c-7

7.8K 203 0
                                    

🎈🎈🎈Hell University🎈🎈🎈
Chapter 7: Acquaintance Party
Zein's Point Of View
Ginala ko ang aking mata sa kabuuan ng Wide Space. Doble ang laki nito kumapara sa football field. Madilim na rin at ang mga iba't-ibang kulay ng light effect na bumubuhay sa paligid. Ang party song na bumubuhay ng ingay.
Binigyan ko ng tingin ang aking gown na kahapon ay ipinadala ng Admin Office. I am in my purple gown. Ang aking kulay lila na maskara na bumabalot sa kalahati ng mukha ko.
"Whoa! Ang cool!" Puri ni Matt sa paligid.
Napakagarbo ng paligid. May mga table rin sa paligid at sa gitna ang mawalawak sa espasyo na sa tingin ko ay ang magiging dance floor.
Umupo kami sa pang-anim-an na table. Nakakulay asul na maskara sina Matt, Dave at Jerome, habang ang kay Mia ay pink at kay Vanessa ay orange na terno sa mga damit namin.
"Girls, huwag kayong lalayo sa amin ah?" Paalala ni Dave.
"Kahit na Free Bloody Night ngayon ay hindi pa rin natin masisugurado ang paligid, lalo na at wala ang President." Dugtong ni Jerome.
Tumango naman kami. Hindi naman kami talaga lalayo at as much as possible ay wala kaming planong sumayaw.
Agad namang may nagserve sa amin ng pagkain. Konti lang ang kinuha ko dahil busog pa ako.
Hindi pa nag-uumpisa ang party. Hindi rin ipinagbabawal ang alak dito kaya maraming umiinom. Hindi naman namin makilala ang mga tao dahil nakamaskara ang lahat.
"They are here." Bulong ni Vanessa. Sinundan namin ang tingin niya.
Humigpit ang hawak ko sa aking gown at ramdam kong pinagpapawisan ang aking palad. Natahimik ang lahat at tanging ang party music na lang ang nag-iingay.
"Black Blood Gang," Bulong ko.
Naka black na formal silang lahat plus their black mask. Kapansin-pansin ang lalaking nangunguna. Ang kanyang mga mata ay seryoso, ang aura niya ay napakalamig.
Naagaw ang pansin ko ng nag-iisang babae sa grupo nila na nakakapit sa braso ni Nazzer. That's Nicky for sure.
"That red hair." Bulong ni Mia refering doon sa katabi ng leader ata nila. Pula ang buhok nito.
"Siya iyong nakita ko bago nakita ang walang buhay na bangkay ni Rouge Silvenia." Bulong ulit ni Mia.
Mas lumakas ang kabog sa aking dibdib nang tumingin sa table namin ang leader nila na si Nazzer Lumia. Alam kong hindi siya sa akin nakatingin.
Sa tantsa ko ay nasa labing dalawa sila. Umupo sila sa table sa kaliwang dulo.
Hindi pa man natatanggal ang kabog sa aking dibdib nang dumating na naman ang mga nakamaskarang pula, naka white formal ang mga ito.
"Devil God Warrior." Bulong ni Matt.
Mas uminit ang paligid. Ang nangunguna sa kanila ay ang pumukaw sa aking tingin. Hindi siya sumulyap sa amin. Gaya ni Nazzer, napakalamig ng aura nito.
"Raze Silvenia." Bulong ko.
Nasa labing dalawa lang din sila at umupo sa dulong bahagi ng Wide Space sa kanan naman sila.
Maya-maya ay humina ng konti ang tugtog at umakyat sa taas ang sa tingin ko ay Emcee. Si Fritzy ito, alam ko. This bitch.
"I am Fritzy Saldivar, and before we start. It's an honor for me to introduce the Admins behind the Hell University." Pag-uumpisa niya.
Nalaglag ang panga ko ng mag-umpisang magsidatingan ang mga marangyang sasakyan. Mas lalong bumigat ang atmosphere sa paligid. Nakarinig ako ng mga violent reaction sa paligid, maging ang paghanga nila sa nagmamahing tatlong sasakyan na ngayo'y nakaparada sa gilid.
May sasakyan pala sila? Para saan naman? Para pang intense ganon? Napairap na lang ako sa hangin.
"The Vice President of Hell University. The one who created the only law of university which is the Bloody Night. Lets give him a warm of a clap. Mr. Francisco Augustine."
Mahina kaming pumalakpak bago bumaba sa isang sasakyan ang isang lalaking walang maskara. Natigilan kami ng makilala ito.
"It can't be." Bulong ni Mia.
"I thought he is just..." hindi naituloy ni Vanessa ang sasabihin nya dahil sa pagkabigla.
Ang lalaking nakangiting naglalakad sa red carpet patungo sa tatlong na upuan sa gitna ay walang iba kundi ang mama na nagpapasok sa amin sa Hell University.
"Siya pala ang Vice President ng HU. Mr.Francisco Augustine huh?" Sambit ko sa aking sarili.
Tumigil ang palakpakan nang makaupo na ito sa pangalawang upuan. Ngumisi ito sa lahat.
"The Head of Supreme Student Goverment. SSG Adviser, Ms. Katherine Velasquez."
Natigilan kami sa pangalawang pagkakataon nang makita kung sino ang bumabawa sa isang magarang kotse.
"Si Ms.Kath.." bulong ni Dave.
Oo, ang physics teacher namin. Ngayon ay alam ko na kung ano ang sinasabi ni Celine na may mataas itong katungkulan. Psh.
Umupo ito sa tabi ni Mr.Francisco. Isa na lang ang natitirang nakasara ang pinto. Alam ko na kung sino ito. Black lady.
"And last but definitely not the least. The highest among all in this university. Please, bow your heads as I introduce the headmistress, Madame Violet Rivera."
Yumuko rin si Fritzy at lahat ng narito. Wala kaming nagawa kundi ang sumunod sa ginawa nila. We bow our heads for the black lady.
Pasimple ko syang sinulyapan. As usual ay nakaitim ito. Nasa mids 50 ito pero ang ganda pa rin nya.
Iniangat na naman ang ulo namin nang magsalita na ito. Umupo si Fritzy sa isang table.
"Good evening students. Welcome to our Acquaintance Party. Let's start."
Itinodo ata ang mga speaker sa paligid at parang tumatalbog na ang table namin. Naghiyawan ang mga gangs na humila sa mga babaeng nasa ibang table at isinayaw.
Hindi sinasadyang mapadako ang aking tingin kay Raze na ngayon ay nakatingin na sa akin. Akala ko ay iiwas siya ng tingin ngunit ngumisi ito sa akin na nagdulot ng pagtayo ng aking mga balahibo.
Umiwas ako ng tingin. Parang hinihigop ang aking lakas. He is a demon, they are demons.
"Ms. Shion?"
Tanong ng isang lalaking lumapit sa akin. Lumukot ang mukha ko. Hindi ko man sya makilala dahil sa maskara nyang berde ay nakilala ko sa kanyang boses.
"What can I do for you Supreme Student Government Vice President Onel Ty?" Matigas na tanong ko.
Hindi katulad nong una ay nakangiti na ito s akin ngayon. Psh.
"Congratulations." Bati nito na ikinakunot ng noo ko.
"You are the new Supreme Student Government Secretary." Dugtong niya.
Sa dinamirami ng sinabi nya ay umikot lang ang aking mata.
"Should I be glad?" Tanong ko na ikinawala ng ngisi niya. "Nah. Ibigay mo na lang sa isang uhaw na uhaw sa posisyon na 'yan." Tumingin ako sa babaeng nakikipagtawanan sa iba.
"But this is the President's decision and sad to say. Wala ka ng magagawa. Plus, dahil sa posisyon na iyan ay mabilis kang naitaas sa pang siyam na pwesto sa ranggo. Yes, you must be glad, wala pang nakakagawa ng ganoon kabilis plus the fact na pihikan si Supremo sa pagpili ng kanyang sekretarya. Congrats again."
Laglag panga na pinanuod kong mawala sa paningin ko si Onel.
Seriously?
"T-Top 9?" Hindi makapaniwalang tanong ni Vanessa. Maging ako ay hindi rin makapaniwala.
I should be glad! I must be happy! But there's something about this happening. Maaring maging simula ito ng panibagong kalbaryo ng buhay ko.
"Zein! You are now in the Highest 10! Maari ka ng makalabas ng HU!" Masayang sambit ni Mia na malawak ang ngisi.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para kunin ang shot glass na may alak sa table namin na para sana sa boys. Napapikit ako sa pagguhit ng pakla nito sa aking lalamunan.
"Huwag mong tanggapin ang alok..." seryosong sambit ni Matt.
"Why not, Matt?! Makakalaya na si Zein sa impyerno na ito! Maari syang humingi ng tulong sa mga kinauukulan!" Ani Jerome habang si Dave ay nagsalin muli ng alak at diretsong nilagok ito.
"Tama si Jerome, kapag nakalaya na si Zein, makakahingi sya ng tulong!" Pagsang-ayon ni Mia.
Hinila ko sa kamay ni Dave ang alak saka diretsong nilagok ito. Mabilis naman na kinuha sa akin ni Matt ang alak at inilayo.
Shit! Hindi pwede! Hindi pwede ang binabalak nila!
Sumandal ako sa upuan at inayos ang aking buhok. Ang init sa pakiramdam ng alak.
"Being the Supreme Student Secretary is not easy! Lahat ng bagay ay may kapalit! At mas marami pa ang masamang maidudulot nito kay Zein!" Giit ni Matt.
Hindi naman kami marinig ng iba dahil sa lakas ng tugtog. Naging mas maingay ang paligid habang lumalalim ang gabi.
"Kalma lang! Pwede?! Let Zein decide about it!" Suhestyon ni Dave.
Tumingin silang lahat sa akin at naghihintay ng sagot. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi nila maiintindihan. Hindi pa sa ngayon.
Sa kagustuhan kong makalaya sa mga mata nilang nagtatanong ay tumayo ako at nakisali sa mga tao sa gitna na nagsasayaw.
Mabilis na nakarating ako sa gitna kung saan konting kilos ko lang ay masasagi ko na ang iba. Ipinikit ko ang aking mata nang maramdaman ang pag-ikot ng aking paningin. Damn that alcohol.
"What's bothering you?" Naramdaman ko ang kiliti nang may kung sinong lalaki ang bumulong sa akin.
I tried to open my eyes pero wala akong maayos na makita. Umiikot pa rin ang paningin ko plus na sobrang gulo ng mga taong nagsasayaw.
"I heard about your promotion. And I think, it was really a bad idea."
Shit! Sino ang nagsasalita?! UGH!
"Lumayo ka sa akin!" Sigaw ko. Napahinto na rin ako sa pag-indak. Pakiramdam ko ay babagsak na ako kahit na anong oras.
"Dapat ay matagal ka ng bangkay, pero prinotektahan ka nya but sad to say, hindi ka nya habang buhay na mapoprotektahan. I told yah, you will also hold a knife, and I must say, you must hold one now before it's too late."
--**--
Vanessa's Point of View
Pinanunuod naming tumayo si Zein at makihalo sa mga nagsasayawang tao. Iniiwasan nya ang tanong namin. Pero, bakit?
"Ano bang problema mo Matt?! Ginugulo mo ang isip ni Zein?" Singhal ko.
Umiling ito bago kinuha ang bote ng alak at tinitigan.
"Sinasabi ko lang ang totoo. Hindi basta-basta ang posisyon na iyon, at basta-basta na lang nya nakuha. Isn't it weird?" Tanong nito na hindi maipagkakailang may punto.
Nanatili kaming tahimik hanggang sa nagulat na lang kami ng binasag ni Matt ang bote ng alak.
"Shit!" Sigaw ni Dave dahil sa gulat. Pero bago pa man makatayo si Dave ay agad na itong tumumba sa lupa.
"Dave!" Sigaw ni Mia.
"Shit! Shit!" Sunod-sunod na mura ni Matt. Dumudugo na ang kamay nya habang hawak-hawak ang isang plastic na nasa loob ng alak.
Binasag niya ang bote para makuha iyon.
"W-What's that?" Tanong ko.
"Isang uri ng pinagbabawal na droga." Napatingin kami sa isang babaeng nasa tabi na namin. Nakaitim itong maskara at sa tingin ko ay myembro ng BBG.
"D-Droga?" Tanong ko.
Napatayo ako ng hindi oras sa kinatatayuan ko nang marealized na may naghalo nito sa alak. Si Dave, uminom sya ng alak kaya ngayon ay nawalan na sya ng malay.
Mabilis na tumakbo si Matt sa dance floor.
"Damn si Zein! Uminom siya ng alak!" Sigaw ni Jerome.
-
-
-
TO BE CONTINUE.....

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon