Kabanata 19

2.9K 68 69
                                    

Thoughts

Matamlay akong pumasok sa paaralan. Maagang maaga kami ngayon dahil si Papa ang naghatid. Dahil sa trabaho ni Papa, kailangan niyang maaga sa trabaho kaya maaga na rin kami. Si Keith ay inaalagaan ni Tita Nancy, ang kapatid ni Papa.

Nagkasalubong ang tingin namin ni Andrea. She looked worried at my horrible look. Basang-basa pa ang bubok ko ay nagipit na ako.

I looked away. Ayaw kong mamansin ng tao ngayon. Simula noong iwan kami ni Mama, gusto ko na lang mapagisa. Ayaw ko ng tao. I want to isolate myself from the society. I am always afraid of their wrong judgement of me. Kung tatratuhin lang naman ako ng gano'n ay mas mabuti pang humiwalay sa kanila.

Naupo ako sa puwesto ko. Pagod akong tumingin sa kawalan. Kaming dalawa pa lang ni Andeng ang nasa room. Nasa harap siya habang ako naman ay nasa likod. I requested to seat at the back with no seatmates but my teachers are concerned of my grades. Hindi naman kasi ako gaanong active sa eskuwela. Nakakatamad. Nakakatamad mamuhay.

Nakatitig ako sa aming pisara nang lumapit sa akin si Andeng. Hindi ko siya binalingan. Hinayaan ko lang siyang maupo sa tabi ko.

"Let me comb your hair." She offered.

Tamad akong umiling sa kaniya.

"Come on Mare. Walang mangyayari sa buhay mo kung panay ganito na lang." She smiled to uplift the mood.

"Lumayo ka sa akin." Malamig kong sabi. Nag heads down ako para kunyari ay natutulog. Ayaw ko lang na may nangiistorbo sa akin.

Narinig ko ang buntong hininga niya at ang paglayo sa akin. I remained like that until I heard a lot of shoutings. Pahayag na marami ng tao sa loob ng room. Inangat ko lang ang aking ulo nang tumunog ang bell.

Lahat ay abala sa pagtatasa ng lapis, pagaayos ng kuwaderno, pagkukuwentuhan, at iba pa. Lahat sila'y tuwang-tuwa dahil lunes ngayon, paniguradong ang kuwento nila ay tungkol sa paglabas nilang buong pamilya tuwing linggo.

I even heard, "Alam mo Gia, nagtampo ako sa Daddy ko dahil hindi siya umuwi ng maaga noong sabado." Ani Glenn, na kinukuwentuhan si Gia. "Tapos umiyak ako dahil doon. Tapos nagtanong siya kung paano makakabawi. E'di sabi ko bilhan ako nung isang set ng collectable stamp sa Mc'do!"

"Talaga?! Dala mo yung mga stamp?"

"Oo! Ito oh!" Nilabas ni Glenn ang Hello Kitty na collectible stamp sa kiddie meal ng mc'do.

Parang tinutusok ng kutsilyo ang puso ko dahil sa pag-uusap nila. I remember how we always spend together as a family and buy collectable toys for me. I envy my classmates who has the capability of having a complete family and can even buy their caprices!

Hinayaan ko na lang sila. Naiinggit ako dahil gusto ko rin no'n. Kaya naman ni Papa pero wala nga lang siyang oras sa amin. Ayoko rin namang pilitin siya. He just got promoted to a higher position. Iyong tulad ng kay Tito Dan. Mas naging abala si Papa sa trabaho kaya minsan, hindi siya nakakauwi. Umuuwi lang siya tuwing martes, sabado, at linggo.

Si Ate ang halos tumayong nanay ni Keith. Seryoso palagi siya tuwing inaalagaan si Keith. Hindi ko rin alam kung ano ang naramdaman niya nang umalis si Mama. She's too secretive but her actions tell me that she knows what she's doing, like she's ready for this kind of life.

Ayaw kong umasa kay Ate. Dahil siya ang nagaalaga kay Keith, ako naman ang tagaluto. There are times I would even get burns from cooking. Sa talsik ng mantika lalo na kapag nagluluto ng bangus, nasasaktan ako. I endured the pain. I want to be independent. I don't want to be a coward who would run away from her responsibilities as an Ate to Keith.

War of HeartsWhere stories live. Discover now