IX

361 54 3
                                    

Ihinatid niya ako sa paaralan nang nag alas syete y media na. I was little bit late pero wala pa naman ang guro namin nang pumasok ako.

Our first period is Basic Nutrition, may isang oras  pa akong mag review para sa Pharmacology. Pinilit ko munang isantabi ang isiping nasa ospital parin si Mama. I just assured myself na magiging okay rin siya and the Gonzalez are taking very good care of her.

Natulog ako sa bahay ni Therence kagabi. Though the mattress and all looks very comforting, hindi parin ako nakatulog ng mahimbing, that's why hindi ako nagising ng maaga.

Nang natapos ang unang subject ko ay dali dali kong binuklat ang libro habang patungo sa Pharma class ko.

May mga nasagutan ko na sigurado ko ay tama, may mga hindi ko maalala ang sagot, may mga sigurado rin akong hindi ko nabasa. Pero naging maganda naman ang patutunguhan ng araw.

I even forgot about Krysthel because of the test. Nakita ko siya palabas rin ng building nila nang papunta na ako sa cafeteria.

"Krysthel!", tawag ko sa kanya. Liningon niya agad ako at naglakad patungo sa akin.

We walked together, "Sa labas tayo kakain ngayon".

At dahil wala na rin naman akong ibang inaalala kundi ang Pharma lang sa araw na ito, pumayag ako.

We went to a nearby restaurant, ang pinuntahan namin sa unang araw namin sa paaralan. Kumuha kami ng upuan sa malapit sa bintana at nagorder na.

"Ngayon sagutin mo kung bakit mo ako pinaghintay sa labas ng bahay niyo kaninang umaga at kung bakit late ka dumating?", tanong niya nang nakaupo na kami ng maayos.

"Hindi naman ako sa bahay natulog kagabi", I casually answered.

Tinignan niya ako ng mapanghusga, "And where did you sleep yesterday's night?".

"Sa bahay ng kuya ni Xekiel", muli at casual akong sumagot.

She gasped, her hands covering her mouth. "Don't tell me! Oh my God. Are you and Xekiel's kuya?".

Tumawa ako sa reaksyon niya. "Hindi. Kinailangan kong matulog doon dahil nasa ospital si Mama".

Ibinaba niya ang mga kamay niya pero totoo na ang gulat sa mga mata niya.

"Anong nangyari kay Tita Remy?", si Krysthel.

I sighed, "Nag ka heart attack si Mama. Kaya siya nasa ospital ng mga Gonzalez ngayon".

"I'm sorry Roxette", sinserong sabi niya at nginitian ko siya. "Is she okay, then?".

Tumango ako, "Magiging okay naman raw, though hindi pa siya nagigising naniniwala ako kay Doc. Renzo".

She mumbled sorry again pero sinabi kong okay lang. Our food came and we started eating.

"So, totoo pala ang sinasabi nung babae sa baba ng bahay niyo, kung ganoon", sabi niya.

Nagtatanong ko siyang tinignan, "Sinong babae?".

Tumingin siya sa pagkain niya at tila malalim na nagisip.

"I went to your house and shouted for you, pero walang sumasagot. I thought natutulog ka pa kaya itinuloy ko ang pagsigaw", tinawanan ko siya. "Then this woman came and shouted at me too na wala raw kayo. Pero hindi ko siya pinansin, pero nang wala talagang sumasagot. I went upstairs".

Tinawanan ko ulit ang kwento niya. Napakapursigido talaga siya sa mga bagay na gusto niya.

"Tapos sinalubong ulit ako nung babae, tapos I said na gusto lang naman kitang sunduin. And she began muttering words, but she looked pissed. Akala ko pipigilan niya ako pero may kinuha siya sa loob ng isang kwarto tsaka nagmartsa papunta sa inyo".

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDWhere stories live. Discover now