XXVII

294 26 0
                                    

"Are you okay Veraughn?"

I felt a hand touched my shoulders carefully. My head immediately snapped at Louis.

"Okay ka lang?" tanong niya ulit.

Napatango ako. Natatakot na ibinalik ko ang mga mata ko sa stage. Tapos na ang pagsasayaw at inalalayan na si Kylie papunta sa upuan niya.

I convinced myself na dala lang ng pagooverthink kaya ako nakakakita ng mga bagay bagay, or baka kahawig lang niya. Pero nasa harapan parin siya, kinakausap si Kylie.

Katapusan ko na ba ito? Papatayin na ba nila ako? I looked around, tinitignan kung baka nandito ang ibang mga Gonzalez.

How did they find me? Kilala ba nila si Mayor? Kilala ba sila ni Mayor? Pero wala akong nakitang Gonzalez sa guestlist.

Gusto kong matawa sa katangahan ko. Of course, maari nilang sinabi kay Mayor na hindi nila sinabi na mga Gonzalez sila. Or maybe they said na hindi sila dadalo but then they came knowing na kasama ako ni Mayor.

Ang dami nang pumapasok sa isipan ko na sa tingin ko ay konti nalang at sasabog na ito. They finally found me, katapusan ko na ba ito?

"Mayor." I managed to squeak nang lumapit si Mayor sa banda namin.

Tumingin siya sa akin, "Veraughn. Okay ka lang ba?"

Ang mga ngiti sa mga mata niya ay napalitan ng pagaalala.

"Namumutla ka." lumapit siya ng tuluyan sa akin.

"I agree Veraughn. Parang hindi ka nga okay." sangayon ni Louis.

Umiling ako. "Okay lang po ako."

"May kailangan ka ba? Tubig? Pagkain?" tanong ni Mayor.

"Sino... Sino po yung huling nagsayaw kay Kylie?" I hesitantly asked.

Wala na siya sa stage kaya nababahala akong tumingin tingin sa paligid, baka nasa malapit na siya.

"Zetherence?"

That confirmation crushed the little hope I am holding. The little hope that believes na hindi siya iyon, na baka kamukha niya lang o halusinasyon ko lang. Pero siya nga talaga.

"Kilala niyo po ang mga Gonzalez?" I kept my voice firm para hindi iyon halatang nababasag.

"Not personally. Ngayon ko lang rin nakilala si Zetherence. Mas kilala ko ang mga pinsan niya." kwento ni Mayor.

I looked around again, pero ganoon pa rin ang paligid. Wala akong makita sa dagat ng napakaraming tao.

"Nandito ba ang mga magulang niya?"

Please say no. Please say no. Baka himatayin ako kapag nalaman kong nandito nga sila. O baka may magawa akong hindi maganda.

"Nope. Hindi sila makakadalo dahil may ginagawa sila." Mayor waved at the couple who passed us.

They're planning to kill me, yun ang ginagawa nila. Nakahinga parin ako ng maluwag nang nalamang wala sila. Naiisip ko pa lang na magkaharap kami ng mga Gonzalez makakapatay na ako, I doubt na naiiba iyon sa reyalidad.

"Wala akong nabasang Gonzalez sa guestlist Tita." Louis interfered.

"Late kasi siya. Hindi na dapat siya dadalo pero hindi ko alam kung anong nagpaiba ng isip niya. I guess his cousins pursued him."

May nagpaiba ng isip niya. Maybe he realized I'm here, and he came to finish me.

"Cousins?" interesadong tanong ni Louis.

"The Encendecias, Louis." masayang tugon ni Mayor.

The Encendecias? Kilala ang mga Encendecias, and the resort kung nasaan ako ngayon nakatapak, ay sa kanila. Ang resort na pinuntahan namin ni Mayor noon sa Pagudpud kung nasaan nakacheck in si Ashley, ay sa kanila rin.

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora