XXVIII

322 26 0
                                    

"Now tell me what happened." Ashley ordered.

Alam kong hindi siya titigil hanggat hindi ko sinasabi ang totoong nangyari. Unlike most people she won't accept the answer 'I'm okay, nothing's wrong' nor the 'Can we talk about this tomorrow rather than tonight?'

Dahil wala na rin naman akong kailangang ilihim, dahil naibunyag ko na ang lahat, I told her.

I need the protection of other people, and I know that's the most selfish thing. Pero hindi ko pwedeng hayaan ang lahat sa sarili ko, just like what I did for the past six years.

I hate to admit it, pero ayoko pang mamatay. Hindi ngayong hindi pa nakukuha ni Mama ang hustisya na nararapat sa kanya.

"Wow. Just wow." umupo si Ashley sa harap ko.

Nasa bahay niya kami ngayon. Sakto lang ang laki ng bahay niya, siya lang naman ang nakatira dito.

Her house is really warm and cozy. Cream colored ang mga dingding niya, at halos lahat ng gamit ay kung hindi dark, light colored.

"I know." mapait akong ngumiti.

Nakasuot na kami ng pantulog, pinahiraman niya muna ako dahil nga sa naiwan lahat ng gamit ko sa Laoag.

She's wearing blue pajamas, prefering it more than nightdresses. Mine is green.

"Nakakatawa ka ng normal, nakakapagisip, nakakainis ka rin minsan sa pagbabawal mo, then you're telling me na ganoon ang pinagdaanan mo?" napasapo siya sa noo niya.

Napangiti ako sa reaksyon niya. I am thankful for her in times like this, when it seems like it's all sadness and sorrow, nakakatawa parin.

"Alam ko." I answered.

"Oh my God. I can't believe it! At hindi ka pa talaga nagisip na magsabi sa pulis?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Umiling ako, "I don't have evidences. At sigurado akong bago pa maintindihan ng mga pulis ang kaso ko ay baka patay na ako."

And that's true. Naisip ko nang una na kung may makakatulong man sa akin sa sitwasyon ko, ang mga pulis iyon.

But then I was in Baguio, at wala pa akong mga ebidensya sa paratang ko. I bet they'll just think I'm crazy. At malalaman nila na nasa Baguio ako, then the run-and-hide thing I'm doing will be blown up.

"Then let's get back to Laoag and kill them ourselves!" she exclaimed.

Umiling ulit ako, knowing our chances are low.

"Madudungisan lang ang pangalan mo. At sigurado akong may mga nakabantay na sa bukana palang ng resort. Besides, sa kanila iyon."

Irinolyo niya ang mata niya, "Duh. Then we'll go undercover."

Tumawa na ako, it felt like I returned moments ago, noong wala pa akong inaalala.

"I thought I can finally forget." nanlulumo kong sabi. I can feel the tears stinging my eyes again.

"You can. Hindi na sila lalapit sa'yo. I won't let them." I can hear the finality in her voice.

Bumuntong hininga ako, "I just hope so."

"Thank you Ashley." I sincerely said.

"Payag ka? Na magunder cover tayo?"

I rolled my eyes. "Hindi yun. Thank you kasi nandiyan ka."

"Psh," she scoffed. "Akala ko ano na, yun lang pala. Baka magbago isip mo sa undercover oh."

Bumuntong hininga nalang ako at lumapit sa kanya. Yinakap ko siya nang mahigpit. I felt her stiffened, nagulat sa yakap ko.

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDWhere stories live. Discover now