Kabanata 27

2.8K 73 10
                                    

Wall

I lost my appetite but Papa made an effort to stay still and calm despite the circumstance. He bought us food and his little effort moved my heart.

Hindi kami nagkikibuan nang kumain kami sa cafeteria ng ospital. Humihikbi pa rin si Keith at si Ate Gladys ang nagpapatahan sa kanya. Nakatitig lang ako sa aking pagkain at sinusubukang kainin iyon.

"Gladys, ang life plan ng Mama mo saan nakalagay?" Papa simply asked.

"Nasa kuwarto ko po lahat ng dokumento."

We were then enveloped by silence once again. Hindi ko alam kung anong maaari kong itulong dahil kahit ako'y tuliro na.

I am also worried of my studies. Kailangan kong magpasa bukas. I have to go to Manila tomorrow but I don't know anymore. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Pa. Ako na-na lang mag-aayos ng death certificate ni Mama. Ibibigay naman ng ospital yung cause of death 'di po ba?" Keith volunteered. Tumango si Papa at in-explain kay Keith kung ano ang mga gagawin.

Ako... anong gagawin ko?

"Mare. Magpapasa ka bukas ng assignments mo sa school 'di ba?" May pag-iingat sa boses ni Papa.

I bit my lower lip. Nahihiya na wala akong ambag sa pagpapaburol kay Mama. Magpapasa pa ako ng mga requirments bukas! Ni hindi ko pa nga tapos iyong iba.

Plano kong tapusin iyon ngayong gabi kaso hindi ko magawa. Kahit pilitin ko ang sarili kong tapusin iyon, naaalala ko lahat ng problema ko. How would I be able to move forward in this situation?

I badly want to seek for France's help but she's in class right now. At isa pa, ayokong magbukas ng phone.

I sighed. Tuwing naaalala ko ang cellphone ko, naaalala ko ang isa ko pang problema. Dumagdag pa ito.

Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko.

Tumikhim si Ate Gladys dahilan nang pag-angat ko ng tingin sa kanya. Pinanlakihan niya ako ng mata. It took me a second before I realized that I haven't answered Papa's question. Abala ako sa pag-iisip ng kung ano-anong problema.

Gusto ko na lang mamatay ng matigil to...

But what will the earth do with my death? Mourn? Kaaawaan lang ako.

That's why this time, I'll fight. I have to be strong to brave the odds.

"O-Opo." Mas lalo akong tumungo. Nakakahiya na wala akong ambag kundi magpasa ng requirements ko! Damn it! Dapat nagtatrabaho na ako e! Hindi iyong palamunin pa ni Papa.

Ga-graduate na si Keith this year pero ako, may tatlong taon pa ako (kasama na roon ang post graduate internship) bago maka-graduate.

Nagpatuloy pa ang kuwentuhan sa kung paano namin aasikasuhin ang burol ni Mama. Tinawagan na ni Papa si Tita Cecil at kaagad bumalik sa ospital. Kakagaling lang dito kahapon ni Tita at sa pagbalik niya, wala na ang kapatid niya.

Naiyak muli kami ng makita si Tita Cecil na umiiyak. Dalawang mahal sa buhay na niya ang nawala.

Andeng... Mama...

Naaalala ko na naman ang libing ni Andeng. I didn't cry at her funeral. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko. Namanhid na siguro ang puso ko noong panahong iyon. And now that Mama's death is reminding me of Andeng's death, ngayon ko naramdaman ang sakit.

Why do I have to feel the pain again? Isn't once enough? Kailan ba maaawa ang mundo sa akin? Kapag patay na ako?

I think it's much better to suffer pain than to not feel at all. At least kaya pang makaramdam itong puso ko.

War of HeartsWhere stories live. Discover now