VII

388 58 4
                                    

"Stop it! Buti naman sana kung maganda ang tunog", sabi ni Krysthel habang irinorolyo ang mga mata.

She was again provoking Harry, na kanina pa naggigitara. Maganda ang pagtugtog niya pero dahil nandyan si Krysthel sa tabi ko, he can't and won't play his guitar peacefully.

It was Friday and I can't seem to wait na maging bukas na. Weekends means work.

Isang buwan na simula nang nagtrabaho ako kay Therence, and starting the day he said na hindi niys planong ligawan ang babaeng akala ko ay nobya niya noon, all went well.

Seryoso parin siya kalimitan, pero napapadalas na ang pagtawa at pagngiti niya. His garden is also very well now. Marami pa siyang kinuhang mga halaman ni Tita Martha na itinanim namin doon sa garden niya. Some flowers are even blooming now.

Inistrum ni Harry ang gitara niya ng malakas causing Krysthel to kick his chair.

"Naiingit ka lang. 'Cause you don't know how to play", Harry said sticking his tounge at Krysthel.

Tumawa ng peke si Krysthel, "I'd rather live not knowing how to play a guitar kesa sa tutugtog pero ganyan ang tunog".

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. It's been a month since palagi nang sumasama si Harry sa amin pero ganyan parin ang turingan nila. Konti na lang ay magsabunutan na.

"Ang dami mong complain eh hindi naman ikaw ang tinutugtugan", si Harry. "Maganda ba Roxette?"

Isang buwan na rin simula nang sabihin ni Harry na gusto niyang makipagkaibigan sa akin. At hanggang ngayon hindi pa siya sumusuko sa kabila ng pambabara ni Krysthel.

Hinawakan ni Krysthel ang balikat ko, "Of course not! Tell him Rox!"

I just shrugged and continued to eat. Maswerte kami at maaga kaming pumunta rito sa cafeteria para kumain, kung hindi nawalan na sana kami ng upuan.

"There she is", bulong ni Krysthel sa tabi ko. Napatingin naman ako sa tinitignan niya, and saw that it's a group of girls coming inside the cafeteria.

Bumulong rin ako. "Sino?"

"The girl with the pink shirt. That's the Tanya bitch", bulong niya na may halong disgusto ang boses.

I can't believe hindi pa tapos si Krysthel sa Tanya na iyon. Wala namang ginagawa yung babae sa kanya.

"Anong year siya?", tanong ko.

Nakatingin parin siya sa mga bagong dating na mga babae na parang pinagbibintangan niya ang mga ito.

"Gaya rin natin. Engineering.", sagot niya at galit na kinuha ang kutsara niya.

Napansin ni Harry ang ginagawa naming pagbubulong bulong, "Anong pinaguusapan niyo?".

"Wala ka na dun", sagot ni Krysthel.

Sasagot pa sana si Harry pero may tumawag na sa pangalan niya.

"Harry! Hi!", isang matinis na boses.

Lumingon kaming lahat sa pinanggalingan niya and found out na ang Tanyang kinaiinisan ni Krysthel, ay lumalapit sa banda namin.

"Hi Tanya", bati rin ni Harry na nagpaubo kay Krysthel kaya napansin niya kami.

Nakangiti niyang tinitigan si Krysthel, "Hi. You're Krysthel right? I'm Tanya".

Inilahad niya ang kamay niya kay Krysthel na tinignan lang niya. Nahihiyang ibinaba ni Tanya ang kamay niya nang hindi ito inabot ni Krysthel pabalik.

"Yes I'm Krysthel Calliah Ruiz, and I also don't want to talk to you", she snapped at her.

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDWhere stories live. Discover now