Kabanata 9

4.1K 95 27
                                    

War

Natapos na kaming kumain ng tanghalian at nagsimula na kaming magdasal para sa kaluluwa. Katabi ko si Cha at Ae na nakaupo sa isang bench at nagpapaypay. Katabi naman ni Eros si Anthony na nasa kanan ni Ae.

While praying, I can't help but think what happened yesterday. Gusto ko'ng kalimutan ang mga nangyari ngunit patuloy itong bumabagabag sa aking isipan.

Is it possible that Earl like me? Hindi naman niya ako hahalikan kung hindi niya ako gusto. But come to think of it, naubos namin ang isang bote ng wine. Low tolerance siya sa alcohol and maybe he's a bit tipsy? I don't know pero sana nakauwi siya ng ligtas kagabi. If he's really tipsy, sana ay nakapagmaneho siya ng ayos.

Eros. Sa dinami-dami ng araw na pwede siyang magpakita, bakit kahapon pa? Kung kailan kasama ko na si Earl? Akala ko masaya na siya doon sa Danica na 'yon? And why would he take me to dinner? Ano ba ako sa kaniya?

"Hoy Lala. Tapos na dasal. Hindi kapa nag sa-sign of the cross." Iwinawagayway ni Cha ang kamay niya sa tulala kong mukha.

Masyado bang distracted ako sa mga iniisip ko at hindi ko na namalayan na tapos na ang dasal?

"Ah! Sorry." Nag sign of the cross ako at saka nag-unat.

Bumaling ako sa gawi ni Eros at naabutan ko siyang nakatingin sa akin. He then diverted his eyes on something else upon staring at him.

"Ate, punta na raw tayo sa mga Lacsamana." Sabi ni Keith.

"Sige. Kukuha lang ako ng kandila." Hinalukat ko ang paper bag na dala namin na naglalaman ng mga kandila. Marami ang dinala namin dahil halos lahat ng puntod ng aming angkan ay pupuntahan namin. Madalas kaming tumambay sa mga Flores dahil may bubong ito.

I shivered as I felt someone beside me. Nilingon ko ang taong iyon at nakita ko ang madilim na titig ni Eros sa akin.

"Can I come?" Napapaos niyang tanong.

Hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko. Pwede naman kaso hindi naman siya kilala roon.

"Sige! Okay lang ba s-sayo? Malayo ang lalakarin. Sa dulo pa iyon."

He smirked at me like my stuttering is something amusing to him. I looked away from him and concentrated myself on fixing the candles.

Umayos ka Mare.

Nagtiim bagang ako nang ramdam ko pa rin ang kaniyang titig sa akin.

"Mare. Bilisan mo." Tawag ni papa.

Mabuti na lang at atat ng umalis si papa. He feels uncomfortable whenever he's in front of my mom's family.

"Opo." Dinala ko na ang kandila at naglakad na papuntang gate.

"Cha. Ae. Una na kami." Paalam ko sa aking mga kaibigan na mukhang aalis na rin. Sumunod si Eros sa akin.

Cha grinned at me. "Ingat kayo."

I gave her a death glare before going out. Alam ko namang ang mapangasar niyang ngisi sa akin.

Ngayon ko lang naman kasi nasabi sa kanila ang pagtingin ko kay Eros. I tried to restrict myself since he had a girlfriend that time. I convinced myself that there are lots of men out there.

That's one of the things I regretted the most. Being head over heels for him. Ang kaniyang mapanuksong bisig, titig at ugali ang nagpahubog sa aking damdamin.

Kasama namin si Eros sa paglalakad papuntang dulo ng sementeryo. Maraming tao, ang aming nakakasalubong at marami rin nagbebenta ng iba't ibang laruan at pagkain.

War of HeartsWhere stories live. Discover now