XX

320 30 0
                                    

Days passed and classes returned. Wala na akong narinig tungkol kay Nadiah. All I know is that she's still working under the Gonzalez's.

Sa tuwing magkasama naman kami ni Therence I would always forget about asking him, too much preoccupied by the moment. But I prefer it that way, I just hope Nadiah understands us.

"Magda date ba kayo ng boyfriend mo Roxette?" tanong ni Krysthel.

Nasa isang shoe store kami ngayon, kailangan raw niyang bumili ng sapatos para bukas, which is the fourteenth of February.

"Siguro? Sabado naman kaya sigurado akong magsasama kami."

She rolled her eyes, "Magisa na naman ako, ganoon?"

"Bakit? Wala ka bang kadate?"

"Sa tingin mo?" sarkastiko niyang tanong.

"Bakit kailangan mo pang bumili ng bagong sapatos kung ganoon?" I curiously asked.

Itinaas niya ang isang sapatos, "It's a self treat. Tutal wala namang magreregalo sa akin bukas, ako na lang. Maganda ba?"

Tumango ako sa pinapakita niyang sapatos.

"Reregaluhan naman kita."

Ibinaba niya ang sapatos at kumuha ng iba.

"I mean boys Roxette. Tsaka aanhin ko regalo mo kung di naman kita makakasama bukas?" inis niyang sabi.

"I like that," I pointed at the shoe she's holding. "Marami diyan. Si Harry?"

Biglang umiba ang timpla ng mukha niya sa pagkakasabi ng pangalan ni Harry.

"Never mention that name," isinuot niya ang sapatos na tinuro ko.

Tumawa ako. Nalaman ko nang bagong taon na kaya pala namumugto ang mga mata niya noon ay dahil kay Harry.

She grew fond of him but discovered that he is cheating on her. And the agreement of her family and Harry's is not yet cancelled.

Hindi ko pa nakakausap si Harry dahil na rin okupado ang oras ko, at palagi akong inilalayo ni Krysthel sa kanya kapag lumalapit siya sa amin sa paaralan.

"Hindi pa kayo okay?" natatawang tanong ko.

"I don't think we will ever be," sagot niya.

Kinuha niya ang sapatos at naglakad papunta sa counter. Sumunod ako.

"Why don't you try talking to him?"

Iniabot niya ang card niya sa cashier at kinuha ang paper bag.

"I don't talk to fucking cheaters." marahas niyang sabi at lumabas na kami.

Hindi kami pumasok ngayon dahil sabi nga niya, 'Absentism is healthy'.

Hindi ko nga lang sinabi kay Mama pati narin kay Therence, dahil alam kong hindi qualified ang rason namin para magabsent.

We spent the day at the mall, then she drove me home at exactly five. Naroon na si Mama nakaupo sa harap ng mesa habang umiinom ng kape.

"Mama. Nandito na po ako," I called.

Lumapit ako sa kanya at nagmano. Nawala ang ngiti ko nang nakitang namumutla na naman si Mama.

She gave me a weak smile. Naalarma agad ako.

"Mama, okay ka lang?" hinawakan ko ang balikat niya.

Unti unti siyang tumango, "Medyo masakit lang ang ulo ko."

"Pupunta tayo sa ospital Mama," mas lalo na akong naalarma.

Umiling agad siya, "Medyo nawawala na rin naman. Itutulog ko lang ito at okay na."

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDWhere stories live. Discover now