Kabanata 14

3.5K 75 6
                                    

Birthday

Malapit nang mag Agosto at isa lang ang ibig sabihin no'n.

"Malapit na pasukan!" I stretched my arms to wake myself up. Nasa condo ako ni Ae at tinutulungan siyang maghanap ng trabaho.

Isang linggo na akong nakikitira rito sa condo niya. Ngayong binalita niya sa akin na tinaggalan siya ng trabaho, nalungkot ako para sa aking kaibigan.

"Wala na ba talagang ibang ospital na naghahanap ng medtech?" Tanong nito habang nagpupunas ng pinggan.

"Wala e."

She sadly smiled at me as she placed down the plate on the counter. Pumangalumbaba siyang tumitig sa pinggan at sinimulang padausdusin ang daliri sa gilid nito.

Inobserbahan ko ang kilos niya. Palagi na lang siyang malungkot. Iyon ang una kong napansin. Alam kong may malaking problema ito ngunit hindi niya pinaramdam sa amin na malungkot siya.

Ang hirap din na nagkikimkim siya ng galit at sakit. One day, it will consume her. Ayaw kong mangyari iyon sa kaniya.

Tumabi ako sa aking kaibigan at ginaya ang ginagawa niya sa pinggan.

"Maraming ospital sa Laguna. Puwede namang doon ka muna." I suggested.

Nakita ko ang lungkot sa mata niya nang bumaling sa akin.

Ngumiti naman ako sa kaniya. "Okay lang 'yan. At least hindi mo naman kasalanan bakit nawalan ka ng trabaho. It's the fault of the hospital to remove a skilled RMT like you." I convinced her to be happy but all she did is smiled bitterly at me.

"You think they did this purposely?"

I paused at her question. Umawang ang labi ko sa sinabi niya. "W-what do you mean by that?"

She pursed her lips to restrain herself from bursting. "The hospital has a new director..." naglakad siya patungong refrigerator para kumuha ng isang pitsel ng tubig.

"Who?"

Nagsalin siya ng tubig sa isang baso ngunit nang mapuno ito, hindi siya huminto sa pagsalin.

"Ae."

Tinawag ko siya para tigilan ang ginagawa niya ngunit parang hangin lang ang boses ko dahil patuloy niya itong sinasalinan.

The water spilled on the counter. Tumulo na ito sa sahig.

"Ae!" Halos mapatalon siya sa pagsigaw ko.

"Stop that, will you?" Kinuha ko ang pitsel sa kamay niya at nilapag sa counter. Kumuha ako ng basahan para punasan ang tumapong tubig.

"Adreana Ortillano is the new director." Ang kaniyang boses ay parang nananaksak nang banggitin niya ang pangalang iyon.

Natigil ako sa pagpunas ng sahig.

Alam ko ang pangyayari sa buhay ni Ae. Nalungkot ako sa trahedyang nangyari sa pamilya niya at ang pamilyang kalaban nito.

"Hayaan mo na siya, Ae. Mabuti pang maghanap ka ng trabaho sa ibang ospital kaysa naman sa ganito."

It was like that every time I'm with her. Tinulungan ko siyang maghanap ng trabaho sa ibang ospital maliban sa ospital na pinagtatrabahuan ko. Ngunit ni isang ospital, walang tumanggap sa kaniya.

Ako ang na frustrate sa sitwasyon niya.

"Ano bang problema nila?! Ang sarap nilang itapon sa septic tank e!" Hinimas ko ang sentido habang patuloy akong nagra-rant sa harap ni Cha at Ae.

"O kalma ka lang d'yan Lala. Akala mo namang ikaw ang magtatrabaho e." Singit ni Cha.

Ngumiwi ako sa sinabi niya. "Sinong 'di maiinis?! Parang tanga yang mga Ortillano'ng 'yan! 'Di maka move on!"

War of HeartsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu