara na ikinalaglag ng panga ni Madame Violet.
Nagkaroon din ng ingay galing sa mga estudyante sa gilid namin habang nakatingin sa lalaking nagpakita na rin ng mukha sa wakas.
"L-Luxury Valdez..."
Natigilan ako nang magsink-in kung sino ang lalaking ito. Siya ang former Supreme Student Government President, anak ng dating headmaster. Pero paano? Akala ko patay na sya?
Bigla kong naalala ang sinabi ni Celine na ang may ari kay Hoy ay si Lux. Kaya pala...
"I am sorry Madame but Lux has died already. I am now Raze Silvenia and I want you to meet my younger brother..." Inakbayan ni Raze si Supremo. "Supremo Ace Craige." Dugtong pa nito.
Ngayon ko lang napagtanto ang pagkakatulad at pagkakaiba nila. Parang carbon copy ni Supremo si Raze ngunit mas matangkad si Raze na may dimple at pula ang isang mata. Hindi maipagkakaila ang karismang taglay ni Raze lalo na kapag nakangiti.
Magkapatid pala sila? Siguro nga, marami pa akong hindi alam tungkol sa pagkatao ni Ace. Isa pa rin syang napakalaking misteryo.
"Ang gwapo... Sayang ngayon ko lang sya nakita kung sanang dati pa edi sana ang saya n-"
"Mahanimik ka nga!" Sigaw sa kanya ni Jerome na nakanguso kay Vanessa na natigilan. "Ang ingay-ingay." Bulong pa nito.
"Mas gwapo pa si Dave." Wika naman ni Mia.
"Alam ko naman 'yon e." Wika naman ni Dave.
Napailing na lang ako.
Mas gwapo si Supremo...
"M-May kapatid ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Madame Violet. "Paa-"
"We hid him for purpose... Baka kung ipinakilala namin sya ay maging sya gawan nyo ng masama...." May halong galit na wika ni Raze.
"You killed my dad... I want to ripped your neck to death--- Pero mas maganda kung pagsisihan nyo ang lahat sa kulungan." Wika ni Supremo na may halong pait.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa kay Supremo. Paano nya nagawang lagpasan ang ganon kalaking dagok sa kanyang buhay? Oo, malakas sya pero hindi sapat ang physical na lakas kung ang umaatake sayo ay ang emosyon. Tapos... nagawa ko pa syang saktan.
Supremo...
"At sa tingin nyo mahuhuli nyo ako ng buhay?" Naging alerto na ang mga tauhan ni Madame Violet ngunit nanatiling kalmado si Francisco na ikinakunot ng noo ni Madame Violet.
"May problema ba?" Tanong sa kanya ni Madame Violet.
"Welcome back Luxury or should I say... Raze Silvenia." Wika nito.
"Akala ko ba napatay mo silang dalawa?" Tanong ni Madame Violet kay Francisco. "Paanong nakaligtas si Lux?!" Tanong pa nito.
Ngumisi ito.
---
Third Person Point of View
Madilim pa ang paligid ngunit ilang oras na lang ay sisikat ng muli ang araw. Matatapos na ang lahat ngunit walang kasiguraduhan kung sino ang mananaig ngunit ang sigurado ay hindi pa tapos ang pagdanak ng dugo.
Napangisi si Raze habang inaalala lahat ng nangyari, lahat ng ginawa nina Madame Violet at Francisco sa kanya.
Flashback...
Malakas ang ulan na sinasabayan ng kulog. Madilim at tanging ang ilaw na nanggagaling sa kidlat ang nagsisilbing pansamantalang liwanag sa paligid.
May dalawang magkasintahan ang maghawak-kamay na tinatahak ang mapunong bahagi ng Hell University. Labis ang pangamba na nararamdaman nila pero hindi sila nagpatinag.
"S-Supremo, H-hindi ko na kayang maglakad pa." Wika ng babaeng may tama ng bala na nagngangalang Samantha.
Napatingin naman ang kasintahang-lalaki nagngangalang Luxury kay Samantha.
"I'm sorry, baby." Wala sa sariling wika nito nang makita ang labis na paghihirap ni Samantha.
Sa loob-loob ni Lux ay labis na poot at galit. Nanginginig siya hindi sa lamig ng panahon kundi sa tindi ng galit sa mga taong may pakana ng pagpatay sa kanyang ama at sa pananakit kay Samantha.
Hindi niya inakalang tatraydurin sila ng mga taong tinuring na nyang tito at tita... pamilya.
Natigilan sila sa pagtakbo nang bumagsak na sa maputik na lupa si Samantha. Nakaawang na ng konti ang kanyang bibig na animo'y kinakapos ng hangin.
"Shit! Sam, please. I'll get you out of this place... Just...Just don't leave me, baby."
Napangiti si Samantha nang makita ang pagbagsak ng luha sa mata ni Raze. Mahal na mahal nila ang isa't-isa, sobra.
"Lux... H-Hindi ko na kay-"
"Fuck! Don't leave me and this is an order from me!"
Napangiti na lang muli si Samantha dahil gustuhin man nyang sundin ang utos nito ay hindi na nya kaya. Ramdam na nya ang pamamanhid ng kanyang katawan at pagbigat ng talukap ng kanyang mga mata.
"Baby, I love you." Ang huling katagang binitawan ni Samantha bago pumikit ang kanyang mga mata at hindi na muling namulat pa.
Mapait na napangiti si Lux at nanginginig na hinawakan ang pisngi ni Samantha na wala ng buhay. Mariin itong napapikit nang muling maramdaman ang panginginig ng labi.
Kasabay ng pagkidlat at pagkulog ay hinalikan nito si Samantha sa huling pagkakataon.
"Baby, I will do everything. Pagbabayarin ko sila ng malaki sa ginawa nila sa'yo."
Napatingin si Lux sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Ang lalaking may dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama at Samantha.
"Francisco Augustine." Malamig na wika nito.
"Luxury Valdez..." Itinapat nito ang baril sa ulo ni Lux. "Paalam." Dugtong nito.
Nagawang itulak ni Lux si Francisco na natumba sa lupa ngunit tumama ang bala sa kanyang kaliwang mata. Labis ang hapdi na naramdaman nito na ilang segundo lang ay namanhid na.
Kinuha naman itong chance ni Lux para tumakbo palayo. Pinanuod lang ni Francisco na makalayo ang binata kahit na kaya nya pa itong barilin.
Napangiti ito habang nakatingin sa tumatakbong lalaki.
"Hihintayin ko ang pagbabalik mo..." Wika nito sa kanyang sarili.
Tumakbo nang tumakbo si Lux na sa pagbawat hakbang na ginagawa nya ay syang pagtulo ng dugo mula sa kanyang mata.
Natigilan sya sa pagtakbo nang harangin sya ng isang lalaki.
"H-Hindi ako kalaban...Lux," Wika nito. "Andito ako para tulungan ka." Dugtong nito.
Mabilis na lumapit ang lalaki kay Lux nang bumagsak ito sa sahig.
"May tama ka ng baril sa mata... Ako ang bahala sa'yo."
"S-Salamat... Mr. Razon."
End of flashback...
"S-Sino ang tumulong sa'yo?" Tanong ni Francisco nang maalala ang nagawa nya sa binata. Iniwan nya ito noong may tama ng baril sa mata kaya alam nitong may tumulong sa kanya.
May lumabas naman na lalaki sa likod nila Francisco at naglakad papunta sa panig nina Supremo, Raze at Nazzer.
"I-Ikaw?" Gulat na tanong ni Madame Violet kay Mr. Razon.
"Ako nga, pinalitan ko ang isang mata nya para muli syang makakita at hindi mabulag. I am sorry pero kaibigan ko rin si Mr. Valdez at hinding-hindi ko mapapatawad ang ginawa nyo sa kanya."
"Taksil!" Sigaw ni Madame Violet at inambahang babarilin si Mr. Razon ngunit nabitawan nya ang baril na hawak nya nang tumama sa kamay nya ang kutsilyong hawak ni Raze Silvenia.
Napasigaw ito sa hapdi.
"Sumusuko na ako..." Wika ni Francisco na binitawan ang baril na hawak at itinaas ang kanyang kamay. "Masaya na akong makitang ligtas ka." Wika nito kay Raze.
Lumapit ito sa mga pulis at mabilis naman itong pinosasan.
"Hindi ako susuko..." Wika ni Madame Violet. "Makukuha kita, Zein Shion. Kapag nakuha na kita, sisikat ako at titingilahin ng lahat. Sasambahin nila ako!" Humalakhak ito na animo'y nawala na sa katinuan.
Nawala na rin sa kanyang isipan na may anak sya... Na nagawa nyang patayin maging ang kanyang mismong anak.
Sinenyasan nya ang mga armadong lalaki na paputukan sila at nagsimula nang muli ang madugong bakbakan.
Ang hindi nila alam ay may isang taong galak na galak sa nangyayari. Nakamasid lang sya at naghihintay ng pagkakataon at maisasakatuparan na nya ang matagal nyang gusto.
"Ako ang magwawagi sa gyerang ito... Konting-panahon na lang, ako naman ang kikilos."
-
-
-
TO BE CONTINUE.....

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon