XXIV

289 29 0
                                    

"Anong lugar po ito?"

Kanina pa ako nagdadalawang isip kung magtatanong ba o hindi. Nang wala na talaga akong pagasang malaman ang lugar na ito ay nagtanong na ako sa nagtitinda ng mga itlog.

"Laoag Ma'am. Itlog pogo po?" inilahad ng babae ang laman ng timba niya.

Umiling ako agad. "Hindi po ito ang Ilocos Norte?"

Napatawa ang babae sa pagkaignorante ko.

"Ilocos na po ito. Nasa Laoag City na po kayo." sagot ng babae bago bumaling sa mga iba para bentahan.

Napawi ang pagkaalarma ko. So I'm in Ilocos.

Maraming mga sasakyan ang nagdaraan, mga taong naglalakad at mga buildings na nagkalat.

Parang Baguio rin pero mas mainit. Namumuo na ang mga pawis sa noo ko dahil naka sweater pa ako.

How am I supposed to find the house?

I guess wala na akong ibang choice kung hindi maglakad na lang hanggang sa makahanap ng sagot.

I suddenly felt worried na baka hindi tama ang naging desisyon ko na pagpunta rito.

"Veraughn?" napabaling ako kaagad sa pinagmulan ng boses.

Nanlaki ang mata ko nang nakita si Ashley na may karga ring malaking bag.

"Ikaw nga! Akala ko naduduling lang ako," tawa niya. "Bakit ka nandito?"

"May hinahanap lang," I simply said.

Tumango tango siya, "Sino?"

I raise a brow at her.

"Bahay ang hinahanap ko, hindi tao."

Tumawa siya at inayos ang bag niya.

"May sira yata ang isip ko eh." tinapik niya ang ulo niya.

I was gonna agree when she talked again.

"Saan ba? Dito sa Laoag?"

Nabigla ako, "Taga dito ka?"

Nagsimula siyang maglakad at sinundan ko siya, nangangailangan ng mga sagot.

"Sa Laoag? Hindi. Sa Pagudpud ako nakatira," sagot niya.

Tumingin siya sa daanan bago namin iyon tinahak.

"Ilocos rin yun?" naguguluhan kong tanong.

Tumango siya, "Oo. Ikaw saan ka ba papunta?"

"Hindi ko alam." I honestly answered.

Napatigil siya sa paglalakad at ganoon din ako. Hinarap niya ako, nagtatanong ang mga mata.

"You must be kidding me." she shot a brow.

Umiling ako at napahiyang ngumiti. Sabi ko na nga bang mali ang desisyon kong ito.

"Bakit ka pumunta dito kung ganoon?" hindi makapaniwala niyang tanong.

"May hinahanap nga akong bahay."

Nagsimula ulit kaming maglakad, naiinitan na sa mainit na panahon.

"Saan ba yan?" tumitingin tingin sa paligid niyang tanong.

"Hindi ko rin alam kung saan."

Napatigil na naman siya.

"Diyos por Santo. Himala at kilala mo pa ako," hinawakan niya ang dibdib niya na parang nabiyayaan ng magandang regalo.

I rolled my eyes, "Hindi na nga eh. Sino ka ulit?"

She laughed at my sarcasm.

"Paano mo malalaman kung saan kung hindi mo alam?" pumasok kami sa isang sa tingin ko ay mall at parang doon lang ako nakasinghap ng totoong hangin.

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDWhere stories live. Discover now