Kabanata 4

6.4K 120 82
                                    

Medical Doctor

"Ana?" Sa 'di kalayuan, narinig ko ang tawag ng isang lalaki. Malalim ang kaniyang boses at napapaos pa ito. Luminga-linga ako at hinanap ang boses na iyon.

Nakatayo ako sa may patio ng simbahan ng San Agustin habang ang mga parokyano ay abalang-abala sa paglabas at pagpasok ng simbahan. May susunod pa kasing misa. Nag iintay ako kay Eros dahil nag cr muna siya.

May kumulbit sa balikat ko at nang bumaling ako sa kaniya, nakita ko ang isang lalaking seminarista na nakasuot ng black cassock, lace surplice at clerical collar.

"Martin! Kumusta?!" Hindi pa rin ako makapaniwala na si Martin Taguilaso, kaibigan kong seminarista ay nakatayo sa harap ko. It's been four or five years since I last saw him.

"Eto, buhay pa naman," ngumisi siya sa akin at pinagmasdan ang itsura ko. Madaming nagbago sa kaniya. Mas lalo siyang tumaba.

Nanlaki ang kaniyang mata nang makita niya ang sugat ko sa binti.

"Oh, anyare sa'yo?" Kumunot ang noo niya sa pag-aalala.

"Wala 'yan. Disgrasya lang," hindi ko pinahalata sa boses ko na kumikirot iyong tahi sa kaliwang binti ko.

"Anong wala lang? Nasugatan ka nga," ngumuso siya at nakita ko ang pag lungkot ng kaniyang mata.

"Kuya Martin, sino po hahawak ng krus?" May isang sakristang nakasuot ng sutana ang lumapit sa amin ni Martin. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil ang cute ng bata. Siguro mga ten years old 'to.

"Si Vince ang hahawak ngayon," aniya sa batang sakristan. "Ikaw, suspended ka na ah. Mabuti na lang at paborito ka ni Father Marcus," kinamot ni Martin ang kaniyang ulo sa irita. Napangiti naman ako sa kaniyang sinabi.

Naalala ko tuloy noong nasa simbahan kami ng Santa Rosa de Lima sa Laguna, sobrang kulit nitong si Martin. Lagi siyang napapagalitan dahil late nakakapag serve o 'di kaya kapag may prusisyon at siya ang naka-assign sa kampanaryo, tunog nang 'do re mi' ang maririnig nang buong bayan. Dahil doon, one week siyang suspended sa pag serve. 'Di tuloy nakapag serve ng holy week.

"Ganon po talaga. Special e," pagmamalaki noong batang sakristan.

"Ganon po talaga. Special," pang gagaya ni Martin. Napahalakhak naman ako sa tawa at muntik ko pang mahampas ang braso ni Martin. Kahit kailan talaga, palabiro itong si Martin. Akala ko nga titino na siya dito sa seminaryo ngunit may mga ugali pa din talagang nananatili magbago man ang landas na tinatahak natin.

Luminga sa akin ang batang sakristan at nagpabalik-balik ang kaniyang tingin sa aming dalawa ni Martin.

"Kuya, girlfriend n'yo po?" Inosenteng tanong nang bata. Kumunot ang noo ko sa sinabi nung bata. Girlfriend? E seminarista nga 'tong si Martin. Paano magkakaroon 'to ng girlfriend?

"Anong girlfriend? Kaibigan ko 'to 'no!" Kinurot ni Martin ang tainga niya at inasar ang bata.

"Ikaw, gusto mong mag pari, dapat wala kang girlfriend. Patago lang," ngumisi siya doon sa bata. Patago?

So pwede silang magka-girlfriend?

"E'di secret girlfriend n'yo po si ate?" Sabay turo sa akin nung bata. I gave him a questioning eyes and pointed at myself if he's pertaining to me.

"Hindi ko siya girlfriend, Theo. Kaibigan ko 'to noong bata pa kami." Mahinahong sabi ni Martin. Tumango na lamang ang bata at muling tinignan ako.

"Ate ano po pangalan niyo?" His voice was filled with curiosity.

"Ana. Tawagin mo na lang akong Ate Ana," nginitian ko siya. Masyado siyang maliit para sa kaniyang edad. Siguro mga 4'8 lang ang kaniyang height.

"Pumuwesto ka na nga sa loob," mahinahong pinagsabiban ni Martin ang bata at dali-dali namang pumasok sa loob. Bumaling sa akin si Martin at ngumiti na lang.

War of HeartsWhere stories live. Discover now