X

353 46 2
                                    

"Huy! Anong ginagawa mo riyan?", tanong sa akin ni Krysthel nang nakita niya akong naglalakad patungo sa paaralan namin.

Kung paano niya ako nahanap, o paano siya napadpad rito, ay hindi ko na alam. I silently went inside her car.

"Okay ka lang?", she held my shoulder. I'm aware na nakabusangot ako ngayon dahil na rin hindi maganda ang tungo ng araw ko ngayon.

Umiling ako. There's also no point lying to Krysthel dahil halata namang hindi ako okay.

She pat my shoulder, "Bakit?".

And I told her the story. Para akong nabunutan ng tinik pagkatapos kong ikwento sa kanya ang sama ng loob ko.

"I know her. Daddy once mentioned her, magaling raw na architect. I also don't like her kahit hindi ko pa siya na meet", sabi niya.

We are heading to Krysthel's house, dahil na rin wala siyang kasama.

"At tama nga ang hinala ko. Hindi siya kasing bait ng tulad ng definition ni Daddy.  Or maybe she's kind to boys and men only", patuloy niyang sabi.

Pumasok kami sa gate nila na binuksan ng isa sa mga gwardya. Their mansion is also big. Marami ring mga kasambahay at gwardyang naglalakad lakad.

She parked her car in her own parking lot bago kami bumaba. Pumunta agad kami sa kwarto niya.

Nagtungo siya sa desktop niya habang ako naupo sa kama niya. I've been here a lot of times, dito kasi kami palagi kapag nagaaway sila ni Xekiel.

I remembered Krysthel always punch the teddy bear Xekiel gave us both each, kapag galit siya sa kanya. Sabi niya may connection raw iyon kay Xekiel kaya at some point, mararamdaman niya ang suntok.

"Ohh, Nadiah Pierre Smithfield, ang pangit ng apelyedo niya", bungisngis ni Krysthel habang nakatingin sa screen ng computer niya.

Pumunta ako sa tabi niya at nakitang inistalk niya si Nadiah sa mga accounts niya sa social media.

"Working under Gonzalez Group of Companies", sabi niya. "Totoo nga ang sinabi sa iyo nung kuya ni Xekiel. Wala namang sinabing nasa relasyon siya. Oh, shoot, wala akong makitang mga pictures niya, naka private siya".

I looked at her picture above her name, written in the screen. I can't believe she unleashed so many insecurities in me.

I sighed, "Hayaan mo na yan".

"I should be the one saying na hayaan mo na. You're sad because you grow fond of Xekiel's kuya, I understand.", I flinched at what she said. "I do not blame you, gwapo siya. And sinong nagsabi na hindi mo siya pwedeng magustuhan, right? At maari ring gusto ka niya base on your stories, pinatulog ka pa nga sa bahay niya".

I groaned, "Hindi ko alam. He's giving mixed signals. Or ako lang siguro ang nagbibigay ng meaning sa mga simpleng bagay na ginagawa niya".

Naglakad ako pabalik sa kama niya.

"Then why did he told you na walang sila nung Nadiah na iyon?", hinarap niya ako.

I groaned again, "What if he's lying? Nandoon si Nadiah kanina, at nanggaling na mismo sa kanya ang katotohanan".

Tumayo siya at naglakad palapit sa akin.

"What if he's telling the truth? And that Nadiah girl is the one who's lying?", kontra niya.

Umupo siya sa tabi ko.

"Hindi ko alam. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ano ngayon kung sila nga diba?", I groaned once again.

Iritado niyang tinapik ang noo ko, "Will you stop groaning? Walang mali sa magkagusto, I tell you. At kung merong mang nagkasala sa inyo, it's either him or that Nadiah".

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDWhere stories live. Discover now