XXIX

318 25 0
                                    

I hugged my knees as I stare at the card above the table.

One o'clock na pero hindi pa rin ako makatulog. My mind is hunted by everything that is happening in my life.

They can't expect me to just forget all my beliefs and hatred tapos pupunta sa kanila at tatanggapin lahat ng sasabihin nila.

Pero hindi naman sinabi ni Krysthel na kailangan kong tanggapin. But it'll all go down to that.

Kahit na hindi ko tatanggapin ang sasabihin nila, alam kong magugulo lang ang isiapan ko. And I won't know what to believe, my truth or theirs.

Or what if it's a trap? Para manipulahin ang isipan ko? To make me believe na hindi sila ang may kasalanan kahit sila naman.

But then, what if hindi nga talaga sila? Kahit saan tignan, wala akong makitang dahilan kung bakit nila pinatay si Mama.

Napasabunot ako sa buhok ko. This is the result of watching too much horror movies. Sa ngayon nga lang totohanan na, at hindi ko alam kung anong totoo.

Just hear them out, right? Sasamahan naman ako ni Ashley, at kung gusto ko, pwede kaming magdala ng mga pulis.

"Veraughn?"

Napalingon ako sa pintuan ng isa pang kwarto. Kinukusot ni Ashley ang mga mata niya habang isinasara ang pinto. Lumapit siya sa akin.

"Bakit gising ka pa?" humikab siya.

"Hindi ako makatulog." simpleng sagot ko.

Umupo siya sa tabi ko at inilagay rin ang paa sa sofa.

"Bakit?" ipinatong niya ang ulo niya sa dulo ng inuupuan.

Nakatingala ang mukha niya at kasalukuyang nakapikit ang mga mata niya.

"Pahiram nga ng cellphone mo Ash."

Her eyes snapped open. Umupo siya at tumingin sa akin.

"You're gonna call the girl?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumango na lang ako. Hindi pa sigurado kung ano ba ang dapat na gawin.

Tumayo siya at nagmadaling pumasok sa kwarto. Lumabas siya hawak hawak ang telepono niya.

Inilahad niya iyon sa harapan ko. I can see excitement and eagerness on her face habang hinihintay niyang kunin ko iyon.

Ilang saglit pa at naitype ko na ang numero. My thumb is suspended in the air, hesitating to press the call button.

"Who's that girl anyway?"

Nakahinga ako ng maluwag nang nagsalita si Ashley. Now I'll have time to think as I answer her question.

"Si Krysthel?" I asked.

"Whatever her name is." she answered.

Tumango ako bago sumagot.

"She's my best friend since high school. Silang dalawa nung... kapatid ni Therence." tumikhim ako.

I told her all about Krysthel. Natatawa sa pagalala ng mga nagawa naming kalokohan noon.

The times we laughed, we cried, we travelled, we fought. Lahat yun kwinento ko hindi dahil pinapakwento ni Ashley kundi dahil gusto kong alalahanin lahat.

"At ngayon kasama siya ng mga nagtatangkang pumatay sa akin." napawi ang ngiti ko.

Six years have passed, ngayon ko lang ulit nakita si Thel, tapos nagsigawan pa kami.

"O hindi." she said.

"O hindi." sangayon ko.

Nanatili kaming nakatingin sa kawalan. We let the silence reign between us.

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDWhere stories live. Discover now