XI

327 41 0
                                    

My head is throbbing so hard and the unnatural beating of my heart doesn't help it. 

"Oy, nandito ka rin pala?", hindi ko alam kung ano na ang mga sinasabi ko. Basta alam ko lang na nagsasalita ako.

Halos hindi ko na nga rin marinig ang mga tunog dahil may parang nagriring sa tenga ko.

Tinitigan niya lang ako na may halong galit sa mga mata niya.

Iwinagayway ko ang kamay ko sa mukha niya.

"Totoo ka ba? O imahinasyon lang kita?", hindi man lang siya kumurap.

I raised one of my fingers, and slowly poked his left cheek, dahil hindi ko naman abot ang noo niya.

Ineexpect kong tatagos o di kaya naman ay maglalaho, pero laking gulat ko nang naramdaman ko kung paano lumapit ang balat ko sa pisngi niya.

So he's real after all, "Totoo ka nga. Bakit ka nandito?".

Ibinaba ko ang kamay ko at tinignan siya, pilit na ipokus ang paningin sa kanya lang pero dala dalawa na ang nakikita ko.

"Nandito rin ba yung nobya mo?", umubo ako. "Pumunta ako sa bahay mo kanina, pero nandoon yung soon to be wife mo daw".

Umubo ulit ako, bago suminghap.

"Hindi naman sa nangingialam o naiinis ako sa inyo, kasi bagay naman kayo. Pweh", I acted like vomiting. "Sino bang niloloko ko? Hindi kayo bagay! Madaldal siya, wala kang imik. Matangkad ka, matangkad rin siya, ang pangit niyong tignan kapag magkasama. Tapos, tapos...".

Muntik akong maoff balance pero nakatayo rin, "You're drunk".

Hinawakan niya pala ang braso ko para hindi ako bumagsak. Hinila ko ito.

"I'm not druuuuuuuunk", mahaba kong sabi. "Tignan mo nga nakakapagsalita pa ako".

Hinawakan niya ulit ang braso ko, "Doesn't mean you can talk, you're not drunk. I'll take you home".

Hinila ko ulit ang kamay ko pero hindi na nagtagumpay dahil sa mariin niyang hawak.

"Doesn't mean you can talk nye nye nye nye", panggagaya ko sa sinabi niya.

Suminglot ako at tumawa.

"Pareho kayo nung nobya mo! Utos ng utos,  Nanay ko ba kayo? Wala ka sa bahay mo, kaya hindi mo ako mauutusan. Tsaka nagresign na ako", I stuck my tongue out.

Tumawa ako ulit nang maalala kong hindi niya pala alam, "Hindi ko nga pala sinasabi. Yung kasing nobya mo, may pasabi sabi pang 'He's tired because last night nye nye nye',  tse! Tinatanong ko ba kung anong nangyari sa inyo kagabi? Wala naman akong pakialam ah! Kaya sabihin mo sa nobya mo na manahinamihik siya kapag nasa harap ko".

Ipinikit ko ang mga mata ko. Gustong gusto ko nang matulog.

"Sarap ipag swap yung mukha niya kay Pennywise", bulong ko.

"Let's go home", mariin niya sabi kaya napabukas ako ng mga mata.

Anong akala niya sa akin, sasama sa kanya gayong may kinikimkim pa akong sama ng loob.

"Gets kong kayo na, pero hindi ibig sabihin nun hindi ako galit!", sumigaw ako.

Magsasalita na sana siya nang bumukas ng malakas ang pintuan.

"Roshette!", sigaw ni Krysthel na pasayaw sayaw na ang lakad. "Know what? Kitakoandsomeboy. Anong ginagawa mo sa kanya?!".

Parang bigla siyang natauhan at halos tumakbo palapit sa amin. Pilit niyang paghiwalayin ang kamay ni Therence na nakahawak sa akin at ang braso ko.

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDWhere stories live. Discover now