Kabanata 10

4.3K 107 18
                                    

Jealous

Sumunod na araw, hindi pa rin kami nagkakausap ni Keith. Umuwi na ako kagabi ng mga alas diez. Nagkwentuhan pa kami ni Earl patungkol sa subject kung saan ako nahihirapan.

Isang araw na naman ako mag-aaral at kasama ko ngayon si Eros. Gaya ng sabi ni Keith, sa labas na ako mag-aaral.

Nakaupo kami ngayon sa aming wooden swing chair na napapalibutan ng mga halamang paso at bermuda, sa ilalim ng puno ng Acacia.

Pinakiramdaman ko ang pagdausdos ng hanging kumikiliti sa aking balat. Sobrang lamig na ng simoy ng hanging amihan dahilan kung bakit ang tunog ng kuliling nakasabit sa aming puno'y nakakahabag. 'Di tulad noong mga nakakaraang araw, ang pag-ihip ng hangin ay marahang humahaplos sa balat.

"Hindi ko na ata kayang intindihin itong Histo." Reklamo ko sa aking tutor.

Padabog kong sinara ang libro at napahawak na lang sa aking sentido. I heard Eros chuckled as he observe my sudden outburst. Totoo naman kasing mahirap.

From types of tissues to Human Organ systems, sino ba naman ang makakapag-aral ng ganoong karami? Isang subject lang iyon. Well Mare, maraming doktor ang nakagraduate na. They surpassed this stage in their med, for sure ikaw din. It's still the beginning of your journey.

"Nakarating ka na sa human organs, for sure if you trace it back to tissues, madali na lang 'yon." He gave me a reassuring smile. Napabuntong hininga na lamang ako at tumango.

"Why don't we start from the difference between Pseudostratified columnar epithelium and Stratified columnar epithelium."

Tumango na lamang ako sa sinabi niya.

Habang kami'y nasa kalagitnaan ng pagdedebate ni Eros, may nakita akong itim na sasakyang pumarada sa tapat ng bahay namin. Pareho kaming napabaling sa tarangkahan kung sino ang dumating.

Bumilis ang pintig ng puso ko nang magtama ang mata namin ni Earl. Seryoso ang kaniyang titig sa akin at sa 'di malamang rason, busangot ang mukha niya.

"What is he doing here?" Lumapit sa akin si Eros.

Luminga ako sa gawi niya nang magtama ang siko naming dalawa. Umusod ako ng kaunti para bigyang espasyo ang magkadikit naming katawan.

Hindi ko na kailangan sabihin pa dahil masayang pinagbuksan na ni Keith si Earl. Seryoso ko lang silang tinignan gayundin ang aking katabi. Masaya sila. Nagtatawanan. Iginiya ni Keith si Earl papasok ng bahay. Hinihintay kong luminga ang mata ni Earl sa akin ngunit humarang lang si Keith.

"Is he a suitor of your sister?" Iritadong sambit ni Eros sa akin.

"I don't know." Nagkibit balikat na lamang ako.

Sa study area sila mag-aaral. Hindi ko alam kung bakit kailangang sa labas pa ako mag-aral. Pwede naman sa kwarto na lang. Since Eros is here, I think it's a good idea to study outside. Baka ano pa ang isipin ni Papa, Keith at Ate kung ano ang ginagawa namin ni Eros sa kwarto.

Moments had passed by, wala ng pumapasok sa utak ko. I feel so lost in the middle of a war. Kahit anong explain ni Eros, lumalabas lang ang kaniyang sinasabi sa kabilang tainga.

Something is bothering me. Hindi mapanatag ang loob ko kung ano na ang ginagawa nilang dalawa sa loob. Are they flirting already? Omg! Baka naghahalikan na sila sa loob!

Due to overthinking, nagpasya akong pumasok sa bahay.

"Kukuha lang ako ng merienda natin sa loob." Excuse ko kay Eros.

Tumango siya bilang sagot at seryosong pinagpatuloy ang pagha-highlight ng notes. Pumasok ako sa aming pintuan sa kusina. Magkadikit lamang ang living area, study area at kusina namin kaya nakita ko agad ang likod ni Keith at Earl. Mukhang seryoso silang nag-aaral.

War of HeartsWhere stories live. Discover now