PROLOUGE

1.2K 84 25
                                    

The sun is almost setting, with all of its red and orange colors scattered in the sky. It has always been a good decision to come here during this time of the day. By looking at the mesmerizing sun, as it sets.

But it is also painful, for the sun setting indicates only one thing, darkness will soon consume the Earth. The world.

Pero ano pa ba ang makokonsumo ng kadiliman kung lahat lahat na sa buhay ko ay nilamon na nito?

I turned at the sea in front of me. The calm waves are making my system calm down too. But the rage is still inside, still evident.

It's been years, pero paano mo makakalimutan ang sumira sa'yo? Ang nagparanas ng bagay na mas masakit pa sa kamatayan?

Unti unti akong tumayo at pinagpag ang suot kong pantalon. Nagsimula nang lumamig and ihip ng hangin kaya naman nagsuot ako ng pantalon. I took my shoes off at saka binaliktad para matanggal ang mga buhangin na pumasok sa loob nito.

Nang masigurong wala na nga itong laman ay dali dali ko itong isinuot at nagsimula na akong tumalikod, hindi na sinusulyapan pa ang araw na kanina pa tinatanaw.

I walked until I'm off the shore. Away from the sea, from the unending. Nakakatuwa lang na pareho ang dagat at ang paglubog ng araw. Hindi natatapos. Paulit ulit.

Palapit na ako sa sementadong daanan ng mga sasakyan pero naririnig ko parin ang huni ng bagay na ipinagmamalaki nila dito. Kapag tumalikod ako ay tiyak na matatanaw ko parin iyon, dahil sa kalakihan nito.

Nang una akong napadpad dito, hindi ko malaman kung ano ang maganda sa mga bagay na iyon. Lalo pa't nagkalat sila sa buong probinsya. At the first sight I immediately thought they are disastrous. But then hindi pareho ang nakikita ko sa mga nakikita ng mga turistang patuloy pa ring bumiyabiyahe ng malayo para lang masilayan ang mga higanteng bagay na iyon.

Mayroon pang maliit na kagubatan na kailangang daanan para marating ang maliit naming barangay. Kung saan kilala lahat ng nandoon ang isa't-isa.

Ilang minuto lang at nakarating na rin ako sa kung saan naroroon ang mga maliliit na bahay. Ito ang tumayong bahay ko for almost three years after I stayed in Baguio.

"Hi ate!" sigaw ng mga ilang batang naglalaro sa daanan.

Liblib ang lugar namin kaya naman walang masyadong sasakyan ang dumadaan. Pwede silang maglaro kahit saan nila gusto.

"Hello." I replied and managed to give a smile.

Although it never reached my eyes, hindi na nila iyon napansin, they were too busy playing.

Naglakad pa ako ng konti, nadaanan ang iba pang mga bahay. May ibang nagkwekwentuhan, may tumatawag na sa mga bata para umuwi na, meron namang nagaayos na para sa gabi.

Sa halos tatlong taon nang nandito ako, kilala ko na lahat ng nandito. Hindi naman ganoon kahirap, lalo na't lahat sila ay palakaibigan.

Some waved, some smiled, some even called my name as I pass by their houses. Sinuklian ko rin sila ng ngiti.

Sa wakas narating ko rin ang bahay kung saan ako namalagi for the past years. This house, is the only thing I have left.

May mga nabili na ako gamit ang sahod ko buwan buwan, may ibinigay rin ang mga kapitbahay ko rito. Yet, this house, is the only reminder that I lived the past. My past.

I sighed as I entered the bamboo made gate. The house is a simple bungalow, sky blue paint painted all over it, pero natutuklap na ang karamihang parte nito. The roof looks fine, pero medyo nangangalawang na rin kung tititigang maigi.

I entered the door, hindi ko inilock nang umalis ako. Kampante na walang magnanakaw. I turned on the lights instantly, madilim na sa loob ng bahay. I looked around once again.

Tulad ng lahat ng bahay rito, simple rin ang bahay na ito. Small dining room, small bathroom, small guest area, and the rooms are limited to two.

Masikip para sa iba, but for me, it's the best. Hindi dahil ako lang ang naninirahan, but the warmth, and the comfort, made it the best.

I was planning to just fry eggs, pang madalihan lang para makatulog na ako, nang may kumatok sa pinto seconds after I entered the kitchen. I immediately went for it.

"Beron, magandang gabi." isang malawak na ngiti ang sumalubong sa akin sa harap ng pintuan.

"Aling Bet!" I smiled back, sincerely. Isa siya sa mga unang nang approach sa akin nang bago pa lamang ako rito. She also guided me through the different things they do here.

Inilahad niya ang isang lunchbox sa akin.

"Birthday kanina ni Janjan, pinatawag kita kanina pero wala ka raw. Kaya eto oh, pasensyahan mo na, konti lang handa ngayon."

"Naku, nag abala pa kayo. Pero salamat po!" marahan kong kinuha ang ibinibigay niya.

"Hindi na ako magtatagal, iniwan ko pa kasi yung mga hugasin." sabi niya agad nang nakuha ko iyon. "Sige, Beron, mauna na ako."

Nginitian ko ulit siya. "Salamat po ulit Aling Bet. Mag iingat po kayo."

"Ikaw rin." sabi niya at tumalikod na. Nang hindi ko na siya matanaw ay isinara ko na ang pinto. I walked to the kitchen and brought out the food Aling Bet gave me.

I ate silently. Ganito na sila kahit pa noong kadarating ko palang rito. Very much hospitable. They gave me foods though they only know me by name. Para maibalik ko ang kabaitan nila, whenever I plan to practice my cooking, I share it to them.

After finishing the food, putting the remains inside the fridge, I prepared for bed. Nang okay na ay isinara ko na ang mga ilaw sa kusina at sala, tapos pumasok na sa kwarto ko.

I blew my hair dry then lay at my bed. Wala akong tv o kung ano sa loob ng kwarto, mga cabinet lang at isang mesa sa gilid ng kama, para sa mga paperworks sa trabaho.

I need to sleep early to wake up early too. Pero kagaya ng lahat ng gabi for the past six years na lumayo ako, I can't sleep without doing a certain thing.

I reached for the bag under my bed. Nakapa ko agad ang bagay na hinahanap ko. I stared at it, just like what I do everyday. My breathing immediately changed, from slow and soft to heavy ones.

I stared at it never minding the sting from the sides of my eyes, due to the tears attempting to fall. Kinailangan kong umupo para maayos ang paghinga ko.

Sa pagupo ko, nahulog lahat ang nagbabadyang luha. The tears kept falling, one after another. The same feeling from before never subsided, ni hindi nakulangan.

The pain, the hatred, the longing, is still the same. The wound is still as fresh like how it used to be. And the memory feels like it happened just yesterday.

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon