VIII

379 54 4
                                    

"Roxette calm down", ilang ulit nang paalala sa akin ni Therence. We are heading to the hospital and I can't keep myself calm.

A whimper escaped my lips. Pinilit kong huminga ng normal pero hindi ko talaga kaya. The thought of Mama lying in a hospital bed is slowly killing me.

Napansin ko na kaninang umaga na hindi siya okay, pero I held on at the fact na magiging okay siya. It's all my fault, if only I looked at it the other way around and not being comfortable na magiging okay siya.

Another sob came from my lips as I looked outside the window panicking. Papunta na kami sa ospital kung saan naadmit si Mama, I just hope na okay siya.

Nang sinabi ni Therence na nasa ospital si Mama ay naalarma agad ako. I didn't even managed to ask him kung saang ospital. Pero dahil na rin naitawag sa kanya, there's a big possibility na nasa ospital ng mga Gonzalez si Mama.

I kept shifting on my seat hoping na makarating na kami. Hindi ko na alam kung nadudumihan ko na ang kotse ni Therence. But that the least matter for now, pwede kong linisan ito kapag nasiguro ko nang okay na si Mama.

Bumagal ang takbo ng kotse at unti unting lumiko. Nahagilap ng mga mata ko ang isang malaking sign sa building na pupuntahan namin na pagaari iyon ng mga Gonzalez.

The car halted at the open parking lot. I immediately opened the door and stepped out. Narinig ko rin ang pagsara ng pinto sa driver's seat.

May mga nakikita akong pumapasok at lumalabas sa malaking ospital. Masasabi kaya nila kung nasaan si Mama kung magtatanong ako?

When I saw a nurse, I aimed to rush towards her para magtanong. Pero may humila sa braso ko kaya ako napaatras. I turned to look, suddenly angry for stopping me.

"We'll go inside", panimula niya, "if you promise that you'll calm down".

Nalimutan kong kasama ko pala siya. The anger faded away instantly. I tried to breathe normally again.

He let go of my arm to hold my left shoulder. "Do you promise?".

Wala akong nagawa kundi tumango na lang. I'm very aware that panicking right now won't help, kaya ko pinilit ang sarili kong kumalma at inisip na lang na magiging okay rin si Mama.

He let go of my shoulder when I finally calmed down a bit. Alam ko na maghy hysteria na naman ako kapag maiisip kong nakahilata si Mama sa isang kama sa loob. So I tried so hard not think about that.

Linakad namin ang pagitan ng parking lot at entrance ng ospital. I followed him as he went towards the nurse desk.

"Where's the room of Mrs. Remy De Silva", casual na tanong niya sa nurse.

I noticed that the nurse's eyes went wide pero ilang segundo lang iyon, pero nang tumingin siya kay Therence ay nginitian niya ito ng ngiting alam kong hindi niya normal na ibinibigay sa mga nagtatanong sa kanya. It looked like a smile of a girl who wanted to flirt.

Gusto kong abutin ang ulo niya at iumpog sa matigas na bagay. She's busy making a cute face while my mother is inside for who knows why.

May binuklat siyang log book sa harapan niya at umastang nagbabasa, "Pamilya po kayo, Sir?".

"Yes", sagot ni Therence. "Can you please hurry?".

Tumango ang babae, nakangiti parin ng malawak. Hindi ko alam kung bakit pa kami nagtatanong rito kung sa kanila naman ang ospital na ito. Hindi ba niya sabihin ang pangalan niya at baka matauhan ang nurse na iyan na anak siya ng boss niya.

I suddenly felt the urge to smack them both. "Room 104, sa third floor".

He murmured his thank you at nagsimula na naman kaming lumakad. We went to the elevator at may nakasabay ring ilang mga tao, isa sa kanila ay senior at may mga tubo sa katawan, accompanied by a nurse.

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDWhere stories live. Discover now