XXXI

344 23 0
                                    

Inayos ko ang buhok ko pati na ang damit ko. I'm wearing a light pink long sleeve na may mga maliit na bulaklak.

Disappointed, I look down at my shoes. May mga tumalsik na putik sa sapatos ko. Iritadong sinipa ko ang hangin nagbabakasakaling matanggal sila.

The weather back home is good, makulimlim pero hindi rumaragasa ang ulan kagaya dito. I'm in Pagudpud, at nagcommute pa ako papunta dito, ayaw nang makaabala.

Pumasok na ako sa resort. Kahit na malakas ang ulan ay marami pa ring tao sa loob. Wala nga lang naliligo sa dagat dahil malalakas ang alon.

Karamihan ay nasa restaurant at sa mga pools.

Lumapit ako sa receptionist at nagtanong.

"May nakacheck in po bang ang pangalan ay Zetherence Gonzalez?"

Hindi na nagatubiling hinanap ng receptionist ang pangalan niya sa logs nila.

"Meron po Ma'am." she confidently answered.

Kilalang kilala ah. Baka isa ito sa mga chix niya?

Biglang nagbago ang pananaw ko sa babaeng nakatayo sa harapan ko.

"Okay." iritadong sabi ko at naglakad paalis.

Nang napagtantong hindi ko pala natanong ang room niya ay bumalik ako.

"Room 356 po." nakangiti niyang sagot.

Kabisadong kabisado? Naiimagine ko nang pumupunta doon ang babaeng ito kapag free time niya.

Iwinaksi ko kaagad iyon. Maglalakad na sana ako paalis ulit pero anong gagawin ko kapag umakyat ako sa room niya?

I stared at the small envelope on my palm. Baka sabihin niyang napakababaw ng rason ko para gisingin o isturbuhin siya.

I looked at the girl one last time and sighed.

"Pwedeng pakibigay ito sa kanya? I'm in a hurry kasi." I lied.

Kung maliwanag na kanina ang mukha ng babae, mas nagliwanag pa ngayon.

"Yes Ma'am." she eagerly said.

Nagdalawang isip pa ako bago ibigay sa kanya ang envelope. Iritadong naglakad ako paalis.

She didn't do anything to me, she's actually very polite, pero naiirita ako sa kanya. Naalala ko tuloy si Krysthel, siya yung palaging naiirita eh.

"Aray!"

Napaupo ako. I can feel the pain in my buttocks. Wala na bang ikamamalas ng araw na ito?

I looked up, tinignan kung sino ang nakabunggo sa akin, o sino ang nabunggo ko.

Nanlaki ang mata ko nang nakita si Xekiel nagbago rin ang ekspresyon nang makita ako.

"Roxette?" hindi makapaniwala niyang tanong.

He held out a hand and I took it. Nawala bigla ang sakit sa pagkakabunggo dahil sa gulat.

"Xekiel." hindi rin makapaniwalang tanong ko.

Like Krysthel, I must admit na namiss ko siya.

Wala nang pagaalin langang tumakbo ako papunta sa kanya at yinakap siya.

I tried to express from my hug how I missed him, how sorry I am for hating him, and how it never occurred to me na hanapin siya nang nalamang wala talaga silang kasalanan.

He patted my back, I hugged him tighter.

"I missed you Xekiel." I whispered.

"Namiss rin kita Rox." he answered back.

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon