Kabanata 1

10.5K 212 108
                                    

Cut

I am sitting alone inside the coffee shop, thinking if I should buy another carrot cheesecake or try their empanada. Ang hirap naman. Huwag na nga lang. Tataba pa ako.

Nakakainis kasi umalis na si Eros. Magtatanong sana ako sa kaniya tungkol doon sa action potential na under ng membrane physio. Kanina ko pa iyon inaaral pero simula noong nagtanong sa akin si France kanina noong nasa ministop pa kami, gumulo na utak ko.

I took a sip from my matcha espresso, frustrated in this topic. Ba't ba kasi ako pinanganak na walang utak?

12:21 AM

Nang makita ko na alas-dose na, I pack my things and leave the coffee shop. Hindi ko alam kung uuwi na ba ako sa dorm or makikitulog muna ako sa condo ni Cha, but then I remember what happened earlier kaya huwag na lang. While driving, I contacted Ae. For sure gising pa 'yon. I am glad she picked up.

"Huwag mong sabihing makikitulog ka na naman sa condo ko."

I laughed so hard at her opening statement. Kung ang ibang tao, kurakot sa pagkain, ako kurakot sa condo. Para tuloy akong taong kalsada, kung saan-saan na lang tumitira.

"Galing mo naman mang hula. Puwede ba?"

I heard her heaved a heavy sigh. Na alarma ako sa simpleng aksyon niyang iyon. I just know that whenever our baby Aenna is facing a problem, she wouldn't tell us the entirety of the story but would show us signs that she is not comfortable with her situation. Tulad nang pagbuntong-hininga niya, hindi iyon dala ng simpleng pagod. Sigurado akong malalim ang iniisip niya ngayon.

"Oo na. Asan ka na ba?"

Napanguso ako sa tanong niya. Tutuloy pa ba ako?

"Quezon Ave. Malapit na ako." Sagot ko habang iniisip kung saan ba ako pupulutin ngayong gabi.

"Bilisan mo at gusto ko ng matulog."

Nawala sa isip ko ang pangamba at nabuhayan sa kaniyang sagot.

May matutulugan ako!

"Yay! I love you so much, sexbomb Ae!"

I heard her small laugh. Yung tawang nahihiya.

"Oo na. Bye na."

I could already see her cherry tomato face. It has always been like that for Aenna. Tuwing nahihiya siya, mamumula ang mukha niya at may mga pagkakataong tatakpan niya ang kaniyang tainga na animo'y ayaw niyang marinig ang bagay na sinabi ng isang tao. 

"Bye! See 'ya!"

I ended the call as I prepared for my departure.

It was already one in the morning when I arrived in front of Ae's unit. I have with me a bag of clothes, skin care products, a hygiene kit, and my textbooks. You never know when you'll be needing these things, so I always come prepared.

Kumatok ako sa kaniyang pintuan, iniisip kung gising pa siya. Nang buksan niya iyong pinto, naamoy ko agad ang kape.

Lahat kaming magkakaibigan mahilig sa scented candle pero si Ae ang adik sa scented candle na kape.

Pagod na pagod ang itsura niya kaya hindi na niya ako pinansin. Dumiretso agad siya ng kwarto at natulog.

"She must be really tired. Or problematic." I said to myself.

Nilapag ko muna iyong mga gamit sa guest room at binuksan ang aircon. Sanay na naman si Ae na na andito ako tuwing weekend. Either uuwi ako sa Laguna or tatambay sa condo niya.

Kinuha ko iyong twalya at toothbrush sa bag at pumasok ng banyo. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at kitang-kita na ang eyebags ko.

Gosh. Hindi na ako nakakatulog dahil sa sobrang daming inaaral.

War of HeartsWhere stories live. Discover now