II

542 85 9
                                    

It's been weeks since Xekiel went away. And his presence is badly missed by me and Krysthel. Kahit na mas nagkakaintindi kami sa mas maraming bagay ni Krysthel, a thing between girls, iba pa rin 'pag meron si Xekiel.

Bukas na ang start ng klase, nakaready na rin ang mga gamit ko for my first year in college. I don't have a sibling to tell me what it's like to be college, nor a friend since Xekiel went away. Krysthel is not as much as nervous as me, she adjusts very well.

Tinatawagan rin namin si Xekiel paminsan minsan, kapag pumupunta si Krysthel sa bahay ng mga Gonzalez o nagkikita kami sa labas. He seems okay in their province, hindi niya naiintindihan masyado ang mga taga doon dahil iba ang lenguwahe nila, but he's still happy kasi nakakabonding niya ang ilang mga pinsan.

"Anak sasama ka ba?" tanong ni Mama.

She's already dressed up for work. Wala naman na akong gagawin so I nodded.

Nagcommute kami papunta sa mga Gonzalez. Pero hindi tulad ng araw araw kong punta rito, parang may mali.

I turned to Mama who's putting on an apron. Not just like most of the maid here, isa si Mama sa all around ang gawain. But the Gonzalez mostly want her in the kitchen, dahil magaling magluto si Mama. They do not hire chefs, and just eat what Mama prepares.

"Anong nangyayari Mama?" I asked, noticing that the thing that is different is that the maids and other servants are a bit enthusiastic and hype, comparing to their usual.

Naghalungkat si Mama ng mga kakailanganin niya sa pagluluto.

"Dadating ngayon ang panganay nila Doc. Renzo kaya maghahanda tayo."

Kinuha ko ang isang tray ng gulay, kumuha ng chopping board at nagsimula nang maghiwa.

"Nandito na po pala siya?" tanong ko. Huminto muna ako at itinali ang buhok ko para mas madali ang mga gawain.

Sa lawak ng lutuan nila nahihilo na si Mama sa kung saan ang mga gamit nakalagay.

"Last week pa. Naabala lang sa trabaho, kaya hindi makapunta punta rito. Buti nga pupunta na ngayon, nagsimula nang magtampo si Martha."

Nagpatuloy ako sa paghiwa ng mga gulay. Nandito na pala ang kuya ni Xekiel. Tinulungan ko si Mama pati sa pagluluto at pagpreprepera.

Tinutulungan ko si Mama para hindi siya mahirapan, pero hindi ako tumatanggap ng pera mula sa mga Gonzalez.

They insisted before, and even giving Mama more than her usual salary. Pero pareho kami ni Mama ang tumanggi. Sapat na ang mga tulong nila samin ni Mama nang nawala si Papa.

"Mama, okay lang kaya kung magtrabaho ako rito?" I asked.

College na ako at alam kong mas mahihirapan na si Mama sa ngayon. I need at least a part time job, and I know working for the Gonzalez with my Mom is the best option I have.

Tinignan ako ni Mama saglit bago ibinalik ang atensyon sa linuluto niya.

"Bakit? May gusto ka bang bilhin?"

Maraming putahe ang ipinaluto. Inabala ko ang sarili sa pagtitingin kong okay na talaga.

"Wala." I answered. "Pero kasi nasa kolehiyo na ako, mahihirapan ka sa mga gastusin."

Pinunasan ni Mama ang kamay niya sa apron. "Scholar ka naman diba? Kaya ko yun."

I know Mom will disagree lalo na at pumasa ako for the scholarship the school offered. Palagi niyang sinasabi na kaya niya, but the problem is on me.

Hindi ko na kayang isipin na hanggang ngayon kinukuha ko parin lahat ng pera para sa gastusin kay Mama. Especially now that I know I can manage some work.

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDWhere stories live. Discover now