c-10

7.5K 216 3
                                    

🔥🔥👉Hell University👈🔥🔥
Chapter 10: Accepted
Zein's Point of View
Naglakad ako palabas ng office ni Madame Principal Carmie na tulala. Bwisit na president! Binigyan pa ako ng sakit ng ulo!
Hindi ko naman sineryoso ang mga sinabi nya. Malamang ay nantitrip lang 'yon at gusto nya lang pasakitin ang ulo ko sa kakaisip. Hmp!
"Ms. Shion!"
Tinanaw ko sa hindi kalayuan ang tumawag sa aking pangalan. Mabilis na lumapit ako sa kanya.
"Bakit po Sir Alvarez?" Tanong ko.
Hawak nito ang tatlong libro na ginagamit nya habang nakasakbit sa kanyang braso ang kulay itim nyang shoulder bag. Masasabi kong may itsura talaga ito na sa palagay ko ay nasa mid's 25-30 ang edad nya.
"Maaari ba tayong mag-usap?" Seryosong tanong nya.
Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin pero dahil sa alam kong seryoso ito at halatang importante ang sasabihin ay pumayag na ako.
Pumunta kami sa cafeteria at umorder sya ng dalawang juice para sa aming dalawa. Nakaupo kami sa dulong bahagi ng cafeteria kung saan hindi kami gaanong kita kapag may mga bagong pumapasok dito.
"I need your help."
Wala sa sarili nakagat ko ang straw ng orange juice ko dahil sa sinabi nya. Seryoso ito at hindi ka makakita ng kahit na anong expression sa kanyang mata kundi ang pagsusumamo na tulungan ko sya.
"Para saan po sir?" Tanong ko.
Sumandal ako sa upuan at tumitig sa kanyang seryosong mata. I have a bad feeling about this, may panibago na naman ba akong poproblemahin? Andami ko ng iniisip.
"I am not just a teacher. I am also a detective. They sent me here to rescue you all. Tulungan mo ako."
Hindi ko nagawang ibuka ang aking bibig dahil sa gulat. Hindi ko inakalang detective sya dahil hindi halata sa kanya. Pero anong sinasabi nyang irescue kami?
"What are you trying to say?"
"Listen Zein, isa akong detective at the same time ay secret agent. Dati pa namin minamanmanan ang lugar na ito pero hindi kami makakuha ng impormasyon. Hindi rin namin kayang pakialaman ang university na ito dahil hindi siya sakop ng gobyerno, that's why patago ang ginagawa ko. Isang buwan na ako rito pero wala pa rin akong makitang maaring maging butas ng HU, ililigtas ko kayong lahat but I can't do that by myself that's why I am asking for your help."
Nanatili ang mga mata ko sa seryosong nyang mata. Gusto kong tumanggi pero gusto ko rin namang makatulong.
"Wala akong maitutulong sa inyo." Pagsasabi ko ng totoo.
I am just an ordinary student. Wala akong alam sa HU, wala aking maibibigay na impormasyon sa kanya. Isa pa rin kaming newbies dito.
"Malaki Zein, malaki ang maitutulong mo. Accept their offer."
Kumunot ang noo bago bago napagtanto ang ibig nyang sabihin.
"Secretary... You want me to accept it?" Tanong ko.
Madiin itong tumango bago sumimsim sa kanyang juice.
"If you have the position, it would be a big help. Malalaman mo ang hindi nalalaman ng iba. Alamin mo kung nasaan ang Hidden Laboratory nila rito."
"Laboratory?"
Lumapit siya ng bahagya sa akin.
"Yes. They are hidding their laboratory, pinag-aaralan nila ang formula na nakuha nila bago mamatay si Dr. Quizon."
Mas gumulo ang lahat matapos kong marinig iyon. "Akala kong hindi pa nila nakukuha ang formula dahil namatay si Dr. Quizon na walang nakakaalam nito?" Tanong ko.
Ayon iyon sa pagkakwento ni Celine. Namatay si Dr. Quizon kasama ng formula na kahit sino ay hindi alam, maliban sa isang taong walang nakakakilala. Paanong napunta sa kanila ang formula?
"Hindi namatay si Dr. Quizon ng kusa, pinatay nila sya para makuha ang formula." Bulong niya na nagdulot ng pagtaas ng aking balahibo sa balat.
Unti-unting namuo na naman ang galit sa aking katawan. Napakasakim nila, nagawa nilang patayin ang isang tao para makuha ang isang ideya na hindi naman sa kanila. How cruel! Mga demonyo talaga sila.
"Nakuha nila ang formula pero may kulang. Hindi lahat naitala ni Dr. Quizon sa nakasulat. Ang isang nakapahalagang sangkap ang hindi pa nila nahahanap na itinatago ng isang estudyante. Kaya ngayon ay pinaghahanap nila ito, pero humahanap din sila ng sangkap na maaring pamalit doon na ginagawa nila sa isang sikretong laboratoryo."
Napatingin na lang ako sa baso ng juice ko na hindi pa man nakakalahati. Bakit ganon? Ang gulo ng mga kwento? Laging may mali! Posible kayang may mali pa rin sa kwento ni Sir Alvarez?
"Zein, kailangan nating mahanap ang laboratoryo na iyon bago mahuli ang lahat. Dapat itong mapigilan bago mahuli ang lahat. I need your help, Zein Shion."
Naglakad ako papunta sa dormitoryo namin na tulala. Napakaraming nangyari ngayong araw. Tinanggap ko ang tulong na hiningi ni Sir Alvarez, kailangan kong makatulong. Para rin ito sa ikabubuti ng lahat.
"Zein! Anong ginawa nila sa'yo?! Tinorture ka ba nila para mapaamin? Ano? Umamin ka ba?"
Sinamaan ko ng tingin si Vanessa na nag-o-over-react na naman. Umupo ako sa sofa at isinandal ang aking likod sa sofa.
"Asan sila?" Tanong ko.
"Pumasok. Nagpaiwan na ako para may kasama ka." Inabutan nya ako ng tubig.
Inilapag ko sa gilid ang baso bago nagpakawala ng buntong-hininga. This is too much for an ordinary girl like me. Paano ko ba tatapusin lahat ng pinasok ko? UGH!
"Zein, ano na?" Halatang sabik ito sa sagot ko.
"Hindi naman konektado sa nangyari kanina ang pinag-usapan namin. Pinipilit nila akong tanggapin ang posisyon."
"Ano tinanggap mo ba?" Tanong niya.
"Hindi...pa." sagot ko na ikinalaki ng mata nya.
"Does it mean na may balak ka ng tanggapin ito?! OMG!"
Napabuntong-hininga na lang ako. Ano na kayang mangyayari sa akin kapag tinanggap ko ang posisyon na iyon? Paano ko naman matutulungan si Sir Alvarez?
UGH!
"Here. This is your new uniform. Wear it now and I'll show you our office."
Walang buhay na tinanggap ko ang ibinigay sa akin na paper bag ni Ace kung saan naglalaman ito ng isang uniform na pang secretary.
Pumasok ako sa CR at nagpalit. Napangiwi ako nang mapagtanto na mas maikli pa ang mini skirt nito kesa sa dati. Ang blouse na white ay naging kulay ocean blue. May plate din ako sa gilid kung saan nakasulat ang pangalan ko at ang posisyon which is obviously the secretary.
Nang kuntento na ako sa aking itsura ay lumabas na ako ng CR kung saan nakaabang si President Ace na halatang inip na inip na.
"Nice. Bagay, lets go." Nauna na itong naglakad.
Bumusangot na sumunod ako rito. Lahat nang makakasalubong namin ay gumigilid. Iyon ang ayaw ko sa lahat. Psh.
"That uniform... is she the new secretary?"
"How come? She's just a newbie! That's unfair!"
"Right! Ginayuma nya siguro ang Supremo."
Hindi na ako nakapagpigil at nilapitan ko na ang mga babaeng kanina pa bumubulong. Sa una ay halatang tatarayan din ako pero umatras ang dila nila nang may nakita sa gilid ng aking uniform na nakasulat gamit ang dugo.
"N-Number 9?" Halatang nanginginig na ang mga ito.
"Kasama ka? S-Sorry."
"Paumanhin binibini. Hindi namin inakala na ikaw ang ika siyam."
Nanatiling seryoso ang aking mata na nakatingin sa kanila. Nakayuko na sila ngayon at halatang takot na takot.
"All of you, take my command. Get the fuck out my sight!"
Mabilis na kumaripas ito ng takto. Gusto kong tumawa ng malakas.
"That's my line. Psh. Lets go." Hinila na ako ni Ace palayo doon.
Nawala ang ngiti sa aking labi nang mapagtanto na hawak nya ang aking isang kamay. Hindi lang ito basta nakahawak dahil naka intertwin ang bawat daliri namin na parang magkaholding hands kami.
Iniwas ko ang aking tingin at pinilit alisin ang kamay nya pero hindi ko magawa. Binitawan nya rin ito bago kami pumasok sa isang office kung saan may nakalagay na SSG Office.
Nakaupo sa isang table si Onel Ty na tumayo ng makita kami. Si Teacher Kath ay nasa dulo na ngayon ay nakataas na rin ang kilay sa amin. Napadako ang tingin ko sa isang babaeng nakaupo sa Secretary Chair. Bitch.
"Andito na pala ang bagong secretary." Sambit ni Onel.
"Anong ginagawa ng babae na 'yan dito?" Nakapamaywang na tanong ni Fritzy. "At bakit nakasuot sya ng ganyan?" sunod na tanong nito.
"Get out of her chair." Mahina ngunit may diin na sambit ni Ace sa kanya
"President Ace. Si Fritzy pa rin ang pinili kong secretary." Sambit ni Teacher Kath.
Nagulat kami nang kinalampag ni Ace ang desk na katabi nya na nagdulot ng nakakabinging ingay sa buong paligid. Halos masira din ang table na hinampas nya.
"All of you, take my command. Sit on your respective chairs and get out of here Ms. Fritzy Saldivar."
Walang nagawa sina Teacher Kath at Onel kundi ang bumalik sa kanilang pwesto habang si Fritzy ay naglakad na palabas pero binangga muna ako.
"Bitch." Bulong ko.
Pinaupo ako ni President Ace sa table na kanina ay inuupuan ni Fritzy Bitchy.
Tumayo ito sa harapan namin na ngayon ay seryoso na naman. Ano bang meron sa kanya at bakit pati si Teacher Kath ay walang nagawa? Psh.
"Never.Question.My.Decision." Sambit nito.
Ang aura nito ay nakakatakot at sumisigaw ng kanyang posisyon at bilang isa sa pinakanakakataas sa lahat. Number 2 ang nasakulat sa gilid ng polo nito.
"For now on, si Zein Shion na ang bagong sekretarya ng HU, and I don't want any questions about that. Respect her as you respect me. She is now in the 9th Power of Highest 10. Mababa kung ikukumpara sa'yo Mr. Ty na nasa ikalimang ranggo pero dapat pa ring respetuhin. This is my desicion and it's FINAL."
Nakabusangot na kumagat ako sa hamburger ko. Pasimple kong sinulyapan si Ace na busy sa pagkain ng kanin habang si Onel at Fritzy ay kumakain lang ng ice cream.
"Hindi ko alam na may ganitong rule." May diing bulong ko sa kanila.
Bahagyang natawa si Onel habang si Fritzy ay pasimpleng iniismiran ako.
Hindi ko alam na kapag pala naging myembro ka na ng SSG, ay dapat sila lang ang kasama mo buong araw, I am not allowed to talk to my friends. UGH!
"Well ngayon alam mo na."
"Fuck you."
Napayuko ako nang sinamaan ako ng tingin ni Ace dahil sa pagmura ko sa kanya. Nakakainis!
Tumingin ako sa kabilang table kung saan naroroon ang aking mga kaibigan na tahimik na kumakain, pasimpleng sumusulyap sa akin sina Dave at Jerome habang sina Vanessa at Mia ay talagang nakatitig sa akin habang nakakunot ang noo, si Matt ay hindi man ako nagagawang sulyapan.
Nagpakawala ako ng malakas na buntong-hininga bago ibinaba ang burger ko. Nawalan na ako ng gana.
"Fine!" Napalingon ako kay Ace nang magsalita ito. "You are allowed to be with your friends but, kapag tinawag na kita ay dapat na mabilis kang lumapit. Are we clear?"
Ngumiti ako bago tumango. Nagmadali akong umupo sa table ng mga kaibigan kong nakabusangot.
"Buti naisipan mong sumalo sa amin?" Tanong ni Vanessa na halatang nagtatampo.
"Oo nga. Mag bago ka na palang kaibigan. Snob muna kami." Gatong ni Mia.
"That's the rule of SSG. Once you are a member, you are not allowed to talk to your friends the whole day unless the president let you. Kaya nga ayokong tanggapin mo ang alok nila eh." Sa wakas ay nagsalita na rin si Matt na halatang nagtatampo rin.
Bakit ganon? Gusto ko lang naman na makatulong pero bakit kailangan pang may maisakripisyo? Tulad ng mga kaibigan ko? Psh.
"Sorry." Ang tanging lumabas sa bibig ko.
Naramdaman ko na lang na niyakap ako nila Mia at Vanessa.
"Psh. It's ok. Hindi lang talaga kami sanay." Sabi ni Jerome.
Naramdaman ko na hinawakan ni Matt ang kamay ko na ikinalawak ng aking ngiti.
"Lets go." Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko dahil sa gulat sa biglaang pagsulpot ni Ace sa gilid ko.
Bumusangot akong muli bago tumayo. Maging ang mga kaibigan ko ay walang nagawa.
Nanlaki ang mata ko nang biglang may lalaking nakabunggo si Ace. Natapon ang orange juice nito sa polo ni Ace na wala man lang reaksyon.
Natahimik ang buong cafeteria at sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng takot at alala, takot kay Ace at pag-aalala sa lalaking naistatwa rin sa kinatatayuan nya.
"S-Sorry, Supremo." Paghingi nito ng paumanhin.
Hindi sumagot si Ace, bagkus ay kinuha nito ang notebook na dala nya.
"Name." Walang emosyong sambit nito.
Oh shit! Masama ito. Lumilitaw na naman ang pagiging demonyo nya.
"F-Ferry Marcos."
Inilipat ni Ace ang pahina ng kwaderno bago ginuhitan ang buong pangalan nito. Isa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon, mamamaalam na ang lalaking ito.
"Follow us. The Dark Hell Jail is waiting for you."
-
-
-
TO BE CONTINUE.....

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon