XII

325 40 0
                                    

I can still feel the excruciating pain on my arm. Pero hindi iyon matutumbasan ang kaba at pangamba na nararamdaman ko sa pagwasiwas ng baseball bat.

Hindi ko mapigilan ang isipan ko na magisip ng mga bagay na pwedeng mangyari sa akin kapag tumama iyon sa ulo ko.

I can have a concussion that can lead to brain injury, at malaki ang posibilidad nun dahil halatang malakas ang palo ng boyfriend ni Tanya.

Will I die? I sobbed, mamamatay na ako.

I kept my eyes closed, natatakot ng sobra. I thought it's just the slow motion most movies have kapag may namamatay.

Pero ang dami ko nang nasabing mga dasal sa isipan ko, wala pa ring nangyayari.

Unti unti kong binuksan ang mga mata ko. There's a blinding light at hindi agad nakapagadjust ang mga mata ko.

My hands roamed around my body, making sure na buhay pa ako.

I don't believe na kapag mamamatay ang tao ay makakakita sila ng nakakabulag na ilaw.

Pero sa tingin ko kahit ano ngayon paniniwalaan ko.

I slightly pressed my arm that got hit, naramdaman ko parin ang sakit kaya imposibleng patay na ako.

"Putang ina!", sigaw ng tao sa harap ko.

Nakataas pa ang bat niya pero hindi na sa akin nakatingin kundi sa likod niya kung nasaan ang nakakasilaw na ilaw.

Nang nakapokus na ang mata ko ay napagtanto kong ilaw iyon ng isang malaking sasakyan.

A car on the entrance where the motorcycles of the people with bats are parked. Pero wala na ang mga motorsiklo doon.

Pinasalamatan ko lahat ng kilala ko sa isip ko dahil sa pagkakataong ito alam kong hindi pa ako mamamatay.

I tried to stand properly dahil na rin halos nakaupo na ako habang nakasandal sa pader.

"Tulong", I tried to shout but only a hoarse voice came from my throat.

Pero mukhang narinig pa rin iyon ni Radcliffe dahil dali dali siyang napatingin sa akin.

He raised the bat again, "Wag kang maingay!".

I felt pain in my thighs again, I let out a cry. Mas masakit na sa pagkakataong ito. Pakiramdam ko matatanggal na ang paa ko.

Isinara ko ang mga mata ko, hindi na kaya ang sakit na nadarama. Kung ililigtas man ako ng tao sa loob ng kotse, sana naman bilisan niya.

I felt myself sitting down helplessly, hindi na kayang tumayo pa.

Humikbi ako ng malakas, hinahabol ang hininga. I can feel the tears all over my face now.

I can hear shouts and grunts from around me pero hindi ko na nagawang pagtuunan ng pansin dahil sa sakit sa braso at paa ko.

Matagal pa hanggang sa natapos ang sigawan sa paligid. Pero hindi ko binuksan ang mga mata ko, natatakot na baka pagbukas ko nito isa na namang palo ang sumalubong sa akin.

Sumigaw ako nang naramdamang may humawak sa akin sa braso kung saan ako napalo. Dahil sa takot at sakit.

"Damn it", my sobs stopped at once by the voice of the man in front of me.

Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at nakita siyang nakaluhod sa harapan ko, galit ang mga mata niya.

This time I cried so hard, not just because of the pain but because of the joy, having him here.

Hindi na iniinda ang sakit sa braso ko, I wrapped my arms at him. Tears flowed to his shirt as I buried my face in his shoulder.

"It's okay. You're safe", Therence said in a husky voice.

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDOnde as histórias ganham vida. Descobre agora