VI

389 62 5
                                    

The dream was blurry and all, pero sigurado akong siya ang napanaginipan ko base on his voice.

"Clean that mess", I remembered him saying in my dream. "That's what you deserve because that is your nature you filthy maid".

Tsaka ko lang narealize nang nagising ako kinaumagahan na hindi pala iyon panaginip kundi bangungot.

Though the dream is slowly drifting away leaving me  with only patches of it, alam ko ang punto nito. Yun ay tungkol sa hindi niya pagkaiba sa karamihan ng tao.

Therence see me as a servant who does everything he wanted dahil yun ang dapat kung gawin. I do not dwell on these things too much even though totoo. But the dream made me want to cry so bad just because of my station in life.

Pero sabi ni Mama ay hindi kami mahirap dati. Hindi rin naman kasing yaman nina Krysthel o ng mga Gonzalez pero kaya naming kumain nang hindi nagpapaalipin sa ibang tao. Unlike now.

Yun ay dahil isang doktor ang Papa ko. Kwento ni Mama na hindi lang siya basta bastang doktor, he has talents wanted worldwide na halos minsanan lang siya makauwi. I remember only some of him dahil bata pa ako noon.

It all changed when that terrifying day happened. I was only six years old back then. Two months na hindi umuuwi si Papa pero dahil hindi na bago iyon ay hindi namin inisip na nakakaalarma iyon.

Then the news came pouring like rain. Sa TV nila ibinalita and Mama said she thought she was just hallucinating so she went to the only people she knew. The Gonzalez.

Yun ang dahilan kung bakit malapit kami sa mga Gonzalez. Papa and Doc. Renzo are colleagues and best friends. They worked abroad together, the did things almost together. Naging malapit rin si Mama kay Tita Martha dahil doon. And of course me and Xekiel.

Turns out na wala ring alam sina Doc. Renzo, dahil nakabakasyon siya sa mga araw na iyon. But being my father's friend he did everything to know the truth.

Namatay si Papa sa isang sunog sa ospital sa Malaysia, kung saan siya nakadestino para sa isang programang inilaulaunch nila. Mama was devastated that time, and me being six years old cried too everytime Mama cried.

The Gonzalez was with us hanggang sa pamamaalam namin kay Papa. Hindi kami naglibing dahil nga nasunog ang katawan niya. But we did silent prayers and cries para sa pumanaw na miyembro ng pamilya.

Akala namin na wala ng lalala sa sitwasyon namin noon. But the day after ng pamamaalam, many people came to our house. Pero hindi sila pumunta para makidalo, but they came claiming that my father has unpaid debts to them.

"Alam kong hindi niya magagawa iyon", sabi ni Mama nang ikinuwento niya sa akin.

Pero dahil salita at paniniwala lang ang laban ni Mama sa mga taong may ipinapakitang mga papel na may sign ni Papa, napilitan siyang magbayad.

She gave up her business, sold all her stocks, took all her savings and paid for it. Pero hindi parin iyon sapat sa napakalaking utang ni Papa. Kaya napilitan kaming ibigay ang bahay at lupa.

The Gonzalez tried to persuade Mama na sila na ang magbabayad ng mga utang ni Papa,  pero tinanggihan iyon ni Mama. She said na marami nang naitulong at marami pang itutulong ang mga Gonzalez, at ayaw niya na isa sa mga iyon ang mga pagkakamali ni Papa. Most of his debts are because of him losing bets.

Tita Martha said na bukas ang bahay nila para sa amin, but again Mama turned her down and asked for a job instead. Dahil sa kabaitan nila, they were willing to give Mama a place in one of their company.

Pero mas ginusto ni Mama na maging isang kasambahay ng mga Gonzalez.

"Yun lamang ang natatanging paraan na alam ko para maibalik natin ang kanilang kabutihan, by serving them", Mama said.

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDWhere stories live. Discover now