c-16

6.1K 200 7
                                    

🔱✘Hell University✘🔱
Chapter 16: Behind The Mask🎭
Zein's Point of View
Kakahuyan. Masukal. Sa likod ng HU nila ako dinala. Iginapos sa nag-iisang silya sa gitna ng kagubatan na ito. Dapit-hapon na.
Nakatakip ang aking bibig ng tela. Hindi naman na ako nag-abalang sumigaw, nakatali ang bibig ko at wala ring makakarinig sa akin at kung meron man ay alam kong magdadalawang isip silang tulungan ako lalo na at hawak ako ng DGW.
Nag-uusap ang dalawang lalaking dumukot sa akin na nakamaskara pa rin hanggang ngayon.
"Sinaktan nya si Queen, tingin mo? Anong gagawin sa kanya ni boss?"
"Kamatayan. Malamang doon na ang bagsak nya."
Dinig ko ang bulungan nila. Bakit ganon? Hindi ako makaramdam ng takot sa mga sandaling ito, totoo nga ba ang sinabi nila? Na hindi ako takot mamatay?
"Wala pa kasing nagtangkang saktan si Queen, and this newbie just slapped her hard. Merciless."
Seryoso? Sinusubukan ba nila talagang iparinig sa akin para matakot ako? Well, sorry but I already accepted my death, matagal na, simula nang nalaman ko ang sikreto ng HU.
Napayuko na lang ako dahil nangangawit na ako. Darating pa ba ang boss 'kuno' nila? Nangangawit na ako, kung papatayin na lang din niya ako, dapat ay kanina pa.
"Why so selfish, Zein? Hindi mo man lang iniisip ang mararamdaman namin kapag nawala ka, napakamakasarili mo!"
Bigla kong naalala ang litanya ni Vanessa. Siguradong malulungkot na naman sila kapag may nangyaring masama sa akin, andami ko ng nagawang hindi maganda. Hindi pa ako nakakabawi sa kanila.
Hindi pa ako maaaring mamatay. Not now, not unless, sila mismo ang tumalikod sa akin.
Isang pares ng sapatos ang nakita ko sa lupa dahil nakayuko ako. Iniangat ko ang aking tingin at tumambad sa akin ang isang lalaking mukhang addict. Maraming earings, tattoo sa katawan at namumula ang mata nya. Is this Raze Silvenia? For real?
"Siya na ba?" Tanong nito.
Kumunot ang noo ko. Bakit ganon? Wala akong kahit na anong mabakas sa boses nya? I must be trembling in fear! He is a demon but how come? There is something wrong here!
"Yes boss," sagot ng isa sa dalawang lalaking dumukot sa akin.
Ngumisi ito sa akin at tinanggal ang telang nakatali sa aking bibig. Hinawakan nya ang panga ko na animo'y babasagin nya na ito. Nanginginig pa ang kanyang kamay.
May mali talaga rito. Ramdam ko, isang malaking mali.
"Bitch."
Napayuko ako nang sampalin nya ako. Nalasan ko ang kalawang sa aking labi na sa tingin ko ay dumudugo na dahil sa pagkakasampal nya. I must say it is fucking hurts.
"How dare you?!"
Muli akong napapikit nang sampalin nya ako. Ang hapdi na ng aking pisngi, namamanhid na rin ata ito dahil sa lakas ng pagsampal nya.
"You are just a newbie! I am the King here! Dala ko si Kamatayan, parating na rin sya," aniya.
Hindi ko alam pero natawa ako. Matagal ko ng kakampi si kamatayan, hindi nya ako pwedeng sunduin dahil magkakampi kami. Magpapatayan kami bago nya ako makuha.
"Anong nakakatawa?!"
Lumabas na ang ugat nya sa noo. Ang mata nya ay lalong pumula. Nagngingitngit din ang kanyang ngipin. Kahit na anong gawin nya, hindi ko makita ang demonyo. Pero bakit? Asan na ito?
"Raze Silvenia." Wala sa sariling sambit ko sa kanyang pangalan.
Natigilan ito at biglang nanigas. Natawa ako ng malakas. Confirmed! I knew it!
"Shut up!"
Aktong sasampalin nya na naman nya ako nang magsalita na ako. "Slap me once again at malalaman ng dalawang ito ang sikreto mo." Turo ko sa dalawa nyang kasamahan.
"Anong sikretong pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong niya. You really don't know? Great pretender.
"Sikreto na kapag binunyag ko ay ikamamatay mo. Ito ang sikreto ng kamatayan."
Nanigas itong muli bago sinenyasan ang dalawa nyang kasamahan na iwan kami. Cowardice.
"Anong sikreto ang alam mo?" Muling tanong niya.
Dinilaan ko ang dugo sa aking labi bago ngumisi. Kaya pala, kaya pala parang may mali. Mapapaniwala nila ang iba pero hindi ako. Umpisa pa lang ay nagduda na ako, at dahil sa reaksyon nya ay nakumpirma ang hinala ko. Pathetic. Such a great pretender.
"Tell me!"
Tumalsik ang laway nya sa akin dahil sa galit pero hindi sapat para matakot ako. I can't see the demon. I want to see that demon! Pero alam kong wala, walang demonyo sa kanya.
"Tell me your name," hamon ko na ikinakunot ng noo nya.
"What are you talking about?! I am Raze Silvenia!" Sigaw nya.
Hinawakan nya ang aking panga at hinarap sa kanya. Ngayon ay mas nakumpirma ko na ang hinala ko, gawin nya man ang kahit na ano sa sarili nya ay hindi kailanman mababago ang nasa puso nya. "Raze Silvenia!" Sigaw nyang muli.
Umiling na lang ako at inilayo ang mukha nya sa mukha ko.
"You can't fool me Mr.Whoeveryouare," sambit ko. "You are not him, you are not Raze Silvenia." Unti-unting lumukot ang mukha nya.
Simula pa lang ay dapat nakita ko na ang demonyong nakakubli sa kanya ngunit wala, walang lumabas. Hindi porque ginawa nya ang ganyan sa katawan nya ay masama na sya, hindi porque ipinapakita nya na dapat syang katakutan ay nakakatakot na sya. Hindi, hindi nya kayang lokohin ang sarili nya.
"W-what are you talking about?! I am Raze Silvenia! The leader of Devil God Warrior!"
"Stop it! You are not him! Don't try to be one! Raze Silvenia is not you!"
Nakita ko na minsan si Raze noong niligtas nya kami sa BBG, oo, pareho silang mapula ang mata pero hindi nya kailanman makokopya si Raze. That unique demon.
Unang kita ko pa lang sa totoong Raze ay nanayo na ang balahibo ko. Hindi nya kailangan sumigaw o maging marahas para katakutan sya, presensya nya pa lang, ramdam mo na ang demonyo sa kanya. Pero itong sa lalaking ito? Walang dapat ipangamba, hindi nya ako madadala sa itsura nyang nakakatakot.
"Shit! Paano mo nalaman?!" Umupo sya sa ugat ng puno at isinandal ang likod rito. Sinabunutan nya ang sarili sa inis.
"You can't copy the original Raze Silvenia, no one can compare how scary and dangerous he is. Maging ikaw, nong binanggit ko ang pangalan nya, natigilan ka, natakot ka sa pangalan pa lang nya!"
Iyon ang nakumpirma ko kaninan. Noong sinabi ko ang 'Raze Silvenia' ay natigilan sya. Smirk.
"Pero bakit? Lahat sila napaniwala ko, even Roxane. Alam nya na ako ang leader ng DGW, pero bakit ikaw? Nalaman mo?" Tanong nya.
"Simple lang, nakita ko na si Raze, once. Sila? Hindi pa nila ito nakita, kaya hindi sila maghihinala." Sagot ko.
Mahina itong natawa sa sinambit ko. Parang naglaho ang pagpapanggap na kasamaan sa kanya. This is the man behind the mask. Yes, he is scary physically but not enough to compare to a Raze Silvenia.
"Tama ka, nakita ko na rin si Raze but not his real face, nakamaskara sya. He asked for my help, kailangan kong magpanggap na siya."
"Pero bakit?"
"Hindi ko alam, pero isa lang ang alam ko. Wala pang nakakakita sa mukha niya, baka isa siya sa mga nakakasalamuha natin pero hindi natin alam."
So wala pa nga talagang nakakakita sa mukha ng totoong Raze? Even his proxy. Ang alam nilang lahat, this man is Raze Silvenia, isang malaking pagkakamali pero, sino nga ba ang totoong Raze?
"Can I ask you a favor?" halos lumuhod na ito sa aking harap sa pagsusumamo. "Don't tell anyone about this, magkakagulo ang lahat, lalo na pagnalaman nya, papatayin nya ako." Takot na sambit nya.
"Pakawalan mo na ako," utos ko dahil nangangawit na rin ako.
Isang malakas na sampal ang inabot nya sa akin 'pagkakalag nya sa akin. Hindi ito lumaban at nanatiling nakayuko.
Inilapit ko ang bibig ko sa tenga nya. "Ang sikreto ay sikreto," sambit ko bago tumalikod.
Nakita ko ang dalawa nyang kasamahan na nanlaki ang mata sa pagsampal ko sa boss nila, ni hindi nila nagawang makapagsalita.
Naglakad ba ako pabalik. Hinaplos ko ang pisngi ko at sobrang hapdi. Alam ko babakat ang palad nya. Jerk.
"Anong nangyari sa mukha mo?" Salubong sa akin ni Matt pagkapasok ko sa dormitoryo namin.
Sinulyapan ko si Vanessa na hindi nakatingin sa akin. Kailangan kong humingi ng sorry.
"I am sorry,"
Napatingin sya sa akin at ngayon ko lang napagtanto na namumula pa ang mata nya at halatang kakagaling lang sa kakaiyak.
"A-ano bang sinasabi mo Zein?" Naguguluhang tanong ni Mia sa akin.
"May ginawa ka bang mali?" Tanong ni Jerome na naguguluhan din.
"Marami, kaya humihingi ako ng paumanhin," Napayuko na lang ako nang maramdaman kong nagbadya na ang luha sa aking mata.
I might be strong physically, but lets not talk about emotionally.
"Naging makasarili ako, ni hindi ko inalala ang nararamdaman nyo, patawad."
Naramdaman ko na lang na niyakap nila ako kaya hindi ko na napigilan ang pagluha.
"Shh. It's ok. We are friends, nag-aalala lang kami sa'yo. Pero wala kang kasalanan," pagpapatahan ni Davies na hinahagod ang likod ko.
"Friends forever tayo, walang iwanan, magpakailanman," sambit ni Mia.
Tumingin ako kay Vanessa na nanatiling nakaupo sa sofa at nakayuko. Kumalas ako sa pagkakayakap nila at lumapit sa kanya.
"Wala man lang bang yakap dyan?" Biro ko.
Natawa na lang ako ng bigla syang yumakap sa akin, napahiga tuloy ako sa sofa. Humagulgol sya na animo'y bata.
"Ikaw kasi eh! Huhu! Nagtatampo ako sa'yo! Hindi kita bati!"
"Haha oa ka! Bati na tayo, please," Pinisil ko ang pisngi nya.
Kapag talaga sumumpong ito, nag-iisip bata. Naaalala ko bigla nong hindi ko sinabi sa kanya na crush ko si Matt, in-unfriend nya ako sa fb tapos blocked pa! Haha grabe sa ka-oa-an.
"Hmp! Sige na! Pasalamat ka mahal kita! Hehe! Bati na tayo!"
"Thank you."
Halos hindi ako makahinga nang dumagan pa sa amin si Mia, Davies at Jerome habang si Matt ay tumatawa lang.
Ang sarap sa pakiramdam na may kaibigan ka na mapagkakatiwalaan mo. Iyon bang iwanan ka na ng lahat pero sila ay mananatili sa tabi mo.
Davies, Mia, Jerome, Vanessa, Matt and I. We are friends forever. I guess, no one can tear us apart, I mean absolutely no one.
I hope so.
-
-
-
TO BE CONTINUE.....

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon