Kabanata 15

3.8K 91 18
                                    

Warning: R18 (read at your own risk)

Trust

"W-wala na tayong kailangang pag-usapan, d-doc."

Humigpit lang ang pagkakahawak niya sa akin na para bang hindi niya matanggap ang sinabi ko sa kaniya.

"No. Let's fix our problem Mare." Naging kalmado ang itsura niya ngunit hindi ko maikaila ang galit sa tono ng pananalita.

"May iba ka pang bisita. Naghihintay din yung-yung Mariane mo." Napapikit ako sa kahihiyan. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya.

"Uh-hmm."

Halos magdikit na ang kilay ko sa sinabi niya. Para bang 'di niya narinig ang sinabi ko.

"Bumalik ka na roon. Hinahanap ka na ni Donya Corazon p-pati Mommy mo. Baka magtaka na rin yung Mariane mo b-bigla ka na lang nawala."

Marahas siyang suminghap ng hangin na para bang ang laki-laki ng problema niya.

"I don't fucking care of my visitors. They can start the party without me."

"Pero ikaw ang may birthday! Magtataka sila na wala ka sa party mo."

"Why would I join that stupid party if my girlfriend is not there?"

Nabigla ako sa sinabi niya. Pilit kong binabawi ang palapulsuhan ko ngunit hinila niya ako palayo sa venue.

"Bitawan mo ako Earl." Nagpatuloy lang siya sa paghila sa akin.

Halos ibalibag ko na ang pagkakahawak sa kamay namin, dahilan ng pagkakabaling niya. We are here in an empty hallway in the first floor.

Ipinatong ko sa aking dibdib ang aking kamay nang bawiin iyon. Nahihiya sa pagsama sa kaniya. I can't process all the things I heard from other people. The rumors about his girlfriend, his family. I can't help it!

"Aalis na ko. Ha-happy birthday!"

Tumalikod ako sa kaniya para tumakbo ngunit pinulupot niya ang braso sa akin. He hugged me from the back, stopping me from running away.
Ramdam ko sa aking likod ang marahas na pagtaas-baba ng dibdib niya. His hot breathes from his mouth tickled my shoulder up to my neck.

"Don't run away from our problem Mare. Please, let's talk it out hmm?" His gentle voice soothed the worry that's building up within my heart.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha. Nakita ko kung papaano nabasa ang mamahaling coat ni Earl dahil sa luha ko.

"Shh. I know you're not okay. Please. I'm not okay if you're not." Punong-puno ng pagsusumamo ang kaniyang boses.

Hindi ako nakapagsalita. We remained like that for a good minute. Him saying sweet words to soothe me. Halos mangatog na itong binti ko sa sobrang panghihina. Para akong hinehele sa rahan ng kaniyang pagsasalita sa akin. The ruthless Earl Almenanza is always gentle whenever he's talking to me.

Mabuti na lang at nakayakap siya sa akin kung hindi, baka kanina pa ako napasubsob sa sahig sa sobrang panghihina.

"Huwag kang maniwala sa mga pinagsasasabi ng mga tao. They're not Earl Almenanza to tell who is his girlfriend. You're my only girl, okay?" 

Kinalas niya ang pagkakayakap sa akin ngunit pinagsalikop niya ang aming kamay para hindi niya ako mabitawan. I took that opportunity to face him. Nang makaharap ako sa kaniya, binaba ko ang aking paningin sa sahig.

Hindi ko siya kayang tignan. Natatakot ako sa mga sasabihin niya. Baka bumigay na naman ang puso ko sa malalambing niyang mga salita.

He didn't talk. He pulled me instead and drag me towards the elevator. Nagpatianod naman ako sa hila niya. May pinindot siyang numero at nagsara na ito ng tuluyan.

War of HeartsWhere stories live. Discover now