XXVI

318 28 0
                                    

Tuesday passed like a blur.

Kapag inaasahan kong magiging mabagal ang oras, mas lalong nagiging mabilis. Kapag naman akala ko mabilis, mas lalong bumabagal.

Now it's Wednesday, nangangalahati na ang araw.

Umorder si Mayor ng maraming pizza kaninang ten, at pinakain kaming lahat. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at sinabing hindi na siya magpapakain kapag hindi naubos.

Ngayon, lahat kami ay busog na busog dahil sa pizza. Tapos ngayon nagpapasama siyang kumain sa labas.

"Anong gusto mo Veraughn?" tumitingin siya sa menu.

Wala akong pagpipilian kung hindi ang samahan siya, baka kung anong kainin niya at makasama sa kalusugan niya.

"Inumin nalang Mayor." simple kong sagot.

Hindi na siya umangal sapagkat alam niyang busog pa ako sa pinakain niya.

Habang naghihintay ng order ay tinitigan ko siya.

"Wala ka bang balak magasawa Mayor?" hindi ko mapigilang tanongin.

Napatingin siya sa akin, "Wala ka rin bang balak magasawa Veraughn?"

Nginusuan ko siya, "Wala pa sa isip ko yan Mayor."

"Wala rin sa isip ko ang magasawa Veraughn." nakangiti niyang sagot.

"Pero ayaw niyo po bang magkaanak?"I curiously asked.

Inilagay niya ang siko niya sa mesa.

"Wala. Sapat na ang pagtravel travel para mapasaya ako."

Inasahan kong ganyan na ang magiging sagot niya. Noong huli kong tinanong kung may balak ba siyang magkaanak, ang sinagot niya naman ay sapat na daw ang pagkain sa tiyan niya.

Kaya sila nagkakaintindihan ni Ashley dahil diyan. Yung 'wala nang mas hihigit pa sa mga pagkain na kakainin at lugar na pupuntahan' nila.

"Ikaw, kailan mo balak magasawa?" tanong niya sa akin.

Hindi pa sumagi sa isip ko ang magkaasawa at magkaanak. Because aside from being young, hindi ko maisip ang kahihinatnan nila kapag nangyari ang araw na mahanap nila ako.

"Masyado pa akong bata para sa asa asawa na yan Mayor." sagot ko nalang.

"Kailan mo balak magkanobyo kung ganoon? O meron na ba pero di mo lang sinasabi?" her voice is suspicious.

Inilingan ko siya, "Wala. Basta wala pa sa isip ko ang mga ganyan Mayor."

Inilatag ng isang staff ang order ni Mayor. She pushed the shake towards me.

"Baka magbago yan kapag nakilala mo na ang mga pamangkin ko."

Tinawanan ko siya at sumipsip sa shake. I doubt it. Walang lugar sa isipan ko ang mga ganyan kaya nasisiguro kong hindi iyon mangyayari.

And besides it'll be another story kung magkakanobyo ako ng pamangkin pa ni Mayor. Hindi naman sa ayokong maging parte ng pamilya niya, pero I like pur relationship with each other.

Mabilis na natapos rin ang araw, at gaya kahapon nasa dagat na naman ako, watching the sun as it sets.

Lumalangoy na naman ang mga bata na kagagaling lang sa paaralan. Kasama ko na naman si Aling Bet, watching over the kids. Kakwentuhan niya si Aling Nita na ang anak ay nasa dagat rin.

I went towards the sea, nakasuot lang ng simpleng tshirt at shorts panlangoy. Kinailangan ko pang magmadaling magpalit kanina nang kagagaling sa trabaho para habulin ang araw.

Between Dusk and Dawn (Love Lies in Ilocos Norte) COMPLETEDWhere stories live. Discover now