44

5.3K 211 5
                                    

🔥Hell University🔱🔥
Chapter 44: Too
Zein's Point of View
Agad na kumunot ang noo ko nang mapansin na iba ang ikinikilos ng lahat. Kadalasan sa mga babae ay humahagikgik na animo'y kinikilig.
Sumulyap ako kay Supremo na diretso lang ang tingin.
"Anong meron?" Tanong ko sa sarili ko.
Nagpaalam ako kay Supremo dahil may pasok pa ako. Pagkapasok ko ay ganon pa rin ang dinatnan ko sa classroom, humahagikgik ang karamihan. Tumabi ako kay Vanessa na pinaglalaruan ang ballpen pero mahinang tumili nang makita ako.
Nagtatakang pinanuod kong ayusin nilang dalawa ni Mia ang kanilang silya at iniharap sa akin. Nag-uusap naman ang mga boys na paminsan-minsan ay humahagalpak.
"Ano na?!" Tanong ni Mia na halatang excited.
Ano ba talagang nangyayari sa HU at parang outdated na ako? I mean, I am the SSG Secretary, ako dapat ang isa sa unang nakakaalam ng balita bago ito sumama sa hangin.
"Anong ano na?!" Mejo iritang tanong ko.
Nagkatinginan naman sina Mia at Vanessa na parang nag-uusap sa mga mata. Bored na nakatitig lang ako sa kanila dahil wala talaga akong maintindihan.
"Hindi mo alam?" Tanong naman ni Vanessa. Mabilis na umiling naman ako kaya namilog ang mata nya na parang hindi makapaniwala. "Hindi talaga?" Ulit pa nya.
"Hindi nga e! Ano ba 'yon?!"
"Wala ngang alam.." Amazed na bulong ni Mia bago humagikgik.
Psh.
"Ikaw na lang ata ang hindi nakakaalam." Wika pa ni Mia.
Napangiwi ako sa inis at pinigilan ang sarili kong hambalusin sila ng bag ko. Bakit ba hindi na lang nila sabihin sa akin nang sa ganon ay alam ko na kung ano ang tinutukoy nila? Hindi 'yung pabitin. Damn! Curiosity is killing me.
Humalakhak silang dalawa na muli kong ikinangiwi.
"We won't tell you..." Nakangising wika ni Vanessa na ikinalaglag ng panga ko.
Like, What The Fuck?! Alam talaga nila akong inisin. "Come on! Sabihin nyo na!" Inis na wika ko.
Umiling si Mia at humalukipkip pero hindi nya naitago ang pasimpleng pagngisi nya. These girls! UGH! Ano ba talaga 'yon?
"Anong pinag-uusapan nyo?" Tanong ni Matt na nakatingin sa akin.
Natawa ako nang hilain ni Vanessa ang kwelyo nya at may ibinulong. Ganon din ang ginawa ni Mia kina Dave at Jerome na ngayon ay kapwa nakangisi na.
Ok?
"H-Hindi mo talaga alam?" Manghang tanong ni Matt.
"Kung sasabihin nyo baka malaman ko na." Inis na wika ko na ikinahalakhak nilang lima.
GHAD! Nakatrip ang gang na 'to ngayon! Ano ba talagang nangyayari? Hindi ko naman matanong sa iba dahil parang na-i-intimidate sila kapag nasa harap nila ako at nauutal.. kung minsan ay lumalayo pa sa akin.
Anak ng-- Calm, Zein. Malalaman mo rin 'yan. Easy.
"I like your face..." Pang-iinis ni Dave na nakipag-apir pa kay Jerome.
"Like your face!"
Humalukipkip na ibinalin ko sa harap ang aking paningin pero batid ko pa rin ang nang-aasar na tingin nila sa akin.
"Supremo?!"
Mabilis na napatingin ako kung saan nakatingin si Jerome pero agad ding kumunot ang noo ko nang makitang wala naman doon si Supremo.
Tinaasan ko sya ng kilay. Humalakhak silang lahat ngayon at tuwang-tuwa na badtrip na ako.
Mabilis na isinakbit ko ang bag sa likod ko at inismira silang lima na humahalakhak pa rin.
Nasa pinto na ako nang makasalubong ko ang Teacher namin.
"Where are you go-"
"Somewhere!" Sagot kong pabalang.
Narinig ko ang muling paghalakhak nila kaya mabilis na umalis na ako roon. Grabe sila! Ako pa ang napagtripan.
Hindi ko maitago ang irita sa mukha ko at napagbuntungan ng galit ang isang bato. Umupo ako sa bench dito sa wide space at pinagmamasdan ang walang lamang lugar na ito dahil na rin sa class hour na.
"Oh My Ghad!"
Napatakip ako sa aking bibig nang maalala na class hour nga pala. Hindi ako pwedeng mag-stay dito baka makita ako ni Supremo. Kahit naman nasa taas na ako ay hindi pa rin ako exempted sa rule.
Dali-dali akong umalis ngunit naistatwa ako nang marinig ang boses ni Supremo sa likod ko.
"Where are you going?"
Inipon ko lahat ng lakas sa paa ko bago kumaripas ng takbo at hindi pinansin nang tawagin ako ni Supremo. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang dalhin ako ng paa ko sa secret garden.
Hingal na napaupo ako sa ugat ng malaking puno.
"Muntik na ako don ah!"
"Meow."
Tangina! Sinamaan ko ng tingin si Hoy na ikinikiskis ang balahibo sa binti ko. "You are not helping, Hoy." Iritang wika ko bago ito kinuha at ipinatong sa hita ko.
"Ano bang meron ngayon?" Tanong ko kay Hoy at umaasang sasagot ito ngunit wala akong narinig sa kanya kahit na meow man lang. Hindi ko alam pero nairita na naman ako. "Hindi ka sasagot?!" Gigil na wika ko.
Nanatili itong nakatitig lang sa akin.
"Pati ba naman ikaw isi-sikreto mo?" Inis na kinuha ko ito at ibinalik sa lupa. "I hate you! Humanap ka ng bagong amo!" Sigaw ko.
Humalukipkip ako at kinalma ang sarili ko. Nakakairita sila! Nakakainis! Nakaka--- Gigil!
Naramdaman kong muli ang pagkiskis ni Hoy ng balahibo sa binti ko kaya sinipa ko sya... mahina lang naman.
"Meow."
"Sorry... I need space. Hayaan mo muna akong mapag-isa, Hoy."
"Gusto kong isipin na hindi ka nababaliw pero baliw ka ba?" Natatawang tanong ni Supremo na nakahalukipkip sa harap ko. "Ganon ba talaga kalakas ang epekto ko sa'yo para mabaliw ka nang ganito?" Nakangising dugtong pa nito.
Aba! Matinde!
"Naku, Supremo. Lumayo ka ng konti sa 'kin, baka mahambalos kita."
Humalakhak ito at lumapit pa sa akin. Lumobo ang pisngi ko sa inis. Nananadya ba sya?! GHAD! Hindi ko na kaya! Nakakairita ang araw na 'to at parang gusto ko na lang na mahiga sa kama at matulog.
"Bakit ang init ng ulo mo?" Natatawang tanong pa nya.
Nagulat ako nang yakapin nya ako. Nakalimutan ko atang huminga at tumindig ang balahibo ko. "Better?" Bulong nya sa tainga ko.
OMG!
"S-Supremo... gusto mong masapak?" Nahihirapang tanong ko. Suminghap ako nang hangin dahil simot na talaga ang natitirang hangin sa loob ko.
"Kaya mo ba?" Mas humigpit ang kapit nya sa akin and I can do nothing but to feel him.
Ayoko... ayoko talaga.... ayokong bitawan nya ako.
Ilang minuto kami sa ganong posisyon hanggang sa naramdaman ko na lang na lumuwag na ang pagkakakapit nya sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti... Now, I feel better.
"Feel better?" Tanong nya.
This time ay mabilis na tumango ako. "Yeah..." Ulit ko.
"That was my yakapsule..."
"Y-Yakaps--- What?!"
Humalakhak ito at ako naman ay hindi gaanong naintindihan ang sinabi nya.
"Let's just say... Supremo's hug is the most effective medicine ever... it could ease any kind of ache."
Lumunok ako nago itinaas ang isang daliri ko. "Can I have one, again. Please?" Request ko ngunit mabilis na umiling sya.
"Baka maoverdose ka."
"Okay lang."
"Baka ma-addict ka. Walang rehabilitation center dito."
"Okay lang."
"Bak-"
Napangisi ako nang ma-istatwa sya dahil ako na mismo ang yumakap sa kanya. Naramdaman ko ang bigat ng paghinga nito na parang kinakapos sa hangin. Pasimple kong inilapit ang ilong ko sa batok nya kasabay ng pagpikit ko nang masinghot ang pabango nya.
Nakaka-addict nga.
"Chansing ka na e."
Mabilis na kumalas ako sa pagkakayakap at inirapan sya. "Asa." Bulong ko.
Damn! Ang bango, gusto ko pa.
"Yakapsule ba 'yon?" Tanong nya. "Baliktad naman ata ang epekto sa akin... Magkakasakit ata ako sa puso dahil sa yakap mo. Isa pa nga." Mabilis na lumayo ako sa kanya dahil sa pagkabigla.
Damn!
Hindi dapat ako aatras kung hindi nya ako binigla! GHAD! Isa pa ngang yakapsule dyan, Supremo.
Bumalik na kami sa SSG Office kung saan dinatnan namin sina Vice Ty at Teacher Kath na nag-uusap. Dumiretso si Supremo sa table nya kaya dumiretso na lang din ako sa table ko.
"Anong plano mo sa linggo, Supremo?" Tanong ni Vice Ty na nakatingin sa kanya.
Sulyap lang ang nagawang isukli sa kanya ni Supremo bago nito ibinalik sa ginagawa nya ang kanyang mata.
"I have a better plan." Wika naman ni Teacher Kath na nakangisi.
Gusto ko sanang magtanong kung ano ang pinag-uusapan nila ngunit kinain agad ako ng hiya. Ito ba ang dahilan ng hagikgik at excitement sa buong HU? Anong meron sa linggo?
Tumingin sa akin si Supremo. Umiwas ako ng tingin dahil nakakailang. Bakit ba sya nakatingin? Kaninang kinakausap sya ni Vice Ty hindi nya magawang tapunan ng tingin pero ako wala namang kailangan sa kanya grabe kung makatitig.
"Huwag kang makampante, Presisent Ace." Babala ni Teacher Kath. "Pasalamat na lang tayo na hanggang ngayon ay nasa posisyon mo pa rin ikaw..." Dugtong pa nito.
"Well, Thank you then."
Napatikhim na lang si Vice Ty bago ibinalik sa ginagawa nya ang kanyang atensyon.
"Kapag nalaman ng iba na iniligtas mo si Secretary Shion sa dapat na parusang ipinataw sa kanya nang labagin nya ang number 1 rule ay siguradong... mag-aalburuto ang mga dating naparusahan mo na."
Napayuko na lang ako matapos marinig 'yon.
"Could you please, stop bringing that topic again?" Mejo iritang pakiusap ni Supremo. "Nasa harap mo lang si Miss Shion." Dugtong pa nito.
"Mas mabuti na 'yon nang malaman nya ang masamang idinulot n-"
"Oh fuck!" Naramdaman ko na lang na tinakpan na ni Supremo ang dalawang tainga ko. "Don't listen, please." Bulong nya sa akin.
Gusto kong hawiin ang kamay ni Supremo at pakinggan ang sinasabi ni Teacher Kath na hindi maipagkakailang may punto. Kung sakali man na may mangyaring masama kay Supremo, kasalanan ko.
"This is not a joke!" Sigaw ni Teacher Kath. "Gusto ko lang naman na maging bukas ang isipan ni Secretary Shion!" Dugtong pa nito.
Naramdaman kong inalis ni Supremo ang kamay nya sa tainga ko.
"Anong kailangan kong gawin?" Tanong ko na ikinalaglag ng panga ni Ace. "Paano ko ba maililigtas si Supremo?" Tanong ko.
Narinig ko ang sunod-sunod na mura ni Ace at ang paghawak nya sa braso ko para patigilin ako.
"Walang kang gagawi-"
"Limit yourself." Putol ni Vice Ty kay Supremo. "Alam kong alam mo na hindi maaring mainvolve si Supremo sa kanino man. He can't show any emotion... weakness." Dugtong pa nito.
Limit myself? Limitahan lang ba talaga o gusto nilang layuan ko si Supremo? Bakit ba tutol ang lahat sa amin? Shit!
"Layuan mo si Supremo." Diretsong wika ni Teacher Kath.
Mariin kong nakagat ang aking labi. Kapag ba lumayo ako, maliligtas na si Supremo? Kailangan ko ba talagang layuan ang lalaking gustong-gusto kong lapitan? Kailangan ba talagang isakripisyo ang isang bagay para sa isa? Ito ba ang desisyon na tama?
"Hindi lalayo si Zein." Matigas na wika ni Supremo. "Kahit na mawala na sa akin lahat, hindi sya lalayo." Dugtong pa nito.
Do I really deserve this kind of treatment from him? Kahit na sakit lang ang dulot ko?
"So, dapat pala matagal ng wala si Zein?" Nanlamig ako nang makita sa pinto si Roxane na nakangisi. "Pero niligtas sya ni Supremo. How unfair," Mahinang tumawa ito. "Ano kayang magiging reaksyon ng lahat kapag nalaman nilang ang Supremo ay may favoritism?" Pananakot nito.
"Don't you dare." Pagbabanta ni Teacher Kath na ikinatawa lang ni Roxane.
"Of couse, I dare. Oh wait... may relasyon ba kayo ni Secretary Shion?" Tanong nya pa kay Supremo.
"Wal-"
"Yes." Nalaglag ang panga namin sa matigas na sagot ni Supremo kung saan wala kang mababakas na biro.
Oh My Ghad! This is not happening! Wake up, Zein!
"May relasyon ang President sa Secretary?" Manghang wika ni Roxane habang nakatingin sa akin. "Alam mo bang 'yan ang dahilan kung bakit napaalis ang dating Supremo?" Tanong nya sa akin.
Mabilis na tumayo ako at lumuhod sa harap nya kasabay ng pagbuhos ng luha ko.
"N-No, please." Pakiusap ko.
"Don't do this, Zein. Hindi mo kailangang lumuhod." Sinubukan akong itayo ni Supremo ngunit nagmatigas ako.
Kung kinakailangan kong lunukin ang pride ko at magmakaaawa ay gagawin ko.
"Please, nagmamakaawa ako sa'yo."
"Too late, Queen Zein." Bumalin ito ng tingin kay Supremo. "Sooner or later.... mawawala na sa'yo ang lahat, Supremo." Ang huling katagang iniwan nito bago umalis.
Wala akong nagawa kundi ang lumuha at sisihin ang sarili ko sa mga nangyari. Am I really just a pest? Siguro nga, peste ako sa buhay ni Supremo. Maayos naman sya dati e, pero sinira ko ang lahat magsimula nang dumating ako.
"This is all your fault!"
Napapikit ako nang ambahan ako ng sampal ni Teacher Kath ngunit mabilis na hinila ako ni Supremo palayo roon. Hinayaan ko syang hilain ako.
Huminto kami at hinabol naming pareho ang aming hininga. Humupa na ang luha ko ngunit ang pangamba ay patuloy na lumalaki.
Hinawi ko ang kamay ni Supremo sa braso ko ngunit mas hinigpitan nya ito.
"Don't.you.dare.leave.me."
Mariin akong napapikit sa pagkadismaya. Bakit ba ganito si Supremo? Sya ang nasa alanganin ngunit ako pa rin ang iniisip nya!
"Kung lalayo ako, magiging maayos ang lahat." Wala sa sariling sabi ko.
Narinig ko ang malulutong na mura ni Supremo. Ang pasimpleng pagkuyom ng kamao nya, ang naniningkit nyang mata at ang paggalaw ng panga nya.
"I can live without anything but I can't live without you."
"Yes, you can! Nabuhay ka ng wala ako at mabubuhay ka ng wala ako!"
Ngumiti ito kahit na alam kong nahihirapan nya sya. "Buhay nga ako pero hindi ko maramdaman. Ikaw ang nagparamdam sa akin kung gaano kasaya ang mabuhay, kung gaano kasarap ang gumising. Tinuruan mo akong mahalin ka pero kailanman ay hindi mo itinuro sa akin na layuan ka... kaya hindi ko kaya." Namula ang mata nito at nanginig ang labi.
Naramdaman ko na naman ang pag-init ng mata ko. "We need to set each other free." Bulong ko.
"Tangina naman, Zein. Ikaw lang ang tanging meron ako, huwag mo namang ipagkait ang sarili mo. I need you more than what I have."
I didn't know that this would be too hard yet painful. Ayokong lumayo pero kailangan. Supremo deserves what he earned, at ayokong mawala ang lahat ng 'yon dahil sa akin.
"Darling, don't do this."
Humagulgol ako nang maramdaman ang pagbalot nya sa akin. I couldn't literally breathe. Inaamin kong, hindi ko rin kaya. Hindi ko kayang mawalay sa lalaking 'to.
"Stay with me until the last. Please give it to me, iregalo mo na lang sa akin 'to sa darating nakaarawan ko."
Mas humigpit ang yakap nya na ngayon ay sinagot ko na. I want to be selfish.... I want him... I don't wan't to be away... I want him beside me. "Kinuha mo na nga ang puso ko, huwag mo namang ilayo." Bulong nito.
GHAD! SHIT! DAMN!
"I love you more than who I am and what I have. Don't leave me breathless, darling."
I am more than in love with you, too. Ace.
-
-
-
TO BE CONTINUE.....8

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon