XIX

316 31 0
                                    

I spent the whole day with him. Pinagpaalam niya naman ako kay Mama kaya sigurado akong hindi mababahala yun.

Hindi ko alam kung kahapon lang ba nalaman ni Mama na kami na ni Therence o noon pa, kagaya nina Tita Martha.

Hindi naman siya nagulat nang pumasok si Therence, at nakangiti pa siyang tumango nang umalis kami. I guess kinausap na siya ni Therence noon pa.

The weird thing is, hindi pa niya ako kinausap tungkol doon. Therence is my first boyfriend kaya hindi ko alam kung paano ba magrereact si Mama. Pero kahit noon pa na wala pa akong boyfriend ay kinakausap na ako tungkol sa mga bagay na dapat at hindi dapat gawin.

She's not strict, not the type na hindi ako pinapayagang umuwi ng late, o sumama sa mga pinupuntahan ni Krysthel. She's more of the advice, and she said she trusts me.

We spent the day like the usual. I avoided mentioning last night para hindi maging awkward.

"Why are you avoiding me?" bigla niyang tanong.

Papunta kami ngayon sa malapit na mall para bumili ng mga necessities. Paunti na kasi nang paunti ang stock sa kusina at sa banyo.

"Hindi kaya," I dumbly defended myself.

"You are. You won't even look straight to my eyes."

Hinawakan ko ang seat belt na nakapalupot sa katawan ko.

Bakit pa niya kailangang maramdaman?

Tumingin ako sa labas, "Wala lang."

"You're bothered." hula niya. "Are you perhaps bothered by last night?"

"Nakakabasa ka ba ng isip?"

Palagi na lang niyang nahuhulaan ang mga nasa isipan ko.

He chuckled, "Nope. You're just easy to read."

Napasimangot ako, "Is that good or bad?"

"It's good. I can easily know whether you are mad or sad. That way, I know what to do."

Tumango tango ako sa sinabi niya. For him I am an open book. I guess that's good.

"So tell me. Dahil ba kagabi kaya ka hindi mapakali?" naghanap kami ng empty space para sa parkingan.

Halos lahat na kasi ay okupado.

"Baka kasi..." I cleared my throat.

Nagisip ako ng mas magandang salita. 'Baka kasi hindi kita napaligaya?' 'Baka kasi hindi naaayon sa gusto mo ang ginawa ko?'

"I'm just wondering whether I did good last night or not," finally I managed to say.

Tumigil ang makina ng kotse nang nakahanap kami ng parking spot. He laughed.

Tumingin ako sa labas, iritado.

"Tinanong mo pa, tatawanan mo lang rin naman."

I saw in my peripheral vision that he faced me.

"You weren't just good. You're the best." he said still grinning.

I scoffed, expecting na pambobola lang lahat ng iyon.

"I've never experienced the pleasure you brought to me." he added.

Naramdaman ko ang paginit ng mukha ko, siguradong namumula na naman ako.

We bought so many things. Mga sangkap ng iba't ibang lutuin, mga toiletries, at mga ready made snacks.

He thought about watching cinema, pero tumanggi ako at ipinilit na sa bahay nalang niya kami manunuod. He didn't argue so we went home.

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDWhere stories live. Discover now