Kabanata 20

3.3K 61 5
                                    

Hate

Naging masaya ang buong high school life ko dahil kay Andeng at sa bago naming nakilalang kaibigan na si Aenna at Charlene. Lagi kaming nag si-sleep over o 'di kaya'y gumagala sa mall. Dahil si Charlene ay may sariling sasakyan, minsan ay namamasyal kami sa iba't ibang lugar.

Nakakarating na nga kami ng Batangas. Napuntahan din namin ang hometown ni Ae noong grade eleven dahil do'n.

A lot of things happened. Minsan ay hindi kami nagkakasundo magkakapatid at madalas ay kinukwento ko ito kay Andeng. My cousin is like an open book. She understands my point and is very sensitive.

Siya yung tipong kaibigan na makikinig lang sa problema. Hindi siya magbibigay ng kung ano-anong payo para sa akin. Aniya'y ako lang ang makakapagpayo at makakatulong sa sarili ko. Totoo naman, naiinis pa ako sa mga taong sobrang daming sinasabi na akala mo naman alam nila ang pinagdadaanan ko.

I just need someone who is willing to understand my pain and Andrea is there to comfort me. Nahihimasmasan ang puso ko sa tuwing ginagawa niya iyon sa akin.

Apat na kaming magkakaibigan ngayon ngunit 'di pa rin maikakaila na kay Andeng talaga ako naluluwagan. Maybe because I grew up with her. We know each other's strength and weaknesses. Walang ibang tao ang mas nakakakilala sa akin kundi siya.

Para siyang alarm clock. She would often remind me of the things I lack and the things I am good at. Na ayos lang naman kung mahina ka at may kulang sayo basta kinakaya mo.

Senior high pa lang, lagi na akong sinasama ni Andeng sa mga simpleng family dinner nila. Minsan iniimbita ni Tita Cecil si Papa at mga kapatid ko. Sa isang specific na hapunan sa Solenad, doon ko nakilala si Eros. His mother, Tita Stella ay kaibigan pala ni Tita Cecil.

Doon nagsimula ang love story ni Andeng at Eros. I am actually happy for Andrea. Dahil polar opposite ang kanilang ugali, nag click agad sila. Ako pa nga itong laging nang-aasar sa kaniya tuwing nagkikita sila.

Eros is the type of guy who's weirdly annoying. Si Andeng itong sobrang seryoso. Sa akin lang naman nilalabas ni Andeng ang ibang ugali.

Because of my simple teases, they both fell for each other. Ang saya ko pa nga dahil ako ang nagtulak sa kanila. I am happy for her.

Kapag may date, hindi ko alam bakit sinasama pa ako ni Andeng. Maybe she feels unsafe. Natatawa pa nga ako kapag ganoon ang ayos. Nagmumukha tuloy akong third wheel. Nang naging kampante na si Andeng kay Eros, hindi na niya ako sinasama.

My heart hurt a little at that. I shouldn't feel like that right? Ano ngayon kung hindi nila ako isama? Wala naman akong magagawa dahil sila naman itong mag jowa at ako lang naman ang kaibigan ni Andeng. I must say, I am a little jealous. Hindi ko nga lang alam kung kanino.

Nang magkolehiyo kami at si Andeng naman ay nag-aral sa UP, nalungkot ako. I am not used to being away from her. Wala naman akong magagawa dahil iyon ang gusto niyang pasukan na unibersidad. Besides, she loves to be scholar ng bayan.

Gustuhin ko man sa UP din ako mag-aral, hindi talaga ako pinagpala. Nalungkot pa nga ako dahil hindi ako nakapasok sa dream university ko. Imagine UP. A high standard school, tapos estudyante ka.

Sabi naman ni Papa puwede akong mag-aral sa La Salle tulad ni Ate dahil may pera naman kami. Maganda rin naman ang college of medicine roon pero hindi iyon ang pinili ko. When I had the opportunity to go to St. Rita of Cascia University, doon ako nag enroll.

It's not a bad school. In fact, ito ang pangalawang gusto kong pasukan. Mataas ang passing rate ng nursing at Med dito.

I met new friends along the way.

War of HeartsWhere stories live. Discover now