Wakas

7.9K 134 18
                                    

Wakas

Conqueror

Hinimas ko ang aking sentido dahil sa sobrang daming iniisip. Hindi ko alam kung papaano ko ba maiibsan ang problemang ito.

"It's your Lola's decision, Earl." Nilapag ni Mama ang folder na naglalaman ng papeles na galing sa aking Lola.

Nakaupo ako sa isang swivel chair ng isang mahabang lamesa. Kakatapos lang namin pag-usapan ang tungkol sa paghahati ng mga pamana sa aming lahat.

Most especially, we talked about the heir of the company. Originally, our Lolo wanted Haniel, my sister, to handle. She has the traits of being a good leader. Hindi lang si Lolo ang may gusto, pati na rin si Papa.

Wala naman akong pakealam kung hindi ako ang pinili dahil ako ang panganay. In fact, good news pa ito sa akin. Pero heto ako ngayon, binabawi nila kay Haniel ang para sa kaniya at ibinibigay na sa akin.

"Han can handle the company well, Ma. She proved her independence by separating herself from us. Wala ba kayong tiwala sa kapatid ko?" Mariin kong tinitigan ang aking ina na ngayon ay tuliro na rin sa kakaisip.

"You're actually the heir of our company, Earl. Kaya lang ito binigay kay Han ay dahil ayaw niyo ni Cedric."

She walked towards the glass window and gazed at the beautiful skyscraper she always admire from afar. Sinundan ko lang ng tingin ang aking ina.

"Haniel also needs you, Earl. She needs time to recover from that trauma." Bumaling siya sa akin at ginawaran ako ng isang malambing na ngiti.

"Haniel needs you, Kuya." She reiterated but this time, her voice was soft.

Wala na akong nagawa pa kundi sundin ang kahilingan ng aking Lola. Those were the times where life gets hard. May mga bagay talaga na hindi mo aakalaing mangyayari.

Kakapasá ko pa lang ng boards noon nang ibigay sa akin ang buong kompanya namin. Hindi naman ako nagkaroon ng interes sa negosyo ngunit hindi naman ako bulag kung papaano mag asikaso.

Pakiramdam ko, pasan ko ang buong mundo sa bigat ng aking responsibilidad. As I handle our business as CEO, Surgeon resident din ako. I tell you, it was the hardest.

Gusto ko na ngang isuko ang pagdo-doktor pero sayang naman ang apat na taon kong paghihirap sa med school at ang isang taon kong internship.

"Are you sure you want to continue?" Vina caressed my thighs as she whispered those words to me.

Nakaupo kami sa isang couch ng club dito sa BGC kasama ang mga high school friends ko. It was a reunion. I played with my drink as I smirked at her question.

"You don't trust me?"

She laughed at my question before shooking her head. "What do you mean by that?"

Sumimsim ako sa alak bago ito ipatong sa aking tuhod.

"Well Ms. Tenorio, it seems that you're doubting my potential to be a doctor with that question." I playfully smiled. "Of course I'll continue no matter what."

There have been countless of times people doubted my potential to be a doctor. Nasasayangan sila sa talento ko sa negosyo. Not that I hate our business, I just don't see myself like that.

I am not like my father who's really good at it. In no time, he can turn the table upside down. He's a mad genius in our family.

The business industry is like playing in a casino. You place your bet, you either lose or win. It's not the gamble I wanted to risk. What I see for myself is placing all of my bets: hardwork, dedication, and skill in the operating room.

War of HeartsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora