XXIII

294 28 0
                                    

Hindi ako makapaniwala na wala na si Tito Benji. The only person who helped me, who cared for me when I needed those very much.

Naglakad lakad ulit ako. Wala na akong choice dahil hindi naman ako pwedeng bumalik sa bahay. Wala rin naman akong pwedeng uwian na iba.

I thought about Kevin pero gabing gabi na at masyado nang malayo ang bahay nila. Two years of living here and I already familiarized the place, na laking pasasalamat ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kung maligaw pa ako.

Malamig na ang gabi, I took a thick jacket out and covered my body. Masyado nang manipis ang suot kong puting tshirt.

Maswerte rin ako at Biyernes ngayon, maraming nagninight shop. Iniwasan kong dumaan sa madidilim na parte ng daan para maiwasan na ang mga hindi inaasahan.

May nakita rin akong nakatambay at nagrorondang pulis so I know I was safe.

Ang hindi ko lang alam ngayon ay kung saan ako matutulog. Hindi ako pwede sa mga parke at baka kung ano pang mangyari sa akin. Masyado na ring malamig ang gabi para matulog roon.

Wala akong kilalang nagpaparenta ng bahay kaya wala akong pagpipilian kung hindi matulog na lang sa isang hotel.

Maraming hotel dito, some of them are five-stars. Pero dahil wala akong sapat na pera para sa mga ganoon,  at hindi rin naman kailangang matulog ako sa isang magarbong tulugan, sa isang maliit na hotel ako tumuloy.

For once I knew my decision of not giving Aling Tina all of the money felt right. Sa tingin ko ay aabot ako ng isa at dalawang linggo rito dahil bukod sa mura ang bayad, magaling akong magtipid.

Nagseserve rin sila ng pagkain, at sa tingin ko ay kakasya naman ang pera. I don't need to buy new clothes because aside from Mama's and my clothes back then, may mga damit si Kate na binigay sa akin dahil ayaw niya ang style.

Hindi man maganda ang mga binigay niya, mapapakinabangan parin.

Humiga ako sa kama at dinama ang pagkalambot nito. Matagal na nang huli akong nahiga sa kama, at yun ay noong nahiga ako sa kama ni Kate.

Inilagay ko ang siko ko sa mata ko, realizing how tragic my life is.

Dinaig pa ng kwento ng buhay ko ang mga napapanood sa mga reality shows. Kung ikwekwento ko ito, it will sound like it's from a movie.

Ang malala pa ay hindi ko alam kung kailan matatapos ang pagiging miserable ko.

Bumuntong hininga ako sa sobrang lungkot, naubos na rin lahat ng luha.

Ramdam ko ang pagod sa buong sistema ko pero pinilit ko paring tumayo at maligo, this day is one of the worst. I don't think a book will be enough kung ililista ko lahat ng kamalasan ko.

Nahimasmasan ako kaagad pagdampi pa lang ng tubig sa balat ko.

Then all the memories came flooding back, umagos ang luha ko kasabay ng tubig.

Kahit na wala akong lulutuan bukas, maaga pa rin akong gumising. Hindi muna tumawag ng pagkain at inipon ang perang magagasta para sa pamasahe ko mamaya.

I wore a turtle neck cream colored sweater, tucked in in my high waisted white pants, at nagsuot ng two inches black heels.

Inilugay ko ang maliit na buhok ko dahil wala naman akong alam gawin doon. Pinunasan ko ang salamin ko bago iyon isinuot.

I don't have make up but with my natural long lashes, well shaped nose, thin lips and flawless skin, hindi ko na kailangan iyon. I licked my lips for it to appear pinker at ngumiti sa salamin.

"Good morning, I'm Severaughn De Silva, 21."

Tinanggal ko ang salamin at marahan na tinapik tapik ang mata ko. It's a bit swollen dahil sa kaiiyak kagabi.

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon