58

5.1K 217 3
                                    

🔥Hell University🔱🔥
Chapter 58: The feeling
Raze's Point of View
Dad... Samantha. Malapit na namin kayong maipaghiganti. Hindi ako titigil hanggat hindi ko napagbabayad ang mga may sala. Kailangan nilang magbayad sa pinakamarahas na paraan, hindi namin sila hahayaang mamatay dahil gusto kong sa kulungan nila pagsisihan lahat ng ginawa nila sa inyo.
"Darling... Kailangan mo ng magpahinga."
Mabilis na pinaputukan ko ang mga lalaking papunta sa direksyon namin. Napangiti ako habang nakatingin kay Ace at Zein na nag-uusap. Bigla kong naalala sa kanila ang nakaraan ko... nakaraang dapat ko ng ibaon sa limot.
"NO! Hindi ako aalis ng hindi ka kasama! May tama ka rin at maraming dugo na ang nawala sa'yo. You can no longer fight so I want you beside me! Damn!"
Natawa ako. "Baka kayo rin mismo ang magpatayan dyan ah!" Biro ko na mukhang hindi nila nagustuhan dahil tinaasan ako ng kilay ni Zein habang sinamaan naman ako ng tingin ng kapatid ko.
Tumikhim ako bago muling binaril ang mga nagtangkang paputukan din kami.
Bigla kong naalala ang ginawa ko kay Zein. I kissed her... kahit na sa gilid lang ng labi ay alam kong patay ako kapag nalaman 'yon ng kapatid ko. Haha.
Akala ko mahuhuli ko si Zein but I was wrong. Akala ko dahil sa ginawa kong pagyakap sa kanya at pahalik ay iisipin nyang ako si Ace. I even used their endearment but the heck! Hindi ko sya napaniwala! She must know him so well.
Sinulyapan kong muli ang dalawa. Pinunasan ni Ace ang luha sa mata ni Zein. Napangiti ako.
Masaya ako para sa kapatid ko. Hindi naging madali ang buhay namin sa loob ng impyernong ito. Labis ang pagdurusa ni Ace nang malamang pinaslang ng mga tinuring naming pamilya ang aming ama at wala man lang kaming magawa. Natakot ako para kay Ace dahil lagi na lang syang tahimik. Hindi na sya ganon kung magtiwala sa iba pero dahil sa babaeng ito ay nagbalik sya sa dati. Nagawa ulit ngumiti ng kapatid ko.
Nang maramdaman ko no'n iba na ang pagtingin ni Ace kay Zein ay ginawa ko ang lahat para protektahan ito. Ayokong mawala si Zein dahil hindi ko makakaya pang makitang nasasaktan ang kapatid ko.
I am willing to risk even my own life just to protect Miss Zein Shion. I want her beside my brother.
"Kailangan mong magpagaling. Marami ring dugo ang nawala sa'yo." Mainahon ngunit may awtoridad na wika ni Ace.
Napailing na lang ako. Hanggang kailan ba sila magtatalo? Napangisi ako nang may maisip.
Smirk.
"Tama si Ace." Napatingin sila sa akin. "Kailangan mong malunasan agad, Zein. Let me do the favor." Hinawakan ko ang kamay ni Zein. "Ihahatid na ki-"
"You don't have. Ako na ang maghahatid sa kanya."
Shit! Hahahaha. Sabi ko na e. Seloso talaga ang alas na ito.
"Ako na... ayaw mo naman e."
"Kuya!"
"Sabi ko nga ikaw na..." Natatawang wika ko.
Pinanuod kong akayin ni Ace si Zein para dalhin sa medical team. Napangiti na lang ako... Sana ganyan din tayo ngayon pero... Hanggang sana na lang ako.
Baby, I miss you so much.
---
Zein's Point of View
Alam kong hindi na rin nya kayang lumaban pa kaya hindi ko hahayaang mawala sya sa paningin ko. Natatakot akong hindi na sya muling makita.
"You shouldn't get too close to that jerk." Wika ni Supremo na hindi man lang mapatingin sa akin. "This is a warning, Zein Shion." Dugtong pa nito.
Kumunot ang noo ko bago mapagtanto kung sino ang tinutukoy nya. "How can you call your brother a jerk?" Natatawang wika ko. "Wait--- Are you jealous?" Biro ko.
"And so what? I have the right after all, darling. Yes, I am possesive. You are exclusively for me ONLY."
Namilog na lang ang mata ko at hindi ko na nabuka ang aking bibig sa sobrang gulat sa mga sinabi nya. Oo, alam kong ganito talaga si Supremo pero hindi ko inakalang--- Ok. Hindi ko pa talaga sya lubusang kilala.
"Tell me..." Tumigil kami sa paglalakad at iniharap nya sa kanya ang mukha ko. "Kinilig ka ba sa sinabi ko?" Tanong pa nito na ikinatawa ko.
"Sinabi mo 'yon para pakiligin ako?"
"I mean it but I just want to know."
Hinawakan ko ang kamay nya. "Oo. Kinilig ako." Nakaramdam ako ng hiya sa mga sinabi ko.
Seriously? Kailangan pa ba talaga nyang malaman kung kinikilig ako o hindi? Damn it!
"Good." Wika nya bago ako muling inalalayan at nagsimula na kaming maglakad.
Dinig na dinig pa rin namin ang mga putukan sa paligid. Hindi naman na ako nag-aalala para sa mga kaibigan ko dahil alam kong hindi sila pababayaan ng mga kasama namin.
"Where are you going?"
Sinalubong kami ni Nicky na may hawak na baril. Hingal na hingal na rin ito at halata na ang pagod sa mga namumungay nyang mata. Sabagay, buong gabi ba naman may labanan.
"Medical team."
Nagulat ako nang alalayan din ako ni Nicky. Sa una ay nag-alanganin ako pero hinayaan ko na lang din sya. Nasa kaliwa ko si Nicky habang nasa kanan si Supremo.
"You did it." Wika ni Nicky.
Hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap nya pero pakiramdam ko ay si Supremo dahil hindi ko naman alam kung ano ang sinasabi nya.
"Yes, WE did it." Sagot naman ni Supremo.
Natawa si Nicky nang makita ang kunot na noo ko. "You are still too innocent." Wika nito. "I am sorry." Pumait ang ngiti nito bagkabigkas ng mga salitang 'yon.
Hindi na lang ako kumibo.
"Sana maintindihan mo kung bakit kita pinagbantaan na layuan si Supremo... I am sorry."
"I won't accept your apology unless you tell me why." Hamon ko.
Gusto kong malaman kung bakit dahil dati pa ako nalilito sa kinikilos nya. Naguguluhan ako kung bakit naging hadlang silang lahat sa amin ni Supremo.
Huminga ito ng malalim bago itinuon sa madilim na daan ang tingin. "We want to save Supremo's position on SSG." Wika nito.
"Bakit?" Alam kong may malalim pang dahilan kung bakit nila 'yon ginawa. It is not just about the position... A deep reason is still being keep.
"Because of Dark Hell Jail."
Napalunok ako matapos marinig 'yon kasabay ng pagsabog ng napakaraming katanungan sa isip ko. Kailangan kong malinawan dahil naguguluhan ako.
Paanong narito si Ferry? Paano sya nakaligtas sa loob ng Dark Hell Jail?
"Maaring malaman nila Headmistress ang nasa likod ng Dark Hell Jail kapag nabitawan ni Ace ang pagiging President. Alam mo naman na sigurong sya ang nagpatayo nang ganong klaseng parusa hindi ba?"
Napatango na lang ako bago sinulyapan si Supremo na seryosong naglalakad--- Walang kibo. Hindi ko alam kung nakikinig sya o may mas malalim pa syang iniisip.
"Dark Hell Jail is actually a tunnel from here to outside of University." Wika nya. "It is also our way to communicate to the police officials outside. Lahat ng mga estudyanteng napaparusahan dito ay hindi talaga namamatay. Nakakalabas sila ng unibersidad." Dugtong pa nito.
That's explained why Ferry is still alive.
Kaya pala... Kaya pala iba ang pakiramdam ko nong una ko itong nakita. May mga mata sa loob no'n na malamang ay isa sa mga kasamahan namin ngayon.
Ngayon ay mas nahiya ako na muntik ko ng masira lahat ng pinaghirapan nila. Gusto kong humingi ng patawad ngunit inunahan na agad ako ng hiya.
"This is our plan. Ace Craige and Raze Silvenia are the mastermind behind this."
Natigilan kami nang paligiran kami ng mga armadong lalaki. Naging alerto naman sila Supremo at Nicky pero alam kong nanghihina na rin sila at hindi na nila kakayanin pa ang ganito karaming kalaban.
"Nakakalungkot lang na nawalan kami ng isang importanteng myembro." Humigpit ang pagkakahawak nya sa braso ko kaya ramdam ko ang matinding galit nya. "And we don't fucking know who killed her... Not even a single idea." Gigil na wika nito.
"It must be the crazy admin who did that." Sa wakas ay nagsalita na rin si Supremo.
Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nila.
"I hope so... Sana sila na lang talaga." Sagot naman ni Nicky.
"S-Sino?" Tanong ko.
Nakakatawa na napaka kalma pa rin naming nag-uusap kahit na pinaligiran na kami ng mga armadong lalaki.
"The person who kept the secret formula for the long time.... Celine."
Napanganga ako matapos marinig 'yon. Siya? Siya ang hinahanap nilang estudyante na nakakaalam ng formula? Pinatay nila Madame Violet si Celine para makuha ang formula?
Fuck them!
"Pinalabas pa talaga nilang Black Blood Gang ang gumawa no'n ah? Pathetic."
Nakarinig kami ng mga putok ng baril kasabay ng pagbagsak ng lahat ng armadong lalaking nakapaligid sa amin.
"Wala bang salamat man lang dyan?" Nakangising wika ni Roxane habang nasa gilid nya si Sir Alvarez.
"Narito kami para samahan kayo sa medical team." Nakangiting wika ni Sir Alvarez.
Napangiwi si Nicky nang itulak sya ni Roxane at sya ang pumalit sa pag-alalay sa akin.
"Bitch." Dinig kong bulong ni Nicky na hindi binigyang pansin ni Roxane.
Nag-umpisa kaming maglakad. Nasa likod namin si Nicky at nasa harap naman namin si Sir Alvarez na syang nangunguna.
"Nakakainis!"
Nakangusong wika ni Roxane. "Hindi pala sya si Raze! UGH! I hate you guys!" Parang batang nagdadabog ito kaya napangiwi ako dahil nasasaktan ako sa pagkakahawak nya.
"Stop it! You're hurting her!" Asik sa kanya ni Supremo.
Inirapan lang sya ni Roxane at ibinalin na lang sa akin ang tingin. Ngumisi ito.
"I want you to be my friend."
Hindi ako nakapagsalita dahil sa mga sinabi nya. Hindi naman sa ayoko pero kasi ayoko namang kaibiganin nya ako dahil lang sa nakikita nya sa akin ang dati nyang kaibigan.
"Dapat pasalamatan mo ako..." Ngumiti ito sa akin. "I saved your life." Dugtong pa nito.
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko sya maintindihan. Napatingin ako kay Supremo na nakangiti bago ibinalik kay Roxane ang tingin ko.
"What do you mean?"
"I killed the jerk... Bloody week."
Napanganga ako nang mapagtanto ang ibig nyang sabihin. Siya ang pumatay sa taong nakabunot sa pangalan ko nong bloody week.
Hindi ako makapaniwala na ikinatawa nya. "Now, we are friends." Hinalikan nya ako sa pisngi.
"What the--- Who says you have the right to kiss her?"
"Easy, Supremo. It's just a friendly kiss."
Natawa kami sa inasta ni Supremo. Maya-maya ay katahimikan na ang namayani sa paligid. Hingal na hingal na kami dahil kanina pa kami naglalakad.
Umihip ang malamig na hangin kaya napatingin ako sa langit. Natakpan na ng makapal na ulap ang bitwin at buwan. Nagbabanta ang pagbuhos ng malakas na ulan.
"Sandali... Dito ba talaga ang daan?" Tanong ni Nicky.
Napatingin kaming lahat kay Sir Alvarez na nakangiti. "Maraming armadong lalaki ang nakabantay kung dadaan tayo sa totoong daan. Mas safe kung dito tayo dadaan." Pagpapaliwanag naman nito.
Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad na parang walang katapusan.
Nalaglag ni Sir Alvarez ang isang litrato na mabilis naman nyang pinulot at ibinalik sa kanyang bulsa. Ngumiti ito sa amin bago nagpatuloy sa paglalakad.
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Supremo sa aking kamay kaya napatingin ako sa kanya.
"Darling, everything will be alright."
Hindi ko alam pero kinabahan ako. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda.
I hate this feeling... shit.
-
-
-
TO BE CONTINUE.....

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon