Kabanata 22

3K 69 17
                                    

Slut

Parang isang masamang panaginip lang ang lahat ng nangyari. I couldn't believe myself that I am still here, living in this world with a heavy heart. Dinilat ko ang aking mata. I didn't realize that I was already crying. Hinawakan ko ang aking pisngi nang maramdaman ang tubig na tumulo sa aking mata.

I remember all the things that happened in the past. Sa araw na umalis si Mama hanggang sa namatay si Andeng. Everything looks surreal.

Umaga na ngunit ang langit ay natutulog pa rin.
Naitutop ko ang aking paningin sa box na ibinigay sa akin ni Mama na nasisinagan ng ilaw sa labas. Dahan dahan ko iyon kinuha para hindi ko magising si Keith.

The box contains med related things. Nakakatawang isipin na itong landas na tinatahak ko ay para makatulong sa mga may sakit. I wanted to heal all wounds. Not just physically, but also emotionally.

I didn't forgive myself for the past year. I blamed myself from all the things that happened that I forgot that I am just a human. I am not a thing to be an unlucky charm to human.

It's because of my pessimistic mindset I brought myself to hating the world and myself. Imbis na iligtas ko ang sarili ko, mas lalo ko lang pinahamak ang aking sarili.

Now that my mother is back, I couldn't think straight. I am happy but at the same time angry. Alam ko ang ginawa niya kay Papa. She cheated! Pinamukha pa niya talaga sa harap namin ni Papa. Now, she's here in this very house where it all started.

How can Papa accept Mama just like that? Masyado ba siyang bulag sa pagmamahal? Inalipin ba ni Mama si Papa? Kung buhay lang si Andeng, matutulungan niya ako. Now that I am all alone, I must be strong for myself.

Naramdaman ko ang pag vibrate ng aking cellphone. Medyo nasilaw pa ako nang buksan iyon.

Cha:

Hoy! Ba't 'di mo sinabing umuwi kang Laguna? Binisita pa naman kita sa dorm n'yo! Piste!

Umirap ako.

I looked at my other messages and saw Earl's message.

Earl:

Hey. Sorry for the late reply. What's bothering you?

Earl:

Are you asleep already? I am sorry for disturbing. Good night. I love you.

Natunaw ang puso ko sa simple niyang text. Ba't ang bilis kong makalimot na naandito lang naman si Earl sa tabi ko. He has always been my light ever since. His smile and jokes can easily replace the pain.

Simula nang makilala ko siya, wala na akong ginawa kundi mabugnot. Nawawala ang sakit ng puso ko dahil naitutuon ko ang sama ng loob ko sa kanya. I am stunned that a simple gesture can make my pain fade away. Like it's gone with the wind and all I could think is his electrifying touch, his soft lips on mine, and the way he whispers sweet words to me.

A smile crept my lips as I remember all the fun memories we shared. Hindi ko aakalaing mahuhulog ako sa tarantadong 'yon! Tama nga ang sabi nila, the more you hate, the more you love. I know he's serious and I don't care about serious people.

Habang ako'y nakalutang sa ere dahil kay Earl, nagulantang ako sa pagbukas ng pinto sa cr.
Bagong paligo si Keith at nakatapis ang puting tuwalya sa katawan.

Gising na pala ang babaeng 'to.

"Ang aga mo naman maligo. Anong meron?" Tanong ko.

"Hindi ba sinabi sa'yo ni Papa?" Sabi niya na parang kasalanan ko na hindi ko alam ang sinabi ni Papa.

War of HeartsWhere stories live. Discover now