Kabanata 6

5.2K 109 61
                                    

Rent

Halos lahat ng tao na naglalakad ay napapatingin sa sasakyan namin. Nasa loob ako nang Aston Martin Vanquish S ni Earl at hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko. Ang mahal ba naman ng sasakyan niya! He said he bought this for three hundred and fifty thousand dollars ($350k) lang!

Ni-la-lang niya lang ang seventeen million pesos! Baka nakapasok na ako sa med school nang sampung beses.

Hindi na ako magtataka. Mayaman naman kasi ang mga Almenanza. They own the biggest malls in the Philippines and Singapore under CAIC—a multinational corporation owned by their family.

I am actually impressed that he's not the type of guy to brag about their wealth. He's humble that's for sure. Kapag nasa hospital siya, dala niya lagi ay ford ecosport, hindi itong aston martin. Hindi ko alam bakit ito pa dala niya. Feeling ko wala akong karapatang umupo sa "baby" niya.

Daan namin ngayon ay papuntang upper Laguna. Hindi ko alam kung saan ba ako dadalhin ni Earl. All I know is that we're bound to explore the beautiful places of Laguna.

Habang nasa biyahe, nagtanong-tanong na ako kay Earl dahil pagkatapos ng undas break, midterms na.

Galing talaga e. Langit muna bago impyerno.

"Sino ba prof niyo sa physio?" ngumiwi siya nang marinig niya na mali daw ang tinuturo noong prof namin. Malay ko ba na mali 'yon!

"Si Dr. Belandros, bakit?"

"Bago?"

"Aba'y malay ko! First year lang naman ako e!" Malamyos kong hinampas sa braso niya ang reviewer kong nakastaple. Humalakhak naman siya sa ginawa ko tila natutuwa pa na sinaktan ko siya.

Nakakainis!

"Ba't 'di mo tanungin si Eros?" Makahulugan niyang pagbibiro. He even smirked at me like there's something malicious to it.

Uminit ang pisngi ko sa inis. Itong doktor na 'to! Simula nang ikuwento ko sa kanya si Eros lagi na lang akong inaasar!

"Ano ba! Nakakahiya kaya!" hinawakan ko ang pisngi ko para pakalmahin ang sarili ko. Tumikhim muna si Earl bago ako kantyawan ulit.

I tried to look at his reaction with my peripheral vision. His jaw kept on clenching. His grip on the steering wheel is firm to the point his veins are popping. Napalunok ako nang wala sa oras.

Earl is always like this everytime we talk about Eros. Para bang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya ang sarili niya. That's why, as much as possible, whenever I am with Earl, hindi ko pinag-uusapan ang tungkol kay Eros. Seeing him this... cruel... when he is angry, hindi ako makahinga—not because of the tension, but because there's something inside of me that prevents me from comforting him. Hindi ko alam kung bakit takot na takot ako pagdating sa kaniya. My moves are always calculated.

"Kinikilig ka na naman!" Tumawa nang malakas si Earl dahilan kung bakit mas lalong nagliyab ang pakiramdam ko.

Peste naman e! Lagi na lang ako inaasar nito. Nonetheless, I bickered with him even more.

"Pake mo ba! Imbis na kantyawin mo ako, maghanap ka nga ng girlfriend! Twenty eight ka na pero wala ka pa ring girlfriend! May inaantay ka ba?"

Silence enveloped us. Tanging tunog galing radyo lang ang maririnig. And here we go again. Damn you, Athanasia Mare! You drew the line again!

"Ayos ka lang?" I pretended to read my transes.

Parang kanina ang saya-saya niya tapos ngayon, seryoso ulit. Nagtaas lang siya ng kilay sa daan at hindi na umimik.

War of HeartsWhere stories live. Discover now