XIII

353 38 7
                                    

"I'm going to Singapore tomorrow for the postponed project", inianunsyo niya nang tumila na ang ulan.

Nasa labas na kami ngayon, checking the garden. I felt sad at that news.

"I'll let you take care of the house. Come here if you want. I have internet connection, you can use it by calling me."

I felt ease because of that, "Matagal ka ba doon?"

"Two weeks. I'll make it as fast as possible to come home early", tumalikod ako para itago ang ngiti.

I went home late, nagalit si Mama dahil hindi daw dapat ako lumabas sa bahay ngayong nagpapagaling pa ako.

Pero mabilisan rin ang sermon niya sapagkat umakyat kasama ko si Therence. Instead, Mama told him about how hard my head is.

Nahihiya ako sa mga pinagkwekwento ni Mama, isinama pa niya ang mga nakakatawang pagkakamali ko nang kabataan ko pa.

"Oo, nagpaalam sila ni Xekiel na maliligo daw lang. Tapos bigla nang nagsisigaw ang kapatid mo, nalulunod na raw si Roxette. Sobra ang iyak niya noon, nang tinanong ko kung bakit kasi siya pumunta sa pool eh hindi naman niya alam lumangoy, sabi niya baka raw kasi maging sirena siya."

At tawang tawa si Mama while Therence looked really amused.

Nang gumabi na masyado ay nagdesisyon na si Therence na umuwi. Inaya siya ni Mama na magdinner muna sa amin pero tinaggihan niya dahil kailangan pa daw niyang magempake para sa flight niya bukas.

Inihatid ko siya pababa.

"Mahirap siguro ang ginagawa mo ano? Taking over at your families company at a young age."

"Hindi naman. I have cousins to help me", sagot niya. "You'll go to the house while I'm away so that I can contact you."

Inilahad niya ang cellphone na gamit niya. Umiling agad ako.

"Take it. Otherwise I won't know how you are doing while I'm away", he pushed the cellphone on my hands.

Yumuko ako, nahihiyang kailangan pa niya akong bigyan ng cellphone.

"Be safe while I'm gone", he lifted my chin and placed a peck on my forehead.

Biglang nagliwanag ang nararamdaman ko.

Lumayo siya at binuksan na ang pinto ng sasakyan niya.

"Pati ikaw", habol ko. "Mag iingat ka roon. Hihintayin kita."

Pabulong ang pagkakasabi ko sa huling mga salita.

His lips rose, "I'll be very fast then."

I swung my hand when he was already away. Hindi ko na mapigilan ang mga ngiti ko kaya nakangiti na akong umakyat.

"Mama, ako na ang maghuhugas, maglilinis ng hapag, magwawalis sa kusina at sa sala, at magluluto bukas. Imamasahe pa kita kung gusto mo Ma!"

Inilayo ni Mama ang itinatahi niya at ibinaba ang salamin nang tinignan niya ako.

"Nakahugas na ako dahil ang tagal mo, sige magwalis ka. Hindi ka makakaluto bukas dahil may pasok ka at sigurado akong hindi ka na naman gigising ng maaga. At wag mo na akong imasahe, hindi ka marunong", ibinalik niya ulit at salamin niya at ipinagpatuloy ang pagtatahi.

Napasimangot ako sa tugon ni Mama. Pero nang tumalikod na para kunin ang walis ay nangiti na naman ako.

Paniguradong masaya ang panaginip ko ngayon.

At naging totoo nga, wala akong napanaginipan kung hindi ang nangyari sa araw na ito.

I woke up early at the morning para ipakita kay Mama na kaya kong gumising ng maaga pero nakaluto na siya nang magising ako.

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDWhere stories live. Discover now