IV

447 66 6
                                    

Maaga akong gumising kinabukasan. Hindi ko minadaling magayos. Wala pa namang sinabing oras sa pagpunta ko roon. Masyado kaya akong maaga o kanina pa sana?

Bahala na. Kasalanan na nila iyon dahil address lang naman ang sinabi. And when we talked, tinanong lang naman ako kung okay na ako sa araw na ito. I have a good reason kapag nagtanong siya.

This thought made me angry with myself. Kung sina Tita Martha ang pagtratrabahuhan ko ngayon, hindi ako magiisip ng ganito. But because I'm gonna work at Xekiel's brother's house I'm beginning to think such things.

Isa pa I'm always calling him Xekiel's brother, na parang he's nothing more than being Xekiel's brother.

Pero ano nga bang pangalan niya? I can't remember, really.

"Mama." tawag ko kay Mama habang naghahanda na papunta sa mansyon.

Tumingin siya sa akin at itinaas ang kanyang kilay, hinihintay ang sasabihin ko.

"Ano po yung pangalan nung kuya ni Xekiel?" pasimpleng tanong ko.

Wala namang angal si Mama nang sinabi ni Tita Martha na sa iba ako magtratrabaho. She trusts him like how he trusts Xekiel.

Kailangan ko ring alamin ang pangalan ng magiging boss ko. Or so I think.

Kahit na wala siya sa mga araw na magtratrabo ako roon, mabuti nang alam ko at baka may kumatok sa pinto o tumawag, hindi ko alam kung anong sasabihin, dahil hindi ko alam ang may ari.

Inayos ni Mama ang tali ng buhok niya, "Zetherence Clyde ata buo niyang pangalan. Therence lang naman ang tawag sa kanya nina Martha at Renzo."

Therence pala. Bigla kong naalala ang tawag sa kanya ni Tita Martha noong kumain sila roon.

"Bakit hindi ka pa naghahanda?" tumayo ako para maghanda na, sasabay na ako kay Mama palabas.

Mas malapit ang bahay niya kumpara sa mansyon akaya mas nauna akong bumaba kesa Mama.

Hawak hawak ko pa rin ang papel na binigay ni Tita Martha, kung saan nakasulat ang address. Ilang beses ko itong binasa habang tumitingin tingin sa paligid. Baka mamaya mali ang basa ko at hindi rito.

Pero nang may tumugma sa nakasulat ay nawala lahat ang pagaalala ko. Isang malaking bahay ang tumambad sa akin. Hindi kasing laki ng mansyon nila pero malaki pa rin para sa isa lang na nakatira.

O baka naman bahay nila nung nobya niya?

Siguro, dahil bakit may bahay siya rito kung ngayon lang siya? Pero mayaman sila kaya walang imposible.

Lumapit ako sa gate at ipinindot na ang doorbell niya. Sabi ni Tita Martha, may trabaho pa rin siya sa mga araw na ito, paano na kung wala siya? Nag doorbell ulit ako nang walang nangyari sa una.

Magdodoor bell na sana ako ulit nang biglang bumukas ang gate. Nagdalawang isip pa ako bago pumasok, pero pumasok rin.

Two story and bahay niya, cream painted lahat, with red roof. May sasakyang nakaparke sa garahe sa left side lang ng bahay niya. Yun lang ang nasa labas, wala ni isang halaman.

His house is as scary as he is. Parang walang buhay nga eh. Papasok na sana ako sa terrace, pero naalala kong nakasapatos pala ako.

I bowed to remove my shoes thinking I'll just mess his house if I go inside wearing it.

Gaya ng lahat ng gamit ko, luma na ang sapatos ko. Naaalala ko binili pa ito ni Mama sa ukay-ukay nang nasa second year high-school ako.

Nang natanggal ko na ay itinulak ko ito sa gilid para hindi masyadong halata.

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDWhere stories live. Discover now