XIV

319 35 0
                                    

I went to his house during Sunday too. Sa mga bandang ala una siya tumawag, katatapos lang ng isa na namang meeting nila.

He looked more tired and I felt the urge to reach towards the phone,  to caress him, kahit alam kong hindi ko siya mahahawakan dahil nga wala siya sa harap ko.

"Kamusta?" I just asked him when he called.

Nasa isang parang opisina siya ngayon. They are having their lunch, I guess. Naka suit na naman siya gaya kahapon.

Tinitigan niya ako, "I'm fine. Malapit nang matapos ang project."

Natuwa ako sa narinig. Malapit na siyang umuwi. I'm really selfish and deluded when it comes to him.

"Mabuti yun", napakabuti. "Kumain ka na ba?"

Umiling siya, "Mamaya na lang. Ikaw?"

Umiling rin ako. Katatapos ko lang maglinis sa garden, bigla kasing nagkaroon ng mga uod ang mga pananim.

Natatakot akong patayin sila kaya iningatan ko ang bawat isa sa kanila habang tinatanggal sa halaman.

I believe they also have feelings at kahit na hindi sila kaaya aya sa mata, they should still be taken care of.

Huli na nang napagtanto kong ang mga uod pala na iyon ay yung mga makati sa balat. Namumula na tuloy ang balat ko sa kakakati.

"You should eat now. You can cook whatever you like. Kung wala kang gusto sa mga pagkaing nandoon, you can go to my room and take some of my savings under the bed", seryoso niyang sabi.

Dali dali akong tumanggi. Nakakahiya naman na pati pa ang savings niya kukunin ko pa. Isa pa, hindi naman ako mapili sa pagkain kaya okay na sa akin kung ano mang nasa ref niya.

Napangiti ako nang isiping parang kelan lang nang pinagbawalan niya akong pumasok sa kwarto niya.

Ngayon, sinasabi na niyang pumasok ako roon. I suddenly imagined his room, ano kayang kulay nun? Darating rin ang panahon na makakapunta ako roon na hindi ngayon.

I cursed myself when images of me and him in his room passed my head.

"Why are you smiling?" kinagat ko ang labi ko para pigilang ngumiti.

Umiling ako, "Wala lang."

He looked amused looking at me stoping my smiles.

"Go cook your food. I'll watch you eat", tatanggi na sana ako pero nang makita ko ang ngiti niya ay napatango na lang ako.

He watched me cook asking few questions while I do it. Nang nakahanda na ako ng pagkain ay nagpaserve na rin siya ng pagkain niya.

Magkaharap kaming kumain. Medyo hindi nga lang komportable dahil na rin madalas ang titig niya sa akin habang kumakain ako.

"Kasama mo pala si Nadiah jan?" kinailangan kong tanongin. "Sorry, nabasa ko yung conversation niyo sa cellphone mo."

His lips rose. Ibinaling ko ang tingin ko sa hinuhugasan kong plato.

"She still works for our company kaya ko siya kasama", simpleng sagot niya.

Oo nga naman, ang kulit kasi ng isipan ko, "Oh, okay."

He chuckled kaya iniwas ko muli ang tingin ko.

"She came because of work and nothing more. Also, I won't allow her do things inappropriate."

Bigla akong nakaramdam ng hiya, "Okay. Hindi mo kailangang ipaliwanag."

Bakit nga ba kasi hindi ko mapigilan ang bibig ko?

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDWhere stories live. Discover now