c-15

6.1K 176 1
                                    

🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥
Chapter 15: Devil Inside
Zein's Point of View
I knew it! Konsensya nya ang mismong papatay sa kanya. I salute that red guy! Alam nya talagang walang matitira sa tatlo.
Biglang pumasok naman si Supremo na mukhang badtrip. Ngayon ko lang syang nakita na nakasimangot, lagi na lang kasi syang fierce.
"Damn!" Hinampas nya ang lamesa nya at sinubsob ang mukha roon.
Tumingin ako kay Onel na nagkibit-balikat lang. Hindi ko na lang din pinansin si Ace at ibinalik sa ginagawa ko ang aking tingin.
"Prepare SSG Officer."
Natigilan kaming lahat nong magsalita si Supremo. Hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin pero hindi ko maiwasang kabahan. Ano ba ang iniisip nya?
"What do you mean?" Tanong ni Teacher Kath na nakatayo na ngayon sa harap namin.
"S-supremo..." kinakabahang sambit ni Fritzy.
"Kinakalaban talaga tayo ng BBG, pumapatay sila even though hindi bloody night..." pag-uumpisa nya. "Makikita nila kung ano ang hinahanap nila," sambit muli nito.
Sumilay muli sa labi ni Ace ang isang ngisi. Isang nakapangingilabot na ngisi. Anong gagawin nya?
Ito na ba? Ito ba ang delubyong sinasabi ni Teacher Kath? Ito ba talaga o umpisa pa lang ito? Danger, nararamdaman ko na ang panganib. Mas lalong sumisikip ang HU, kinakalaban ng gang ang Supreme Student President. Sino ang matibay? Sino ang mananaig?
"Well...well...well."
Napahinto ako sa paglalakad dala ang mga papeles na kailangan ni Madame Violet nang harangan ako ni Roxane kasama ang mga alipores nya. Sinulyapan ko ang binti nyang may band aid. Masakit ba talaga? Ang arte nito.
"What do you want?"
"Woa! You are just a newbie, pero nagmamatapang ka. Porque nasa ganyan ka ng position?"
I almost rolled my eyes. Bakit lagi na lang kasama ang position ko sa mga ganito?
"So what?" Pagmamaldita ko.
I don't care if she is the Queen here! I also have the position and plus that I am in the nineth place in the highest 10, I think may karapatan din akong maging bitch.
Ngumiwi ito sa akin at naramdaman ko na lang na hinawakan na ng dalawa nyang kasama ang dalawa kong braso kaya nabitawan ko ang mga papel na hawak ko na ngayon ay nakakalat na sa lupa. Nag-init ang ulo ko sa ginawa nila but I remained silent.
"Wala kang karapatang barahin ako. I am the Queen."
Naramdaman ko ang marahan nyang paghila sa buhok ko. Hindi gaanong masakit pero habang patagal nang patagal ay masakit na. Nanunuod lang sa amin ang mga estudyante na animo'y walang lakas ng loob na awatin kami. Pathetic.
"Zein right? Marami akong naririnig tungkol sa'yo. Nagpapasikat ka." Ngayon ay ramdam ko na ang inis sa tono nya.
Napangisi ako sa narinig ko. Lumabas din ang tunay na pakay nya. Ayaw nyang nalalamangan at nakakasira sa image niya. Pathetic bitch.
"Pathetic." Bulong ko.
Napamura ako nang sampalin nya ako ng malakas. Malakas na dodoblehin ko kapag nakawala ako sa pagkakahawak ng bwisit na alipores nya.
"How dare you?! Ginagalit mo talaga ako?"
"You are still a pathetic bitch. You are the Queen? Powerless."
Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko and I really don't care. Masakit ang sampal nya. 50 degree, I guess. Kapag talagang nakawala ako rito, papatikimin ko sya ng 180 degree.
Nanlaki ang mata ko ng punitin nya ang blouse ko. Napamura ako at hindi ko na alam ang gagawin ko.
Nakarinig ako ng tawanan sa crowds. Nagsisipulan ang mga lalaki. They are out of their mind, specially this bitch.
"One more Queen Roxane, and I'll show you how this game should be done." Sambit ko sa isang matigas na tono.
Tinawanan nya lang ako. Napapikit ako ng tuluyan na nyang makalas ang ilang butones ng blouse ko.
Hindi ko alam kung ano ang nasa loob ko. Masyadong mainit. Parang nawawala ako sa aking sarili. Parang kahit na anong oras ay may lalabas sa akin.
Nakapikit ako at ramdam ko ang titig sa akin ng lahat. Nagtatawanan, nagbubulungan, nagsisipulan. Enough. Hindi ko na mapigilan.
Naramdaman ko ang muling pagsampal sa akin ni Roxane.
Ang mga sumunod na eksena ay hindi ko na namalayan. Basta ang alam ko na lang ay wala na ang alipores nya na nakahawak sa dalawa kong braso, bagsak na ang dalawa ito na ngayon ay lupasay na sa lupa.
Ngumisi ako nang makita ang takot sa mata ni Roxane. Lumapit ako sa kanya na ikinaatras nya. Scared bitch.
"A-anong gagawin mo?"
"I'll show you how it should be done."
Sinampal ko sya ng malakas na ikinabagsak nya sa lupa. Napayuko sya at mukhang namanhid ang kanyang panga. Shit! Hindi ko napigilan ang sarili ko.
"160 degree." I smirk.
Nakarinig ako ng violent reaction mula sa mga estudyante sa paligid ngunit hindi ko ito binigyan ng pansin. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, basta ang alam ko lang ay kailangang magbayad ni Roxane sa ginawa nya sa akin.
"Damn you, pagsisisihan mo ang ginawa mong ito, makakarating ito kay Raze." Sumilay sa may dugong labi nito ang ngisi.
Raze. Do I really need to be afraid of him? What kind of monster he is? The king demon? Well, I don't care. Alam kong sa huli ay mamamatay din ako, pero dahil sa ginagawa ko ay mas napapadali ang lahat. Baka nga hindi na ako abutan ng ilang buwan pa e.
Pinulot ko ang mga papeles na natapon sa lupa at pinagpagan ang mga ito. Sinamaan ko ng tingin si Roxane na hanggang ngayon ay nakangisi pa rin.
"Magsumbong ka, dyan ka naman magaling. Duwag."
Inirapan ko sya bago nagpatuloy sa paglalakad. Hindi pa rin ako makapaniwala kung paano ko nagawa ang mga ginawa ko kanina, kung paano ko napabagsak ang tatlo. Basta nilamon na lang ako ng galit, that's it.
Pumunta muna ako sa locker para magpalit ng blouse. Kinuha ko ang extra kong blouse at pumunta sa cr.
Saglit akong napangiwi nang makita ang blouse kong lukot-lukot at tanggal ang mga butones.
"Bitch." Bulong ko.
Saglit akong nagpalit at agad na dumiretso sa Admin Office.
Kumatok ako bago pumasok sa office ng headmistress. Naabutan ko syang may hawak na isang gold na maskara na mabilis nyang itinago sa drawer nya.
"What do you want?" Nakangiting tanong nito.
Hindi ko sya sinagot bagkus ay inilapag ko lang sa lamesa nya ang mga papeles na ipinapabigay ni Supremo.
Hindi nya ito sinulyapan at nanatili ang kanyang mata sa akin.
"One of a kind," bulong nya.
"Aalis na po ako," Pagpapaalam ko.
Ayokong magtagal sa office nya. Hindi ko kayang huminga sa kwarto na hinihingahan ng leader ng kademonyohan.
"You remind me of her, your traits."
Lumabas na ako ng kwarto na iyon dahil hindi ko naman alam kung ano ang sinasabi nya. Kung sino ang tinutukoy nyang naaalala nya sa akin. Psh.
"Zein!"
Napalingon ako kay Vanessa na nag-aabang pala sa labas ng office.
"Uhm?"
"I-ikaw ang gumawa no'n kay Roxane?" Tanong nya na halatang kinakabahan.
Napakabilis talagang kumalat ng balita, parang virus lang. Oo nga pala, sinaktan ko ang reyna nila. Haha. PSH.
"Oo." Maikli kong tugon.
Lumukot ang mukha nya. Bakas ang alala sa mata nya.
"Hindi mo dapat ginawa 'yon, sya ang reyna rito at ang boyfriend nya ang leader ng Devil God Warrior! Nanganganib ka."
Sandali akong natigilan. Devil God Warrior, bakit hindi ako nakakatanggap ng balita sa kanila? Bakit ang tahimik nila? Anong pinplano nila?
"Death is near, Vanessa. Duon din ang bagsak ko." Walang buhay na sambit ko bago naglakad palayo.
Naramdaman ko na sinundan nya ako at hinigit ang braso ko. Sinamaan ko sya ng tingin pero agad ding naglaho ang masamang tingin ko nang makita ang luha sa kanyang mata.
"Why so selfish, Zein? Hindi mo man lang iniisip ang mararamdaman namin kapag nawala ka, napakamakasarili mo!"
Tumakbo ito palayo at parang napako ako sa aking kinatatayuan dahil ayaw gumalaw ng aking mga paa para sana sundan sya.
Natamaan ako sa sinabi nya. Hindi ako takot mamatay, pero sila takot akong mawala. Hindi ko iniiisip ang sarili ko habang sila ay nag-aalala sa akin. Naging makasarili nga ako.
Magsimula nang mahawakan ko ang position na ito ay nawalan na ako ng oras sa kanila. Kailangan kong bumawi, kailangan kong humingi ng paumanhin.
Nataranta ako nang may magposas sa akin. Dalawang lalaki na nakamaskarang pula. Binalot ako ng takot, ni hindi ko nagawang magpumiglas.
"A-anong gagawin nyo sa akin?"
Wala akong nagawa nang idaan nila ako sa likod kung saan walang makakita sa amin. Sinulyapan ko si Madame Violet na nakatingin lang sa akin.
"Utos ito ni Boss, handa ka na bang mamatay?"
-
-
-
TO BE CONTINUE....

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon