55

5K 192 11
                                    

🔥Hell University🔱🔥
Chapter 55: Wrong
Zein's Point of View
Lagi akong nasa likod nya. Laging ako ang pinoprotektahan nya. Nakakamangha na gamit lang ang isang kutsilyo at ang kanyang liksi ay nagagapi nya ang mga armadong lalaki.
Napapikit ako nang maramdaman ang muling pag-agos ng dugo galing sa braso ko. Halos buong braso ko na ngayon ay nababalot ng dugo.
Nararamdaman ko na rin ang panghihina dahil sa dami ng dugong nawala sa akin. Hindi 'yon napansin ni Supremo dahil busy sya sa pakikipaglaban.
Naluluha ako habang nakikita syang hingal na hingal. Tagaktak ang pawis nya at halos dugo na rin ang damit nya at kamay.
Napaawang ang bibig ko nang maramdaman ang pagrupok ng binti ko na parang babagsak na talaga ako.
No. Hindi ako maaring magapi ng pesteng kahinaan na ito. Ayokong makita nya akong mahina. Ayokong mag-alala sya.
Mabilis na itinago ko sa likod ko ang kaliwang braso ko nang palapit na sya sa akin.
Hindi ko napigilang mapangiti dahil sa ngiti nya. Hinawakan nyang muli ang kamay ko.
"Lets go..."
Bigla kong naalala ang mga panaginip ko. Ako pala... Ako pala ang babaeng kahawak-kamay nya. Kinain ako ng kaba ng maaalala ng mga kasunod na nangyari sa panaginip ko--- No. Please.
Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang maramdaman ang pag-ikot ng paningin ko hanggang sa naramdaman ko na lang na bumagsak na ako sa lupa.
"Zei- Shit!"
Mapait na napangiti na lang ako nang makita ang alala at gulat sa mata nya nang makita ang brasong hindi ko na naitago.
Nangingitim na rin ito at parang nauubusan na ng dugo.
"Hold on..."
"Hey!" Pigil ko sa kanya nang aktong bubuhatin nya ako. "I can still walk... Magpahinga na muna tayo." Wika ko.
"No... Please. Darling, let m-"
"Ssshh..." Sinubukan kong umupo na inalalayan naman nya ako. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat nya habang nakatingin sa dilim.
Bumibilis ang paghinga ko na animo'y kinakapos na rin ako ng dugo. Napapikit ako nang muling maramdaman ang pag-ikot ng paningin ko.
"Darling..." Tawag ko sa kanya. "Sorry... Sorry for everything." Mapait kong wika.
Napaklaki ng kasalanan ko. Marami akong pagkakamali na nagawa sa kanya. Nasaktan kami sa isang pagkakamali na ako lang ang may kasalanan. Naging biktima sya ng isang maling desisyon.
"You have nothing to sorry for. Naiintindihan kita..."
"Still, sorry."
Kinain kami nang katahimikan. Hindi ko alam kung matatawa ako dahil napakaromantic ng mga minutong ito kahit na nagpapatayan na.
Kung makakaligtas kami sa pagsubok na ito, ibibigay ko ang lahat ng kailangan ng lalaking ito. I will give what he deserve.
I am willing to give every piece of me to complete him.
"Tara na."
Inalalayan nya akong makatayo. Kahit papaano ay nakatulong ang pagpapahinga namin dahil kahit papaano ay nakalakad na akong muli ngunit sobrang higpit na ng hawak sa akin ni Supremo na parang wala na syang balak kumalas sa akin.
Gusto ko na ring itali ang sarili ko sa'yo. Without you, I am a mess. Supremo.
"Kailangan kitang madala sa medical team."
Hindi ko alam kung ano ang sinasabi nya at kung bakit may medical team syang binabanggit.
"M-May hindi ba ako nalalaman?"
Napalingon sya sa akin sabay ngiti. "I told you. I am not named Ace without one, darling." Wika nito bago nya ako kinindatan.
Napakamisteryoso talaga ng lalaking ito. Napakaraming bagay ang hindi ko pa nalalaman tungkol sa kanya. Tingin ko nga ay wala man lang sa kalahati ang alam ko pero kahit ganon pa man... Hindi ko naman kailangang alamin lahat ng tungkol sa kanya.
Muli kaming pinalibutan ng mga armadong lalaki pero sa pagkakataong ito ay napakarami na nila.
Napatingin ako kay Supremo na nakangisi lang habang pinupunasan ang dugo sa kanyang pisngi. Seeing him smiling like this giving me a chill.
It seems like he is enjoying everything.
"M-Marami sila, hindi mo kakayanin."
"I can kill them all for you."
"S-Suprem-"
Napasinghap ako nang yakapin nya ako nang mahigpit. "Darling, give me a reason... I won't let myself to be killed." Bulong nya.
I have so many damn reason but--- "I love you..." Bulong ko.
"Damn it! I love you more... Now," Iniharap nya ako sa kanya at hinawakan nya ang pisngi ko. "My Queen, can you close your eyes? Ako ang bahala sa'yo." Bulong nito.
Tumango ako pero bago pa man ako nakapikit ay isang halik ang iginawad nya sa labi ko.
Please, Don't let them hurt you. Darling, Please.
----
Nicky's Point of View
Damn! Hindi ko inakalang ganito sila karami. Fuck that bitch! Ang dami nyang tauhan na parang hindi nauubos.
"Are you ok?"
Inis na binalingan ko ng tingin si Nazzer na kanina pa tinatanong kung ok lang ako e sya nga itong may tama ng bala sa balikat.
"I am." Malamig kong tugon bago pinaputukan ang tatlong lalaking palapit sa amin.
Hindi ko na binalingan ng tingin si Nazzer dahil alam kong nakatingin sya sa akin. What the hell is his problem?!
Damn! His stare is giving me uneasiness. Bakit ba sya nakatitig sa akin?
"Shit!" Mabilis na pinaputukan ko ang lalaking tinangkaang paputukan si Nazzer na napangiti.
Inis na lumapit ako sa kanya at sinuntok ang kanyang mukha. Nagdugo ang labi nito sa ginawa ko ngunit hindi napawi ang kanyang ngiti.
"What the hell is wrong with you?!"
"Everything is wrong but one thing is right... Damn! Mahal na kita."
Mabilis na nag-iwas ako ng tingin dahil biglang nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na pakiramdam.
Shit! I hate this!
Lumayo ako sa kanya dahil hindi ako makapagfocus kapag malapit sya sa akin.
Napatingin ako sa basag na salamin kung saan lumitaw ang repleksyon ko. Maraming talsik ng dugo sa mukha at katawan ko ngunit isang bagay ang nakaagaw ng pansin ko.
I am smiling like a bitch. What the hell?! Don't tell me it is because of that!
Itinutok ko ang baril sa salamin kasabay ng pagsabog nito at pagkalat ng bawat piraso sa paligid.

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon