XXXIII

340 25 1
                                    

May naganap na bonfire at dinner para sa lahat. Ininom ko ang ipinasang tubig ni Mayor.

May tumutugtog na gitara at nagkakantahan. Sumasabay ang paa ko sa ritmo.

Ilang saglit pa at naramdaman ko ang pagbagsak ng tela sa balikat ko.

"If it isn't warm enough, we can go closer towards the fire."

Umupo si Therence sa tabi ko.

"Hindi. Okay na. Salamat." sabi ko.

I looked at the fire then to the people around us. Walang naglabas ng cellphone so the it felt like we are living during the old days.

"Let's dance," yaya niya.

"Hindi na-"

Hinila niya ako palapit sa apoy, mainit pero hindi nakakapaso. He put a hand on my waist at ang isa ay sa kamay ko.

"Hindi ko alam kung paano sumayaw." nahihiya kong sabi.

"I'll guide you." he whispered.

Napansin siguro nila ang pagsasayaw namin kaya ang ritmo ng gitara, mula sa mabilis ay naging mabagal.

Ang iba ay kumuha na ng kaniya kaniyang partner at nagsayawan na rin. I think I saw Louis holding Andrea's hand as they dance.

Si Mayor may kasayaw rin. At ang natirang nakaupo na lang ay ang naggigitara at may dalawang kumakanta. Hindi ko alam ang kanta pero pamilyar, they are singing it by their own language.

Pinaikot ako ni Therence. His grip was firm pero hindi masakit, yung tipong nagiingat.

I looked at him, tumitingala. His face is radiated by the fire and for a moment I can't believe na ang taong ito ay naging akin noon and there's a big possibility na maulit muli.

Yun ang nasa isip ko, atleast. Besides, he said he can't afford losing me again. Or am I putting too much meaning on it?

"What are you thinking?" he suddenly asked.

"Akala ko ba nababasa mo ang isipan ko?" I jest.

"Who told you that?"

"Nahalata ko lang. Kapag may iniisip kasi ako, ikaw ang nagboboses, so I think you csn read my mind." I explained.

He chuckled. "I base it all on your expression."

I looked over his shoulder. Ang lahat ay okupado na sa pagsasayaw.

"Then try and read it right now." hamon ko sa kanya.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at ibinalik ang iniisip, para maulit muli ang ekspresyon ko kanina.

When you said you are afraid to lose me again, do you want to keep me then? Like a friend, or something more?

Tinitigan niya ako. I can feel his stare bore into my soul, katulad ng palagi kong nararamdaman sa tuwing tumititig siya sa akin.

"You're confused." sabi niya.

Namangha ako. "Paano mo nalaman?"

"You're expression is just like a fine writing, madaling basahin." he proudly said.

Tumango tango ako sa kanya, namamangha sa talent na taglay niya.

The song changed and I think it's an English song this time.

"Why are you confused?" he asked.

Linaro laro ko ang daliri ko na nasa balikat niya.

"Wala lang." I lied.

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon