XXXII

343 25 0
                                    

Akala ko magigising ako na mabigat ang katawan tsaka masakit ang ulo, pero hindi. At laking pasasalamat ko sa malakas na resistenya dahil doon.

Ayokong pumasok sa trabaho na may sakit.

Tumigil na ang ulan pero makulimlim parin.

Pumasok pa rin ako sa trabaho at nadatnang nakabalik na si Mayor.

"Ayy, tapos na! Atlast!" napabaling ako kay Mayor na naguunat.

"Halika Veraughn, kain tayo!" masayang sabi ni Mayor.

Tinitigan ko siya, "Bakit ang saya mo naman yata Mayor?"

"May schedule na tayo para sa hiking!"

Umaliwalas rin ang mukha ko.

"Talaga?" masaya kong tanong at humila ng upuan malapit sa kanya.

"Oo. Akala nga namin hindi matutuloy dahil sa pagulan, pero mabuti naman at tumigil na." ngumingiti niyang sabi.

"Kelan Mayor?" tanong ko.

"Sa Sabado." sagot niya.

Tumayo siya at kinuha ang susi niya. Napatingin rin ako sa relo ko, isinuot ko kaninang umaga.

"Halika na, kakain tayo bago kita ihatid pauwi."

At sabay kaming lumabas. I can't help. but be happy na dalawang araw na lang at maghihiking na kami.

Sa napakaraming gubat dito sa amin, hindi pa ako nakapunta kahit sa isa man lang. So I'm excited.

Wala si Louis ngayon at hindi ko pa napasalamatan kahapon. May trabaho siya.

"Tanungin mo nga si Ashley kung sasama ba siya." sabi ni Mayor nang nakaupo na kami.

Inilabas ko ang cellphone ko at itinext si Ash.

Ako:

Huy, maghihiking kami sa Sabado. Sama ka?

Ilang saglit pa at nagreply siya.

Ashley:

Di ba pwedeng ipostpone? Nasa Boracay ako ngayon eh.

Ako:

Hindi pwede. Anong ginagawa mo diyan?

Dumating ang order namin. Pizzas and fries. Sobrang hilig ni Mayor sa mga ganitong mga pagkain. Since hapon na rin naman ay pumayag na akong iyon lamang ang kainin namin.

Baka madatnan ko nalang ang sarili ko isang araw na mawawalan na ng sigla dahil sa mga junk foods na ito.

Ashley:

Bakasyon daw sabi ni Marco. Sayang naman, sinong kasama mo?

Mabilis akong nagtipa ng sagot.

Ako:

Sina Mayor at yung team niya. Enjoy diyan.

"Anong sabi?" tanong ni Mayor.

Ibinaba ko ang cellphone at kumuha ng isang piraso ng fries.

"Di daw makakasama, nasa Boracay kasama nung nobyo niya."

Tumango si Mayor, naiintindihan na hindi makakasama si Ash.

"Eh yung kaibigan mo?"

Kinuha ko ulit ang cellphone at tinanong si Krysthel.

Krysthel:

Sorry Rox, nasa Manila kami ngayon. Daddy wants us here for a family meeting. Next time nalang pagbalik namin diyan.

Nagreply ako na okay lang at naiintindihan ko.

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon